Once A Fan Girl

2 0 0
                                    

Fan girl. Ito nga lang ba ko para sakanila?

Hindi ako makapaniwala na sila ang mag bubukas sa isang bahagi nang buhay kong pinilit kong talikuran simula pagkabata.

Simula nong dumating silang lahat sa buhay ko nabago na ikot nang mundo ko. Natoto kong tignan at tanggapin ang totoong pagkatao kong ayaw kong harapin. Sila ang naging pahinga ko sa maingay na mundong kinatatayuan ko.

Pinatawa, pinaiyak at sinamahan nila ko sa lahat. Pero lahat pala nang ito ay may hangganan at katapusan, dahil sa oras na mahulog ka sa isa sakanila, at hindi ka nito sinalo muling babagsak at mag lalaho ang mundong pilit nilang binago para sayo.

Mahirap tanggapin na hanggang dito lang ako para sakanya, na hanggang Fan girl lang ang tinggin nya sa isang katulad ko.

Hindi naman talaga ko ganito eh! Never kong inimagine na mababaliw ako sa isang sikat na lalaking katulad nya. Akala ko noon hindi ako magiging katulad nang mga kaibigan kong baliw na baliw sa grupong iniidolo nila, pero kakainin ko rin pala lahat nang mga salitang sinabi ko sakanila.

Nilagay ko ang sarili ko sa sitwasyong mahirap takasan. Hindi ako mag sisising nakilala ko sila. Hindi ako nag sisising minahal ko ang isa sakanila. Dahil sakanila ko nakilala ang tunay na ako. Sila ang nagpakita sakin na lahat nang bagay na nangyayari samin ay may dahilan.

Nakatanaw ako sa daan habang paalis sa mundong muli kong tatakasan. Maybe this is the end of my fairy tale, but I will never forget that I was once a Fan girl of these twelve awesome boys.

Once A Fan GirlWhere stories live. Discover now