22

180 7 0
                                    

"Bakit di na narerecognize ni Marsha ang boses ko? Ang tagal mo pang mag bukas ng pinto kanina pa ako sa labas!" Ang walang ka ganap na ganap na si Boss D. Simula nung makita nya si Jovs biglang di sya naging busy. Kesho wala syang mga interviews, guestings at practice sa game. Bigla din syang nawalan ng mga lakad kaya andiyo sya ngayon. Mahusay!

Tulad ni Asimo robot ng japan si Marsha ay sa kaparehong manufacturer ko binili at dinevelop before my accident. Compare sa ibang AI robot na binebenta sa market di hamak na mas advance si Marsha sa lahat. Bukod sa sya din ang nag co-control sa security ng bahay may kakayahan din syang mag monitor ng heath condition tulad ng blood pressure, heart beat, temperature anything na related sa health. Malaking tulong din sya sa mga reports sa trabaho at school.

BDL:"In 2 hrs pa ang PT ko" Sagot ko naman sa kanya.

"Sinadya ko talagang mas maagap para makapag beauty rest ako." Sagot nito. Inilapag nya sa gilid ng couch yung malaking back pack na dala at saka nag labas ng cellphone at humiga. "Bey anu nga ulet complete name ni Jovs?"

BDL: "Hmmm?."simpleng reply ko sa kanya.

"Bea legs ang may problem sayo not your ability to talk. Bakit parang mas umikli lalo ang mga sagot mo" irap pa nito sakin.

BDL: "Jovelyn Gonzaga. Happy?"

"Very" at saka nag patuloy ng pag tatype sa cellphone.

Bumalik ako sa kwarto ko at nag handa sa sarili para sa susunod na PT seassion. Nag remind din sakin si Marsha tungkol sa mababang potasium level ko at yung eratic na heart beat. She reminds me to call Doc Rad na din dahil sa di ko pag kakatulog nanaman. Dinadalaw kasi ako ng nightmares yung vivid faces ng mga tao sa bitayan ang paulit ulit kong nakikita.

BDL: "Marsha. Nocturne in E Minor, Opus 55 by Frederic Chopin." Utos ko sa AI robot para marelax ang mood ko. Humiga panandali at ipinikit ang mga mata para namnamin ang classical music na kasalukuyang nag plaplay sa kwarto. Sinabihan din si Marsha na inotify ako kapag nanjan na si Jovs.

****

"Isabel...Isabel.." naulinigan kong tawag sa akin. Nag mulat ako ng mata at nakita si Ama na masuyong nakatingin sa akin. Pinikit ko ulit ito at tumalikod.

"Bakit mo ginawa?Bakit mo sinusubok ang kakayahan ng imperyo? Alam mong kamatayan ang kaparusahan sa ginawa mong pag tataksil" ang boses ni Ama ay pinag halong pag aalala at pagka dismaya sa akin. Hinarap ko sya.

BDL: "Ama malaking kasalanan din sa Dyos ang inyong ginagawa. Mga mapag imbot sa pag pahihirap ng mga inosenteng tao! Pag kamkam at pag patay ng walang matibay na rason. Sa ginawa mong pag pigil sa pag bitay sa akin ituturing ka ding taksil sa imperyo." Sagot ko sa kanya at tiningnan ko sya ng diresto sa kanyang mga mata. Payapa ang aking dibdib sa di mawaring dahilan.

Tumayo ito at pumuwesto sa bintana. Kinuha ang tabako sa bulsa ng pantalon at sinindihan. Naintindihan ko na kung bakit payapa ang aking dibdib dahil sa loob lamang ng dalawang araw pareho kaming papanaw sa mundo.

Ang tabakong kanyang hawak ay lason na ginawa ni Rashquinta nuon sa isla. Ibinigay ko ito kay Ignacio. Naisakatuparan na nya siguro ang lahat ng kailangan nyang gawin. Napatingala ako sa kisame ng bahay ito na siguro talaga ang katapusan wala naman akong pinag sisisihan.

Kung pag bibigyan ng pag kakataon nais ko pa sanang makita kahit sa huling pag kakataon si Katalina. Ginugunita ang mga oras na kasama ko sya. Mga halik, yakap na napakahigpit mga masasayang sandali. Di man tayo nabigyan ng pag kakataong tumandang mag kasama ngunit yung mga ala alang pinabaon mo Irog ko ay sapat upang mag kalakas ako ng loob harapin ang lahat ng ito.

Napuno ng usok ang kabuuan ng silid. Nakaramdam ako ng sobrang kati sa aking lalamunan pilit ko namang pinigil ang pag ubo sapagkat may kaunti pang tabako ang hawak ni Ama. Kailangan nya iyong maubos upang sumakto sa araw ang pareho naming pag kawala. Sa isang pang pag buga ng usok duon di ko na napigilan ang ubong walang patid at pag agos ng dugo mula sa aking bibig. Napalapit sa akin si Ama at mabilis din syang tumawag ng mang gagamot.

Transmigration (1789) #caitbeaWhere stories live. Discover now