Chapter 24

302 16 1
                                    

Bluey's POV

"Until now"

Dalawang salita pero dumurog talaga sa pagkatao ko lalong-lalo na sa puso ko. Pakiramdam ko kung ano Yung dilim nang kalangitan at kapaligiran noon ay sya ring dilim nang aking damdamin, habang kasabay noon ay Ang malamig na hangin na syang bumalot din sa akin. Nang mga oras na Yun  parang naririnig ko Ang mga basag na parte nang aking puso. Wala akong masabi kahit na Isang salita ay walang lumabas sa aking bibig. Kahit na Ang totoo Nyan ay madami akong gustong sabihin sa kanya. Gusto Kong questionin Yung lahat nang mga pinakita nya sakin at pinaramdam noong mga nakalipas na araw, kung totoo ba Ang lahat nang Yun. Kasi it left me hanging. Napakadaming katarungan Ang naiwan nito sa aking isipan. It's so confusing.

"I'm in love with someone else"

"I had a daughter with someone else I'm in love with"

"Until now"

"FUCK!" gusto Kong sumigaw at magwala dahil sa Hindi maipaliwanag na bigat at sakit sa aking dibdib. Pati ulo ko ay sumasakit na din

"FUUUUUUUCK!!!!!" buong lakas Kong sigaw dahil pakiramdam ko puso ko Ang sasabog kapag di ko ginawa iyon. Hinihingal ako dahil sa sobrang sama nang loob. Nahihirapan akong huminga dahil sa bigat.

"I think we had enough, and let's called it a night" laking pasalamat ko na lang kay Kuya Anson nang sya na mismo Ang bumasag sa matinding katahimikan na bumalot sa Amin. Dahil ni Isa sa Amin ay walang naglakas loob na magsalita pa. Lalong Lalo na ako, dahil parang nalunok ko Ang aking dila nang mga oras na iyon. At TILA nanghina na din ako, doon ko mas naramdaman Ang epekto nang alak nang biglang umikot Ang Mundo ko.

"I love you babe, I will always love you. Only you, and no one else will replace you here in my heart. I promise you that" mas lalong sumakit Ang ulo ko dahil sa nag-iisang boses na Yun. At ilang image na nag pop up sa utak ko

"Pangarap ko na magkaroon tayo nang Isang napakagandang anak. At tatawagin ko ito kasunod nang pangalan mo at pangalan ko"

"Masyado pa atang maaga para sa ganyang Plano. Baka nakakalimutan mo. Nag-aaral pa tayo, may kolehiyo pa tayong bubunuin"

"Kolehiyo at pag aaral nga ba Ang pinoproblema mo o Wala ka talagang Plano na makasama ako sa future mo"

"Tampo Ka na Naman. Halika nga Dito, syempre wala na akong iba na gugustuhing makasama at mamahalin kundi Ikaw. Kahit madalas Kang toyoin, at lalong Lalo na Ikaw lang Ang nagtiis at nagtyaga sa akin"

Mas lalong lumalakas Ang mga boses na Yun at ganoon din Ang tibok nang puso ko. Ang sakit, at Ang bigat talaga sa pakiramdam

"I had a daughter with someone else I'm in love with"

"Until now"

"Hey! Bluey, ayos Ka lang ba?" Nag aalalang Tanong ni Domer sa akin, muntik akong matumba nang maramdaman ko Ang panlalambot nang aking tuhod. Mabuti na lamang ay mabilis nya akong naagapan at naalalayan

"Oo Domer, ayos lang ako. Salamat" tangi ko na lamang nasabi

"Sigurado Ka ba Bluey?" Tumango lang Naman ako bago muling nagsalita

"Bigla na Naman Kasi sumakit Ang ulo ko" sabay hilot sa aking sintido

"Napapansin ko napapadalas na Ang pagsakit nang ulo mo, at Hindi lang Yun. Napansin ko din na lagi Kang nagsasalita sa panaginip mo. Para bang may tinatawag Ka o kaya Naman ay may hinahabol at tinatakasan Ka" napatingin Naman ako sa kanya dahil sa sinabi nya. Nagkibit balikat lang Naman sya sakin

Into The Unknown (COMPLETED)Where stories live. Discover now