AMBNSN 1

37 1 0
                                    

"You're my angel-"

Napalingon ako sa speaker ko dahil bigla na lang itong huminto at kagaya nga ng inaasahan ko ay si Samael ang may kagagawan nito, si Samael ang demonyo kong pinsan.

"Ano ba? Epal ka talaga eh, 'no?" singhal ko sa kanya saka lumapit sa kama ko kung saan nakapatong ang speaker pati na rin ang bag at cellphone ko.

"Maingay eh." sagot naman nito, baliw pala 'to eh. Malamang speaker nga eh, maingay talaga.

"Bano kang tunay, malamang speaker 'yan eh." inis na singhal ko ulet sa kanya at tinalikuran siya para iligpit ang speaker.

"Anong pake ko?" pang-aasar niya pa sa'kin. Bwesit ang isang 'to, baliw na ba talaga siya?

"Umalis ka nga dito Samael, baka samain ka sa'kin." kunot-noo kong usal gamit ang mahinahon kong boses.

"Puro salita, kaya ba gawa?" ngingisi-ngisi pa siya nang lingunin ko siya, naiinis akong lumapit sa kanya at pinaningkitan siya ng mata.

"Huwag na lang, at baka umiyak si Mommy kapag itinapon kita pabalik sa planeta mo." pagak ko na lang na sagot at iniwan siya sa kwarto ko, paepal na lang siya palagi. Wala ba siyang magawa sa buhay niya? Kung wala ay uminom na lang siya zonrox.

Padabog akong bumaba ng hagdan habang dala-dala na ang bag ko, unang araw ko kase ngayon sa eskuwelahan, bagong eskuwelahang papasukan ko, to be exact. Nakailang lipat na ba ako? Hindi na yata mabilang.

"Samantha, anong meron jaan sa mukha mo?" si ate Katarina, pinsan ko na ate naman ni Samael.

"Ganda ate, ganda." nakangiwi kong sagot habang paupo sa isang bakanteng upuan na nasa tapat niya.

"Talaga, ganda? Saan jaan?" inis kong nilingon ang lalaking kakapasok lang dito sa hapag-kainan.

"Pwede ba Samael, kanina ka pa eh, baka hindi na kita matantsa riyan." halos mag-dugtong ang kilay ko sa pagkaka-kunot habang nakatingin ng masama sa kanya, ngumiwi siya.

Kamalas-malasan pa ay umupo siya sa tabi ko, sa tabi ko na kung saan ay bakanteng upuan lang naman talaga, inismiran ko na lamang siya atsaka lumantak na.

"Samantha, sasabay ka kay Samael ngayon ah." napaubo-ubo ako dahil sa narinig kong sinabi ni Mommy, ang nanay nila ate Katarina.

"B-Bakit?"

"What? Anong bakit anak?" tanong naman ni Daddy, ang Daddy nila Samael.

"I mean Dad, pwede naman po akong maglakad na lang since malapit lang ang bagong school ko atsaka po-" naputol ang sasabihin ko dahil may pumutol nito.

"Yes Dad, tama siya. Kaya niya naman maglakad eh, bakit ko pa siya isasabay?" ramdam ang inis sa boses ni Samael, oh 'di ba same vibes kami, ayaw ko sa kanya tapos ayaw niya rin sa'kin.

"Samael." si kuya, kuya Alexander, ang pangalawa sa kanilang apat na magkakapatid. Si kuya Ryland kase ang panganay, nasa ibang bansa siya ngayon, may inaasikaso. Si ate Katarina naman ang pangatlo katapos ay si Samael na.

"Tsk!" singhal niya na lamang.

"Samantha huwag kang makulit, sumabay ka kay Samael, do you understand?" masungit na saad ni ate kaya napangiwi na lang ako habang tumatango, damn it, ang malas naman ng araw na 'to.

"Saka baby same school na kayo ni Samael, mas maganda kung sasabay ka na." nakangiting dugtong ni Mommy sa sinabi ni ate, mas lalo naman akong napangiwi dahil sa tinawag niya sa'kin, 'baby' daw ano ako sanggol?

