You Have Me

0 0 0
                                    

PART 1

"You Have Me"

I've been walking this street for hours. Nandidito na naman ako. Dito sa España sa gilid ng isa sa sikat na Unibersidad ng bansa, ang UST.

2 months ago, I had an car accident sa mismong lugar na ito. Wala akong maalala sa mga nangyare noong gabing 'yun. Pero 'yun ang sanhi nang pagkawala ng mga memorya ko. Nagising na lang ako, hindi ko na alam lahat ng tungkol sa akin.

At hanggang ngayon, pinipilit ko pa ring alalahanin ang lahat. Ngunit naiiyak na lang ako at sinusuntok ang aking sintido dahil kahit sulyap ng alaala sa nakaraan ko, wala akong makita.

"There's no specific treatment for amnesia, but techniques for enhancing memory and psychological support can help people with amnesia and their families cope. Hypnosis can be an effective way of recalling forgotten memories."

Naalala ko ang sinabing 'yun ng doctor sa harap ko at ng pamilya ko. Kahit papaano naman ay may naaalala pa rin ako, mga pangalan ng bawat isa sa myembro ng pamilya at kung ano sila sa buhay ko. Tinutulungan nila akong makaalala. Pero 'yung mga alaala na kasama sila, wala akong masulyapan.

Ayon sa kanila, nakapagtapos daw ako ng pag-aaral sa kursong BS Psychology. Mahilig din daw akong magbasa ng libro, mga nobela, at fantasies. Sinabi pa nilang nakahiligan ko rin daw ang pagsusulat ng istorya.

Marunong naman daw akong kumanta, pero sa larangan ng pagsasayaw ay napapapikit-mata na lang daw sila. Mahilig ako sa pagkain na maaanghang, at hindi raw talag ako palabas lagi lang ako sa bahay.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang pinapanood ang kaliwa't kanang pagtakbo ng mga sasakyan. Naupo ako sa upuan dito sa waiting shed at nilibot ang mata sa paligid.

"Bili na kayo!! Magaganda ang mga istoryang ito. Ma'am, Sir! Bili na kayo" napatingin ako sa isang Ginang na nagbebenta ng mga libro sa tabi.

May folding bookshelves siyang katabi kung saan maayos nakahanay ang mga babasahing libro. Matanda na ang Ginang, sa palagay ko ay nasa edad anim na pu na rin siya. May puting buhok na at kulubot na rin ang balat.

Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya. Walang pumapansin sa kanya at nilalagpasan lang. Nang makalapit ay isang malawak na ngiti ang binungad niya sa akin.

"Iha, anong ibig mong istorya?" Nakangiti niyang tanong.

Napa-isip naman ako. Ano nga ba?

"Hindi ko po alam e" napapakamot pa sa ulong sagot ko.

"Napakaganda mong bata, anong ngalan mo?" Hindi na nawala pa ang ngiti sa mukha niya at sadyang nakakahawa iyon.

"Aurora po" nakangiti kong sagot, iyon ang sinabi sa aking pangalan ko raw ng mga magulang ko.

"Bagay na bagay sa iyo ang pangalan mo, iha" aniya.

"Salamat po"

"Oh, siya. Pili ka ng libro nais mong mabasa" turo niya sa mga librong nakahanay.

Tumango ako sa kanya at lumapit doon, isa isa kong tiningnan ang mga cover ng libro. Halatang mga bago pa ang iba, at ang ilan naman ay may bakas na ng kalumaan nito. Pero maayo pa rin at presintableng tignan.

Napukaw ng atensyon ko ang isang libro na nasa bandang gitna, natatakpan ito ng dalawang libro at kapansin pansin na ito lang ang naiiba ang covers sa lahat ng mga libro.

Itim lang kasi ang kulay nito at mayroong tatlong petals ng rosas sa gitna. Sa ibaba noon nakalagay ang title ng libro na "Broken Pieces"

Napansin ko ring magkaka-iba ang tatlong petals. Ang nasa gitna ay maayos at mukhang bagong pitas lang, samantalang iyong nasa kanan ay malapit na mabulok. At iyong nasa kaliwa naman ay butas butas na ang petals. Para bang may pahiwatig at simbolo ang bawat petals na ito.

You Have MeWhere stories live. Discover now