Chapter Two

46 4 5
                                    

Chapter Two


KASAMA ko ang kambal na Salvatore dito sa pag-aari nilang coffee house. Ang SaeFae.


"Paano si Reg? Bumalik na siya." usal ni Fae.


"Damn that guy. Ang alam ko ikakasal na sila noong babaeng pinalit niya kay Reg eh." kunot-noong sabi ni Sae.


"Hanggang ngayon hindi pa rin ba siya nakaka-move on?  May Stephen Frye na siya ah." tanong ni Fae.


Pangalan pa lang niya bumibilis na ang tibok ng puso ko.


"Malamang. First love niya kaya 'yun." usal naman ni Sae.


Napatingin ako sa entrance ng SaeFae ng may makita akong pamilyar na lalaki na may kasamang babae.


"Speaking of the devil. Look." sabi ko sa kanila sabay turo sa entrance ng shop.

"River King." usal ni Sae.


"Ang lakas ng loob niyang tumapak sa teritoryo natin." inis na sambit ni Fae.


"Let's get out of here." anyaya ko sa kanila habang inaayos ko ang gamit ko.


"Pasaan?" sabay nilang tanong.


"Sa condo ni Aubrey." saka kami lumabas at nag-kanya-kanyang sakay sa mga kotse namin.



***


TUMUNOG ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami.


Nauna na akong maglakad at bago pa man ako makapag-door bell ay bumukas na ang pinto.


Halata ang pagkagulat sa mukha ni Aubrey ng makita niya kami.


"Hey Aubs! Nagulat ka yata?" takang tanong ni Fae.


"A-anong ginagawa niyo dito?" tanong niya.


"Hindi mo man lang ba kami papapasukin?" tanong ko rito at bigla itong naging balisa.


"K-kasi ano m-madumi sa loob! Sa SaeFae na lang tayo tumambay!"


Pagkasabi niya noon ay siyang paglabas ng isang lalaking topless mula sa condo niya.


Kaya naman pala.


"Hey baby, who— oh."


"Boyfriend mo, Aubs?" tanong dito ni Sae na halatang nang-aasar.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Devil's RoleWhere stories live. Discover now