"Bilisan mo riyan at ayokong malate." maya-maya ay sabi ni gunggong at mabilis na humalik kina Mommy at Daddy katapos ay umalis na.

Kita niyo na ang sama ng ugali 'di ba, ni hindi man lang ako inintay.

Tumayo na lang din ako at lumapit na kila Mommy at hinalikan sila sa mga pisnge nila, gano'n din ang ginawa ko kila ate at kuya saka umalis at humabol kay Samael na anak talaga ng diablo.

Sumakay na lang ako agad sa kotse niya dahil baka mamaya ay sigawan nanaman ako ng lalaking 'to, at sisigawan ko rin siya dahil hindi naman ako nagpapatalo.

Tahimik ang buong biyahe, at wala akong pake-alam doon dahil sanay naman ako sa tahimik at mas gusto ko ang tahimik na lugar, kaya nga sa sementeryo ako laging natambay eh, hehe.

Twenty minutes ang guguguling oras papunta sa eskuwelahan namin if naka kotse ka, thirty minutes naman kung traffic, at kung maglalakad ka ay 10 minutes palabas ng village at nakadepende na sayo kung gaano mo katrip magtagal sa kalsada papuntang school.

"Bumaba ka na." malamig ang boses na ginamit ni Samael anak ng diablo habang sinasabi niya iyon, napatingin ako sa kanya at sa harapan namin.

Kita na dito sa pwesto na hinintuan ng kotse ang malaking gate ng bagong eskuwelahan na papasukan ko, tss hindi nalang iabot sa loob eh.

"Sabi ko bumaba ka na!" nanggagalaiting sigaw nito kaya agad akong tumingin sa kanya ng masama.

"Tanga huwag ka ngang sumigaw, bakla ka ba, ha!?" sigaw ko din pabalik sa kanya habang tinatanggal ang seatbelt ko, nanlilisik ang mga matang napatingin siya sa'kin.

"What did you say?" madiing tanong niya kaya inismiran ko siya sabay irap, gunggong talaga ang isang 'to eh. Bingi lang?

"Wala! Kako tanga ka!" sagot ko at mabilis na bumaba ng kotse.

"Samantha!!" rinig ko pang sigaw niya sa pangalan ko bago isara ang pintuan ng kotse niyang bulok, pakyu ka Samael sagad sa bunbunan.

Mabilis niyang pinaharurot ang kotse niya paalis at sinundan ko naman ito ng tingin, tss pabibo.

Nagsimula na lang akong maglakad, dahan-dahan na para bang nagala lang ako. Napatingin ako sa relo ko, buti naman at may kinse minutos pa ako, gunggong kase ang Samael na 'yon eh pwede naman ako isabay papasok sa loob ng campus kundi ba naman talaga anak ng diablo.

"Good morning, ija!" nawala ang pag deday-dream dahil sa pagbating narinig ko, nag-angat ako ng tingin kaya nakita ko si Kuya Guard nakangiti siya sa'kin dahilan para lumingon ako sa magkabilang gilid ko at sa likuran ko, walang tao, ako lang talaga.

"Ako po ba?" tanong ko, naninigurado lang aba.

"HAHAHA oo naman ikaw, good morning sa'yo." sabi ni kuya guard na para bang sobrang nakakatawa ang ginawa ko at ang nangyayari, napakamot na lang ako sa ulo dahil sa katangahan, nakakahiya.

"Ahh, good morning din po sa inyo." pagbati ko na lamang sa kanya at ngumiti, ngumiti din siya sa'kin kaya nagsalute na lamang ako at dumiretso na sa loob.

*****

Hinahap ko ngayon ang room ko at limang minuto na lang ang meron ako, nakakatangina naman talaga oh.

Asan na ba kase ang Section Nueve na 'yon?

Ang Misteryosang Babae ng Section Nueve [ON-GOING]Where stories live. Discover now