APOLO: SEIS

453 15 0
                                    

Sa tuwing nagkakaroon talaga kami ng get together, basta kasama si Primo ay tinatamaan talaga ako ng inis lagi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Sa tuwing nagkakaroon talaga kami ng get together, basta kasama si Primo ay tinatamaan talaga ako ng inis lagi. He's always clingy to Alaric, I know that. He's been trying to touch him the whole time. Naroon tuloy ang pasimpleng pag-irap ko sa kaniya sa tuwing napapagawi ang tingin niya sa akin.

Alam ko naman na kanina niya pa ako iniinis.

Nagpapahinga ako sandali dahil napagod akong lumangoy. Paano ba kasi at ako lang yata ang nag-enjoy at tumagal sa tubig kanina. Puro sila alak at kwentuhan. I somehow don't want to join their chitchat, it's about women and experiences. Nangunguna nanaman kasi si Leander, isinama pa si Cameron. Buti nalang talaga at wala si Tim ngayon dahil baka mapuno nanaman ako sa pambubuska ng isang 'yon.

Bakit ba kasi parang may ranking ang mga lalaki sa paramihan ng mga babae o mga babaeng naikama na.

Inayos ko ang suot kong bra. I was only on my bra and my short, cotton pa 'yon kaya kita din naman ngayon ang suot kong underwear. Nakasuot lang naman ng shorts ang mga lalaking kasama ko at busog na busog ang mga mata ko sa mga pandesal nila sa tiyan. Except Primo, kahit yata maghubad ang isang 'yon sa harapan ko ay hindi ako maaakit, mas masusuka pa ako kung sakali. Never in my entire life I would make drool over him. Mas maharot pa kaya ang isang 'yon sa akin.

"Alaric" I finally got the chance to sit beside him. Namumula na ang leeg niya kaya alam kong lasing na siya. Ang sabi kanina ay maliligo lang, hindi naman sinabing maglalasing talaga. "You're drunk" hahawakan ko sana ang braso niya pero bigla siyang humarap sa akin.

We were sitting at one of their sun lounger. I was sitting closely to him so when he turned to face me, our faces were inch close. Tumama ang hininga niya sa gilid ng ilong ko.

"I know" saka siya tumawa, tila wala sa kaniya ang lapit namin sa isa't isa. Amoy beer ang hininga niya pero bakit hindi ko magawang lumayo sa kaniya. I was starting to like our closeness when someone interrupted us by slightly coughing. Mabilis tuloy akong napahiwalay kay Alaric.

Dang! Chance ko na 'yon,e! I thought first ko na si Alaric. Wait, would I really let the guys see it?

Masama kong hinarap ang istorbo at unti-unting nawala ang galit na ekspresyon ko sa kaniya nang masalubong ko ang seryosong mukha ni Apolo. Teka, nakauwi na siya? Bakit ang bilis niya?

Pasimple akong lumayo kay Alaric na ngayon ay nakayuko na, sapo ng mga palad ang mukha. 

"Nakauwi ka na?" Obvious ba, Via?! Shocks, hindi ko kasi alam ang sasabihin ko sa kaniya.

Tiim lang ang panga niyang nakatingin sa akin. I don't know but I am nervous and a little bit conscious again! Bakit ba ganito ako sa tuwing nagkakaharap kami matapos nung nadatnan ko kaninang umaga?!

"Alaric, you're already drunk. Get inside and sleep. Pumasok na din sina Cameron at Leander" inalis ni Apolo ang tingin sa akin at tinuon 'yon sa kapatid, ni hindi pinansin ang parang tanga kong tanong sa kaniya. Is he in a bad mood?

ISLA VERDE: APOLOWhere stories live. Discover now