Simula

26.3K 1K 915
                                    

The Magnates 2: Bride for Hire

Hi, everyone! Blaze is here! This is just a preview; this will resume maybe after Rebel Hearts. Enjoy! See you at this year's MIBF! I'll be there by Saturday and Sunday for Bachelors and Sandejas Book Signing!

Note: You will notice grammatical errors in this story like A LOT. It's written on purpose. Our main female character is not very good with grammar and not an English speaker kaya 'yon hehe.

Warning: The characters in this book is not the usual educated and properly mannered. There are instances they would say and joke around something that may not be comfortable with some readers.

--

Simula

"To the left! To the left! To the right! To the right!" sigaw ng coach namin.

Inilagay ko ang palad sa baywang at mas iginiling pa, todo bigay.

"Energy!" sigaw niya, "ano ba 'to, intermission number o parada ng patay?!" umalingawngaw ang boses niya.

"Intermission!" sigaw namin pabalik at mas hinataw ko ang giling, pawis na pawis pero dapat energy! Pak!

Umikot ako hanggang sa nahihilo at nakakakita na ng shining stars on—in—at ata 'yon? To the up up of my head.

Nahilo ako lalo sa inisip.

Basta star taas ng ulo!

Sumigaw siya ng break kaya parang lantang-gulay na gusto kong mahulog sa upuan sa pagod pero 'di ako papakabog sa mga kasama kong looking fresh pa sa isda.

Dapat ako rin sariwa! Parang tahong na kabubuka lang sa kabibe!

Pinaikot-ikot ko ang buhok sa ere sabay angat no'ng sa panali at kindat sa mga nagba-basketball. Umugong sila at naghiyawan.

Ayan! Tama 'yan! Ako ang bilhan n'yo ng ticket para manalo sa pageant!

"Hoy, Davina!" salubong ni Chocnut pagkalapit sa 'kin.

"Oh?" tanong ko at pinunasan ang mukha ko. "Nangyari na naman sa 'yo? Mukha kang ulikbang pagod."

"Gago!" hinampas niya ako ng pamaypay niya, "ikaw nga mukhang shokoy na naipit kanina kakagiling pakita ng pwet mo sa mga nagba-basketball! Ano ka, bulate?"

"Tanga, kailangan maganda para bilhin nila 'yong ticket ko sa pageant! Paano naman tayo mananalo niyan?"

Umupo siya sa tabi ko at inabot sa akin ang plastik ng softdrinks niya. Kinuha ko at sumipsip, nililingon siya. "Ano na? Bakit nandito ka? Wala ka bang customer sa parlor?"

"Ayon nga, muntik ko na makalimutan. Pinapatanong pala si Pisya kung sasali ka raw ba sa paluwagan?"

"Ay, 'te, kayo na lang. Talo na 'ko. Innocence pa 'ko, eh."

Sinapok niya ang batok ko kaya pumasok ang soft drinks sa ilong ko. Naubo ako at tinakpan ang bibig.

"Ano ba?!" bulyaw ko, umuubo.

"Gaga! 'Yong paluwagang hulugan! 'Di 'yong paluwagan ng kipay!" singhal niya at bago ako inantay na kumalma. Nilingon ko siya.

"Ay, pass," sagot ko at pinunasan ang labi. "'Yong huli 'kong sali sa paluwagan tinangay ang pera ko."

"Iba 'to," pilit pa niya pero inilingan ko na, "ano? Saan mo itatago ang pera mo? Doon sa alkansya mo na naman?"

"Oo," sagot ko at inubos na ang soft drinks niya. "Wala namang ibang lalagyan. At least do'n maiipon ko kapag kailangan."

"Oh, sige, sige," tango niya kaya nginisian ko na, nag-aantay na umalis ang huli pero nanatili siyang nakatitig sa 'kin. "Pero seryoso, 'te? Virgin pa ang keps mo?"

Bride For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon