Simula

3 0 0
                                    

Pinunasan ko ang pawis na mabilis na tumutulo sa aking noo. Mataas na ang araw kaya kailangan nang matapos itong pag-aabuno namin ng lupa nang sa gayon ay makakain na rin at makauwi.

Binilisan ko pa ang aking kilos dahil magta-tanghali na at masakit na sa balat ang sinag ng araw. May longsleeve polo naman akong suot but it can't suffice the heat in this scorching provincial noon.

"Liya, pahuway na didto kag mag-kaon. Tama na na danay (Liya, magpahinga ka na't kumain. Tama na muna iyan)" Tiyoy Fred told me, the one who let me work here this summer.

"Tapuson ko lang ni Tiyoy, lapit na lang man (Tapusin ko nalang po Tiyoy, mabilis na lang naman)" I told him with a smile and return to what I was doing. Malapit na naman itong matapos, matatagalan pa ako kapag dinagdagan ko pa ng pahinga.

Wala naman siyang nagawa at umiling na lamang habang nagpatuloy ulit sa pag-aabuno. 

Kaya ko pa naman, tsaka kumain naman ako nang marami kanina. Kapag kasi matatapos ko 'to ngayon nang maaga, makapaglalaba pa ako kina Tita Cecil.

Sayang din ang pera. Kailangan ko pa namang mag-ipon para may pambili kami ng gamit sa eskwela dahil malapit na rin ang pasukan.

"Grabe gid ya si Liya ah. Gwapa na, pisan pa (Grabe talaga 'tong si Liya. Maganda na, masipag pa)" rinig kong sabi ni Loryl na kaibigan ko't kasama rin ngayon sa pag-aabuno.

"Paghinugay-e ko gani, Ryl ah. Amo na ning daw ga linamugo na ta kag baho init, gwapa gihapon? Sa mapisan lang ko ya ah (Huwag ako, Ryl. Yung madungis na't amoy-araw, maganda pa rin? Sa masipag lang ako)" natatawang sagot ko sa kaniya.

"Araw-araw man ni ya sa nilamugo? Daw trapo na na ya (Grabe ka naman sa madungis? Parang basahan na yan eh)"

"Miski daw trapo na tsura sang bayo mo day, kay miski ano imo suksukon maanyag gihapon (Kahit parang basahan na iyong damit mo, eh kahit anong damit man suotin mo maganda ka pa rin naman)" banat naman ni Tiyay Joling

"Sus waay ko di kwarta tiyay ah (Sus, wala akong pera dito tiyay)" biro ko na kinatawa rin nila

Kahit na medyo mabigat yung trabaho, eh kapag ganito ba naman ang mga kasama mo, siguradong mawawala talaga yung pagod mo. Hindi mo nalang maaalintana ang oras sa bilis ng pagtakbo dahil sa kabila ng pagod ay may kasiyahan pa ring nangingibabaw at nadarama.

Pagkatapos kong mag-abuno ay sumilong muna ako sa kubo na nasa tabi ng ng kalsada. Nasa gilid lamang kasi ng mga kalsada yung mga tubuhan dito sa amin.

"Lantawa bala, Li oh. Gwapo salakyan no? Kay sin-o na man? ( Tingnan mo, Li oh. Gandang sasakyan no? Kanino kaya iyan?)" Turo ni Loryl sa kulay itim na SUV.

"Basi bisita sa Barangay (Baka bisita sa Barangay)"

"Sa dason bala maka-drive gid ko amo na. Ikaw dason una ko pasakyon, Li (Sa susunod makakapag-drive din ako niyan. Ikaw ang una kong pasasakayin)" proud na sabi nito.

"Motor gani indi ka kabalo mag-dala, salakyan pa? Tuon danay bike para kabalo ka mag-balance motor, dason lang salakyan ( Motor nga di ka marunong, sasakyan pa kaya? Aralin mo munang mag-bike para matuto kang mag-balance ng motor. Sunod nalang yung sasakyan)" pambara ko sa kaniya.

He just made a face and I just laughed.

Matapos magpahinga, ay ibinigay na rin sa amin ang aming sweldo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Never-ending ChaseWhere stories live. Discover now