KABANATA 4:DISSAPOINTMENT

28 0 0
                                    


Kasalukuyan kaming namimigay ng mga school supply, vitamis at groceries para sa mga bata.

May libreng check-up 'din at gamot.

Taon-taon namin itong ginagawa sa bawat baranggay dito sa Laguna.

Nakasanayan na namin itong gawin simula pa 'nong bata ako. Kwento sakin 'noon ni Mama at Papa.

Talagang ipinangako nila sa Patron namin na kapag nagbuntis si Mama ng babae, taon-taon nila itong gagawin at dumating nga ako.

"Napakaganda pala talaga ng anak ni Gobernador ano? Bihira lang kasing maligaw dito kaya bihira lang nating makita"

"Kaka-graduate lang ng anak ni Gov. Sa kursong flight attendant akala ko nga sasali ulit siya sa Binibining Pilipinas. Sayang umabot lang siya ng Top 5"

"Napaka swerte naman ng nobyo ng batang 'yan!"

Napalunok ako sa mga naririnig kong bulungan ng mga tao sa paligid.

Napahilot ako sa sentido ng makaramdam ng pagkahilo. Inabutan ako ni Kuya Marvin ng tubig at pinagpahinga muna sandali.

"Maxine, kailangan munang umuwi. Hindi na maganda ang lagay mo"nag-aalalang sabi niya sakin.

"No. Kuya, Im fine"pagmamatigas ko.

Madaming nagsiksikang mga tao ang gustong magpa-picture sakin.

"Sakin na lang po kayo magpa-picture"biro ni Kuya Marvin sa kanila.

"Pasensiya na Doc. Madami na kaming picture sayo eh"sagot nila.

"Okay. Isa-isa lang ah"paalala ni Kuya Marvin.

Sunod-sunod ang paglunok ko ng laway ng biglang maramdaman ang pag-ikot ng paligid.

Napatutop ako sa bibig ko ng maramdaman ang pagbaliktad ng sikmura ko. Pinagpapawisan na 'din ako ng malamig.

"Maxine!"rinig kong sigaw nila sa pangalan ko ng mandilim ang paningin ko.

Matalim ang pares ng mga mata ni Papa na nakatingin sakin ng tingnan ko siya ng magising ako.

"Ngayon mo lang ako na dissapoint ng ganito, Maxine!"bungad niya.

Kaagad na tumulo ang luha ko.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi.

"Why did you do this Maxine? Bakit mo sinira ang tiwala namin sayo ng Papa mo?"sermon sa'akin ni Mama

Napayuko ako sa sobrang kahihiyan.

"Hindi kita pinalaking sinungaling at mapaglihim! Ngayon, sabihin mo samin kong sinong lalaki ang nakabuntis sayo!"

Nalaglagan ang butil ng luha ko. Ngayon lang ako napagtaasan ng boses ni Papa.

"Pa-pa. Please, don't do this to me"pagmamakaawa ko.

"Tinatanong kita, Maxine. Sino?!"napatayo si Papa sa kinauupuan sa sobrang galit.

Nanatili namang tikom ang bibig ko.

"Iharap mo sa'kin ang lalaking nakabuntis sayo! Dahil kong hindi. Ito na ang huling pagkikita natin"pagbabanta ni Papa.

Nagtaas baba ang dibdib ko kasabay ng pag-init ng mga mata ko. Sunod-sunod ang paghikbi ko, masama ko na sabihan ng sarili mong ama ng ganon Itatakwil niya na ako bilang anak niya.

"Papa. Mama, please patawarin niyo po ako"pagmamakaawa ko.

Bumaba ako sa hospital bed na kinahihigaan ko. Buong pusong pagpapakumbaba akong lumuhod sa harapan nila.

"Mama, patawarin mo po ako"

Napayuko ako ng makita ang dissapointment sa mga mata ni Mama.

Napahagulgol ako. Sobrang sakit!

ONE NIGHT STAND WITH THE CEO(Teaser)Where stories live. Discover now