Chapter 2

2 0 0
                                    

Araw na linggo ngayon at sa susunod na linggo na ang unang araw niya sa at naihanda na ang lahat nang kanyang kilangan ang kailangan niya na lamang ay ang pumasok at tungkol naman sa kanyang negosyo ay wala nang problema nai settle na ang lahat dahil sa tulong ni Mayor ang kailangan niya na lamang ay ipa renovate ang lugar. Nabili niya na ang buong property na ito kaya maliit nalang ang problema niya at sa susunod na linggo ay masisimulan niya na ang kanyang negosyo at eskakto ding magsisimula na ang klase.

Nagpabalik balik siya sa lugar na iyon at mabuti na lamang talaga at hinahayaan lamang siya ng mga katulong sa mga gusto niyang gawin. Nag co-comute lamang siya papunta sa lugar dahil hindi pa siya pwedewng magmaneho ng sasakyan dahil minor de edad pa lamang siya.

Ngayong araw ay pupunta na naman siya ngayon sa Mayor's office dahil gusto daw siyang makausap nito.

Pagkarating niya ay ilang minuto lang siyang nanatili sa office nito at kaagad nang nagpaalam. Tinanong lamang nito kung okay lang ba talaga siya sa lugar at kung kaya pa ba daw ng budget niya. Syempre oo ang sagot niya. Pero bago paman tuluyang umalis ay humingi na muna siya ng ilang tip dito para sa kanyang negosyo at binigyan naman siya ng tip ng asawa nito dahil negosyante ito.

Pagkauwi sa bahay ay kaagad siyang sinalubong ng kanyang katulong at sinabing tumatawag ang kanyang ama. Kaagad niya namang sinagot ang tawag. "Hello Daddy, how are you there?" Kaagad niyang bating tanong sa kanyang ama. Nasa Canada na ang kanyang mga magulang sa oras na ito. "Hello dear baby, we're fine here, how about you?" Sabat naman ng kanyang ina na sigurado siyang nakangiti sa oras na ito.

"I'm fine mom" nakangiting sabi niya dito.

"Good" wika ng kanyang ama. By the way baby, naipasok kona sa account mo ang allowance mo for the whole four years of your college days." Nakangiting sabi ng kanyang ama sa kabilang linya.

"Daddy naman eh" nakangusong reklamo niya sa ama. Kahit kailan talaga ang kanyang ama ay napaka masyadong advance. Masyado siyang ini ispoiled nito pati narin ng kanyang ina ngunit hindi niya naman ang mga ito inaabuso. Naiintindihan niya naman ang mga ito dahil alam niya at ramdam niyang mahal na mahal siya ng mga ito kaya ginagawa ng mga ito ang bagay na iyon.

Sa totoo lang, simpleng babae lang naman siya eh. Hindi siya kailanman naghahangad ng mga labis na bagay. Ngunit gusto niyang magkaroon ng mga ito sa simpleng paraan at gusto niyang kung magkaroon man siya ng mga expensive na mga bagay ay pinaghirapan niya mismo ngunit kung kusang loob at buong pusong ibibigay sa kanya ay buong puso niya ring tatanggapin

Oo naghahangad din siya ng mga bagay na may kalabisan ngunit ang gusto niyang mangyari ay siya mismo ang maghahanap ng paraan upang makuha niya ang kanyang gusto na hindi kayang ibigay ng kahit sino paman.

Araw na lunes na ngayon at ito na ang unang araw ng kanyang pasok. Ito din ang araw ng kanyang pagbubukas ng kanyang negosyo.

Maaga siyang naghanda para sa pagpasok sa skwela. Ang pagbubukas ay mamaya niya nang tanghali gagawin dahil alam naman niya na hindi pa masyadong hectic ang schedule sa klase lalo pa at unang araw pa ngayon. Ang plano niya ay magbigay ng free taste sa unang sampung tao na papasok at kakain at siya rin mismo ang magluluto. May nakuha na rin siyang tao na maaaring maging katulong sa tulong ng mayor ngunit tatlo pa lamang ang nakuha niya lalao pa at kaksimula pa lamang siyaka na siya magdadagdag pag nakabawi na.

Maagang natapos ang kung ano mang kailangang gawin sa paaralan lalo pa't nagpapakilala lamang ang mga proffesors/instructors at bukas na ang final na klase pero may mga vacant naman siya kaya naman ay makakatulong parin siya sa pagluluto. Si ate Lyda ang mgiging  katulong  niya sa pagluluto at ang dalawa naman ay ang magiging taga pag serve sa maga kakain.
Si ate Lyda ay kakagraduate pa lamang sa college sa kursong tagapagluto ang major at naghahanap ng matatarabahuan kaya naman ito kaagad ang inirecomenda ni Mayor. Mahirap lamang si Ate Lyda at ang mga magulang nito ay nagsisilbihan kila mayor kaya namann ito kaagad ang inirekomenda ni mayor dahil hindi lang  kakagraduate pa lmang ngunit masarap din daw itong mag luto.

Pagkatapos sa paaralan ay kaagad na siyang nag tungo sa kanilang bahay at kaagad na naligo at nag ayos ng sarili. Pagkatapos nito ay kaagad din siyang nagtungo sa kanyang restaurant.

Pagakarating niya sa lugar ay nandoon na ang kanyang tatlong empleyado at meron naring mga tao na gustong makasaksi sa pagbubukas at halatang gustong makatikim ng panibagong mga putahe ng ulam.

Sampo lamang ang mga ito at nandito din si mayor.  ngunit hindi  niya ito inalintanana na maliit lamang ang kanilang magiging bilang dahil nga kakasimula palamang nila.

Pagkatapos ng opening ay kaagad na siyang dumeretso
Sa kitchen kasama si ate Lyda at kaagad nang sinimulan ang pagluto ng special dish na inimbento niya lamang kung papaano ang mga ito lulutuin. Siya ang nag luto at si ate Lyda naman ay ginawa niya munang assistant. Tsaka niya na ito paglulutuin pag nasa paaralan na siya at naging hectic ang schedule niya. Paglulutuin niya rin naman ito kahit nandito pa siya pero sa ngayon ay siya muna dahil espesyal ang araw na ito para sa kanya at kaya nga niya ito kinuha ay para may magluluto kung wala siya dito.

Hindi rin alam ng mga ito na siya ang may ari dahil ang ipinaalam niya lamang ay siya ang pinagkakatiwalaan ng may ari/ siya ang kanang kamay.

Naging maayos naman ang lahat at halatang nagustuhan ng mga ito ang luto niya at nangangakong babalik at magsama pa ng iba para matikman rin ang kanyang luto.

Secretly, Ms. Young BillionaireWhere stories live. Discover now