Kabanata 1

150 10 2
                                    

Elise's POV :

"Anak !!! Tulungan mo muna itong mga kapatid mo sa bukid dali !" Tawag sa akin ni Nanay Carmen.

"Ito na po Nay !" Sigaw ko at iniwan muna ang assignments ko sa lamesa at tinulungan sina Clara at Tope sa bukid dahil nag aararo si Tatay Delfin ng lupa para taniman namin ng binhi ng mais pagkatapos naming anihin ang palay na binubuhat namin papunta sa imbakan ng mga ani upang maibenta sa public market .

"Tope , Clara pagkatapos natin buhatin tong mga toh kumain na muna kayo ha ? Naglaga ako ng kamote kanina ." Sabi ko habang buhat buhat ang nakataling palay sa balikat ko.

"Ate kamote nanaman ? Wala ba tayong kanin at ulam sa bahay ?" Reklamo ni Tope , di ko naman sya masisi dahil halos isang linggo na kaming kumakain ng kamote kung hindi naman ay saging.

"Oo nga ate , di po ba pwedeng pagkatapos magiling nitong palay kumuha tayo kahit konti pang saing ?" Tanong naman ni Clara , napa buntong hininga na lamang ako.

"Tatanungin ko muna si Tatay at Nanay kung pwede tayo kumuha kahit konti ." Sabi ko

"Pag pasensyahan nyo na muna ang pagkain natin ngayon ha ? Hindi kasi masyadong maganda ang benta ng tanim natin ngayon ehh laging nalulugi ang tatay dahil mas malaki pa ang nilalabas nating pera pambili ng binhi , pataba at pati narin ang renta sa lupa kesa sa nakukuha natin galing sa tanim ehh ." Dagdag ko at ibinagsak ang palay sa sahig ng munting imbakan at nagpunas ng pawis .

"Kung mayaman lang tayo ngayon Ate hindi na natin kailangang gawin lahat nang toh ." Pabuntong hiningang sabi ni Tope

"Hayaan nyo , pag nakapag tapos na tayo ng pag aaral matutupad natin yan at mabibili natin kahit anong gusto nyong dalawa !" Sabi ko at sabay pisil sa kanilang mga pisngi

"Arayyy !!! Ate !!" Sigaw nila na ikinatawa tawa ko

"Ano bang gusto nyong pagkain ?" Tanong ko sa kanila

"Ate gusto ko ng fried chicken!" Tili ni Clara

"Ako Ate kahit ano basta may ulam tayo at kanin ." Sabi ni Tope na ikinangiti ko.

"Magluluto si Nanay ng kakanin ngayon , lalakuin ko bukas ng umaga , tiyak akong maraming bibili dahil linggo at maraming tao sa simbahan ." Sabi ko sa kanila at lumabas ulit para kumuha ulit ng palay.

"Talaga Ate ?!! Pwede ba kaming sumama ni Kuya Tope ? Ang tagal ko nang hindi nakaka pasyal sa plasa ehh" masayang wika ni Clara.

"Clara hindi pwede ehh , hindi ko kayo mababantayan ng maigi , tatanungin ko si Nanay kung pwede akong bumili ng pagkain pag malaki ang kita tapos uuwian ko kayong dalawa ." Sabi ko at hinaplos ang buhok ni Clara.

"Tapos nyo na ba ang assignments nyo ?" Tanong ko

"Hindi pa nga po Ate ehh, baka pagkatapos nalang po namin kumain ." Sabi ni Clara

"Ikaw Ate ? Hindi ka pa ba kakain ?" Tanong ni Tope

"Hindi pa , magtatanim muna ako ng binhi bago ako kumain ." Wika ko at ngumiti sa kanya.

"Tulungan ka na namin Ate !" Pagpepresenta ni Tope

"Hindi na pagod na kayo , pagkatapos nyo gawin ang assignments nyo maligo kayo at matulog ng tanghali dahil maaga kayong nagising." Sabi ko at nagbuhat ulit ng palay.

"Opo Ate ." Tugon ng dalawa .

Nang matapos naming ilipat ang palay sa imbakan ay hinatid ko sila papuntang bahay at upang kuhanin na rin ang binhi sa aparador . Nang papalapit na kami ng bahay ay may narinig akong nasigaw sa harapan ng bahay kaya pinauna ko na sila Tope sa likod upang tignan kung anong nangyayari sa harapan ng bahay namin .

Red or Yellow Where stories live. Discover now