CHAPTER 1

602 30 8
                                    

Far from reality, near where everything seems to exist only in our imagination. Where I am miles away from pain and mistakes that are hard to learn. Here in the city where the cold in the breeze is more than what it is, beneath what it seems.

And there it was, the sun setting from the east. It's like the sign that as it goes down, moments will turn into memories from this day. And no matter how the day turned out whether if it's cold or warm, the sun will still set.

Fragments of my memories can be seen like piercing our eyes through the fog, where everything seems to be blurry. But in midst of the fog, where everything seems to be covered by fog and the only thing that is visible and clear is how expressive your eyes are whenever it meets mine.

My hands tightened its grip to the white blanket as I feel myself shivering. My breath feels shortening as I try to gasp for more air. There were sceneries in my head that I can hear but hard to visualize. Voices... one that feels unfamiliar but harmonious and one that is familiar but feels ominous.

I can feel myself now, trying to pull my consciousness together.

Sa pag-upo ko sa kama nang magising ako ay hinahabol ko ang paghinga ko. Ngayon ay tila wala akong maramdaman, tila pilit hinahalukay ng utak ko ang bawat piraso ng memorya ko. Bagay na alam kong pinipilit makaalala ng isipan ko.

"Isla." bulong ko sa sarili kong pangalan.

Pinilit ko na tumayo kahit pakiramdam ko ay nanghihina pa ako. Naglakad ako papunta sa bintana at sa pagbukas ko nito ay ang pagpasok ng malamig na hangin dito sa Baguio. Agad ko kinuha ang malapit na jacket sa akin upang isuot dahil na rin mahina ako sa lamig.

Lumabas na ako ng kwarto ko dahil anong oras na rin.

"Ate Isla." gumawi ang tingin ko sa binatang lalaki na tumawag sa akin, ngumiti ako kay Scott.

"Scott, ilang beses ba namin sasabihin sa 'yo na hindi isla na tagalog ang basa sa pangalan ng Ate Isla mo." naiiritang sambit ni Hera. Siya ang naging kaibigan ko dito sa Baguio.

"Ang hirap naman kasi, kahit si Kuya Evan naasar na ata sa akin." nagkamot siya ng batok at ako ay tumawa na lang.

"Ayos lang 'yon, ikaw talaga." ginulo-gulo ko ang buhok niya at kita ko ang asar sa kaniyang mukha. Dahil alam ko na ayaw na ayaw ni Scott na nagugulo ang buhok niya. "Asaan ang lola mo?"

"Kasama si Kuya Evan at Kuya Rafa." tumango ako sa kaniya.

"Kumusta gising mo nga pala, Isla?" nilingon ko si Hera na nanunuod ng tv dito sa bahay namin. "Pinapunta ako rito nila Lola Amellia kasama ni Scott."

"Ayos naman na ako, isang buwan na rin lumipas matapos nung aksidente." nilingon ko ang salamin sa sala namin, sabay na inayos ko ang buhok ko. Sa pag-ayos ko nito ay muli ko na nakita ang bakas nung nangyari sa akin, maliit na lang ito kumpara sa dati at hindi na siya masyadong kita.

"Sigurado ka? Magsasabi ka lagi, kasi sabi ni Evan sa tuwing sumasakit daw ang ulo mo, sobra raw."

Pumasok muli sa isipan ko si Evan. Katulad ng iba ko na memorya ay hindi ko siya naalala, kaya nang sabihin nila sa akin na siya ang pinakasalan ko ay wala akong maalala.

"Lola." lumingon kami sa pinto nang tawagin ni Scott si Lola Amellia, nakangiti niya kaming nilapitan.

"Nagtrabaho na sina Evan at Rafa sa bukid, pupunta ba kayo ngayon sa sentro?" ang tinatawag na sentro ni Lola Amellia ay ang malaking bahay niya, doon kasi ang gitna ng malaki nilang lupain. Habang kami naman ay nasa isang bahay kasama ng iba rin na mga bahayan. Para sa mga nagtratrabaho kina Lola Amellia ang mga bahayan na 'to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Memoirs of HarmonyWhere stories live. Discover now