Chapter 2

20 0 0
                                    

Hindi makapaniwala si George sa nakita niyang bagong bahay nila.

Tinitingnan siya ni Marie habang nakatingin siya sa bawat sulok nito. Masarap naman ang tulog ng anak nila sa stroller.

"Oh bakit natahimik ka?" Tanung ni Marie.

"Dapat ako ang nagbigay sayo nito. Dahil ako ang lalaki. Dapat ako naghanap ng bahay dati pa yung nasa stage pa tayo sa relasyon" bumuntung hininga si George.

Nakabawas talaga sa pagkalalaki yun. "It's okay love. Importante may bahay na tayo. Wag ka ng malungkot at wag mo ng isipin ang nakabawas sa pagkalalaki mo. Importanti may matatawag tayo na sariling bahay. Di ba?"

Tamang tama lang naman sa kanila ang bahay. Kumpleto na. May cabinet na mga gamit nila sa kwarto na dalawa at sa kusina. At ang kwarto binago ni Marie ng pintura. At ang sala naman nito naka extend na. Kaya wala na silang problema.

"Thank you love" sabi ni George.

Habang natutulog si George at baby nila. Busy naman sa pagkakabit ng mga kurtina si Marie. Napangiti siya ng tiningnan niya ang paligid.

"Ang sarap pala sa pakiramdam na may sariling bahay na. Nakagagaan ng loob" sabi ni marie sa sarili niya.

Sa pag alis nila sa bahay nila Geoge binigyan niya ng limang libo ang inay ni George. Binilhan ng bigas at grocery. Kaya natahimik ang byenan niya.

Kinuha ni Marie ang kapatid niyang babae para may kasama siya sa bahay.

"Hindi ko inakala talaga na magkabahay tayo love, dapat kasi ako ang naghanap ng paraan hindi ikaw." Saka uminom ito ng kape niya.

"Wag mo ng isipin yan. Ang mahalaga may bahay na tayo" sagut ni Marie.

"Pagsimula ko sa trabaho ko simula ng namatay si itay nasa kanila na lahat. Halos wala ng natira sakin. Kung may natira sakin inuubos naman ng mga kapatid ko sa pagkuha"  sabi ni George.

"Hindi mo ba sila nasubukan kausapin? Na need mo na magkapamilya ng sarili?"  Tanung ni Marie.

"Sinubukan ko pero hindi pa ako tapos - binabara na nila ang sasabihin ko" saka bumuntung hininga si George.

Naawa si Marie sa kalagayan ng asawa niya. Napabigay nalang siya ng isang buntung hininga.

"Ang sarap nila untugin ang mga ulo nila" sabi ni Marie niya.

Matagal kasi pinagplanohan ni Marie na magkabahay ng sarili. Kaya nag apply siya ng hulug hulugan kada buwan isa pa may sweldo naman siya. Hindi man kalakihan ang sweldo niya at hindi rin ganun katipid. Pero siya nagtitipid para sa sarili niya.

May inaabut naman siyang pera sa magulang niya pero iniiponan niya yun. Kahit kaunti. Hindi naman nanghihingi ang magulang niya at kapatid dahil may trabaho rin naman ito pero bilang isang anak kahit kaunting bagay. Nagbibigay siya ng kaunti.

Kaya siya ang mag grocery sa pamamahay nila. Pamamalengke kaya hindi sila nauubusan ng stocks sa bahay nila.

"Oo nga pala love kunin ko si Mia para may makasama tayo dito sa bahay. Kung may lakad ako tas hindi pwede dadalhin ang bata"  biglang sabi ni Marie. Nakabihis na ang asawa niya.

"Ikaw bahala, kapatid mo naman yan. Aalis na ako" paalam ni George.

"Sige ingat love" sabi ni Marie saka hinalikan ni George sa pisngi si Marie.

Tiningnan ni Marie ang anak niya. Mahimbing pa ito natutulog kaya nagdali dali siya sa paglinis ng bahay pagkatapos nagluto ng kaunti para sa almusal niya at tanghalian na ulam.

A Newly LifeWhere stories live. Discover now