XXXVII. ASSEMBLY

1.2K 24 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Matapos ang nangyari kina Deanns at Jema ay tila ba mas naging malalim ang pagmamahalan nila sa isa't isa. Mahal na mahal naman na nila ang isa't isa ngunit ngayon ay tila ba mas tumatag at lumalim ang kanilang pagmamahalan

Isang araw sa Uni

"Parang blooming ka ata mare? Parang iba ang awra natin ngayon hah" mapanuksong wika ni Celine habang naglalakad silang tatlo nila Jho at Jema

"Oo nga, parang may iba sa'yo." Dagdag pa ni Jho

"Ano ba kayo. Wala ah" nahihiyang tugon ni Jema

"Yan ba yung alagang Wong? Grabe naman po pala!" Mapang asar na wika ni Celine

"Hi! Ceddie myloves so sweet!" Biglang sulpot ni Tots sa gilid ni Celine at umakbay rito

Agad naman siyang siniko sa tagiliran ni Celine at napadaing ito

"Aray naman my loves! Ang aga mo naman manakit, pero kung ganyan ka talaga magpakita nang pagmamahal mo sakin e tatanggapin ko" nakangiting sagot naman ni Tots

"Ang aga aga ah Carlos" wika ni Celine

"Hi love, Good morning" bati ni Bei kay Jho sabay abot nang chocolate at flowers rito

"Good morning Love, thank you" sagot ni Jho kay Bei

"Good morning Baby" wika ni Deanns sabay halik sa pisngi nang dalaga at abot nang bulaklak at coffee and sandwich

"Good morning Baby, ang sweet naman po" sagot ni Jema sabay kuha nang inabot ni Deanns

"Alam niyo medyo madaya kayo eh. Sana nagsabi kayo para nabilhan ko man lang nang bouquet itong myloves ko" nakangusong sambit ni Tots sabay akbay muli kay Celine at nakatanggap muli ito nang siko sa dalaga dahilan upang maalis muli ang pagkakaakbay sa kaniya ni Tots

"See you later Baby" wika ni Deanns nang makarating sila sa classroom nang mga dalaga, agad naman nagpaalam ang mga ito at nauna na patungo sa classroom nila.

Mabilis lang natapos ang morning classes nang mga ito at agad silang nagkita kita sa cafeteria

Magkakasabay na dumating sina Jho, Celine at Jema sa cafeteria kung saan andito na ang tatlo at may mga nakahain nang pagkain rito

"Ang bilis niyo naman makaorder nang food" wika ni Jho sabay halik sa pisngi ni Bei

"Para pagdating niyo kakain na lang tayo" nakangiting sagot naman ni Bei

Napansin naman agad ni Deanns na parang may gumagambala kay Jema

"Is there a problem Baby?" Tanong nito kay Jema na nadinig naman nang mga kasamahan

Ayaw sana sagutin ni Jema ngunit nagsalita agad si Celine

"Hay nako Deanns, ito kasing si Jema nakareceive nang sulat kanina sa ibabaw nang arm chair niya" singit ni Celine

"What's that?" Kunot noong tanong ni Deanns at dahan dahang inabot ni Jema ang isang maliit na papel.

Binuksan ito ni Deanns at sabay sabay lumapit sina Bei, Tots at Jho upang makita ang nakasulat rito

'I'm watching you. Be careful'

Yun lamang ang tanging nakalagay rito. Ngunit sapat upang magambala ang mga magkakaibigan

"Hindi ba talaga sila titigil?" Inis na sambit ni Tots

"Wag kang magalala Baby, hindi ko hahayaang may mangyari sa'yong masama" tugon ni Deanns sabay lukot sa papel na hawak nito

PHANTOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon