Father and Son

19 3 0
                                    

Nakaupo si Jungshin sa tabi ng hospital bed ni Shinea , nakahawak siya sa kamay nito. Ayaw niyang bitawan ito parang kasing nanghihina din siya kahit papano nakakatulong iyon para manatili siyang matatag.

Naalala niya pa kanina bago niya ito dalhin sa ospital sobrang natataranta siya na lalo pang nadagdagan ng ma-discover niya pa ang isang sikreto. Sobrang na-shocked siya sa nalaman. Naghalu-halo na ang nararamdaman niya at hindi niya pa alam ang gagawin. Wala na siyang ibang maisip tawagan dahil busy naman ang phone ni Yonghwa at si Minhyuk naman hindi sumasagot. At hindi niya naman pwedeng tawagan si JOnghyun dahil baka mapasama pa ito sa kanya.

Wala na siyang choice kundi ang ideal ang number ni daddy niya, nilunok niya na ang pride niya. Wala na siyang pakialam kung magkasagutan na naman sila o hihingi ng kapalit ang daddy niya sa pagtulong sa kanya para kay Shinea kayang niyang gawin lahat.

Are you okay? Tanong ng daddy niya pagkatapos siya nito titigan ng matagal.

Tiningnan muna ni Jungshin ang ama at muling yumuko.

How is she? Was it serious? Mahinang balik-tanong niya sa ama.

I can't tell you her condition... its confidential iyon mismo ang bilin ng pasyente. Sagot nito sa kanya.

But Dad... I'm your son... baka naman pwede mong sabihin. Magiging okay pa ba siya? Nagpapanic na ulit na sabi niya sa ama.

Awkward... iyon ang atmosphere sa loob ng hospital room ni Shinea pero iyon din ang pinakamahabang pag-uusap nila na maayos.

Medyo lumiwanag pa ang mukha ni Dr. Lee nang marinig na tinawag siya nitong daddy. Simula kasi ng mag-training siya sa banda nagsimula na ring magkaroon ng pader sa pagitan nila na lalo pang kumapal ng ipagpipilitan nitong mag-aral siya ng Med.

Sa ngayon magiging okay siya dahil nabigyan na siya ng pain reliever. Hayaan mo lang muna siyang matulog dahil okay na siya paggising niya. Paliwanag ng ama niya.

Napatiim-bagang na lang si Jungshin, kailangan niyang mapilit ang ama na sabihin sa kanya ang totoong kalagayan ni Shinea.

Nasa opisina lang ako tawagin mo ako kapag magising na si Ms. Lee. Sabi nito sa kanya na tinapik pa siya sa balikat bago lumabas.

Tiningnan niya si Shinea. Hindi niya alam kung bakit ganun na lang ang pag-aalala niya dito. At kung bakit ganun na lang ang takot niya sa pwedeng mangyari dito.

Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na sumasakit nap ala ang tiyan mo. Di ba sinabi ko na sa iyo dati na dapat ipaalam mo sa akin lahat? hindi mo lang alam kung gaano ako nag-aalala sa iyo ngayon. Mahinang sabi niya sa tulog na si Shinea habang hinahaplos ang buhok nito.

Uhhh... Bakit mo ako dinala dito? Gumalaw si Shinea at agad na bumangon.

Are you okay? Tanong agad niya dito habang inalalayan ito sa pag-upo.

Inayos niya muna ang unan sa likod nito para pang surporta sa pag-upo nito na siyang dahilan upang sobrang maglapit ang mukha nilang dalawa.

Another awkward moment sa kanilang dalawa dahil habang inaayos ni Jungshin, parang nakayakap na ito sa kanya at halos magdikit na ang mukha nilang dalawa.

Napapikit ulit si Shinea at halos pigilan na niya ang paghinga. Di niya alam kung gaano katagal siyang nakaganun ng dumilat siya nabigla pa siya dahil hindi din umalis sa ganoong posisyon si Jungshin at titig na titig pa ito sa kanya ngayon.

Nagtama ang kanilang mga mata na agad namang iniwas ni Shinea ang tingin. Pero agad na hinawakan ni Jungshin ang pisngi niya at pinaharap siya ulit.

Please don't make me worry next time... Sobrang natakot ako kanina. Sabi nito sa kanya.

Bakit ka naman natatakot? Basta na lang iyon lumabas sa bibig niya.

Natatakot akong may masamang mangyari sa iyo. sagot nito na nakatitig pa rin sa mga mata niya.

Bakit? Wala sa sariling tanong pa rin niya.

Ayokong mawala ka sa akin. Madamdaming sagot nito.

Parang magic words ang huling sinabi ni Jungshin na biglang nagpabalik kay Shinea sa real world.

Oh my J..... baby loveeeeeeeeeeeeee!!!! Super ganda ng mga mata mo. Biglang sigaw nito sabay tulak sa dibdib nito.

Nakatulala lang si Jungshin at seryosong nakatingin sa kanya na nakatayo na at medyo nakalayo na sa kanya.

Kyaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh... Baby Love... yung mga mata mo talaga ang may pinakamalaking hatak eh. Nagpapa-cute pang sabi nito sa kanya.

Napakagat-labi at naiiliing na lang si Jungshin, hindi niya alam kung papano mag-react sa biglang pag-iiba ni Shinea ng usapan.

Mabuti na lang at bumukas ang pinto at pumasok ang mommy ni Shinea. Kitang-kita ang pag-aalala nito sa anak.

Oh my God... Baby... what happened? Bakit nawalan ka ng malay? Di ba hindi naman ito nangyayari dati? Bakit nagkaganoon na? Sunud-sunod na tanong nito na naiiyak na at sabay na niyakap ang anak.

Mom... relax... I'm okay... huwag masyadong OA... walang nanalong best actress kapag OA ang acting. Natatawang sabi nito sa ina.

Yah! Shinea... huwag mo nga akong daanin sa ganyan... bakit ka nawalan ng malay? Hindi naman dating ganyan ah? Sabi nito na nagpapahid ng luha.

Mataman lang na nakamasid si Jungshin. Ino-observe nito ang reaction ng mommy niya at alam niyang hindi ito nagsasabi ng totoo sa ina.

Mom... relax... I'm okay... nataranta lang si Shin kaya niya ako dinala dito at saka nakalimutan ko kasing dalhin ang gamot ko. Natatawang sabi nito na binabalewala ang pagpapanic ng ina.

How can I relax??? Kapag maulit pa ito bumalik ka na sa bahay at hindi ka na magtatrabaho sa restaurant. Patuloy nitong sabi na nagpapahid ng luha.

Mom... okay nga lang ako... kahit tanungin mo pa si Jungshin nagkukulitan na nga kami eh... Di ba? Sabi ni sabay tingin kay Jungshin para magpatulong sa pagkumbinsi sa mommy niya.

Saka lang nalipat kay Jungshin ang attention ng mommy niya.

Omo... iho, I'm so sorry... medyo nataranta kasi ako dito kay Shine kay di kita agad napansin. Sabi nito na lumapit pa sa kanya para magbeso.

It's okay..Eomma... kahit nga ako sobrang nataranta din kanina eh. Magalang na sabi niya dito.

Tama namang pumasok si Dr. Lee, nakangiti ng matamis si Shinea at nag-bow pa.

Tahimik lang si Jungshin na nag-bow din. Lumapit si Dr. Lee kay Shinea.

You looked prettier today. Anyway, how do you know my son? Nakangiting sabi nit okay Shinea.

Biglang napanganga at napalaki ang mata ni Shinea.

He is your son? Ayiiieee... Doc, sino ba naman ang hindi makakakilala sa anak niyo kahit sino siguro dito sa Korea na makasalubong mo at tanungin kung kilala nila si Lee Jungshin siguradong mamimilipit sa kilig na sasagot ng oo. Doc, hindi mo ba alam maraming ng asawa iyan...haishshsttt... pinag-aagawan iyan ng mga babae, may nagsasabing boyfriend nila at meron ding asawa nila haihshsttt yun ng a lang hindi alam ng anak niyo iyon hihih... kinikilig na kwento niya kay Dr. Lee.

Nakangiting lumingon naman si Dr. Lee sa anak na hindi naman makapaniwalang ngumiti sa kanya ang ama. Ilang taon din niyang hindi nakitang ngumiti ang daddy niya sa kanya.

No Matter WhatWhere stories live. Discover now