Kapitulo 4

64 0 0
                                    

"Pasensya na talaga

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Pasensya na talaga. Naiilang kasi ako kapag marami ang kasama ko maligo. Kahit na dumadayo ako sa tuwing may laro, nahihirapan akong mag-adjust sa bathroom. Kailangan ko pang kumuha ng sariling room para lang maka-solo ng paligo."

Mataman lang siyang nakinig sa rants ko. Nakaluwag ako ng hinga dahil wala naman siyang problema sa tuwing bumibilis ang pag-explain ko. Sinisilip-silip ko siya sa sa tuwing nasa kalagitnaan ako ng pagsasalaysay pero kahit ano'ng sabihin ko, nakukuha niya naman.

Sa Agave Trove pala siya nakatira. Limang minuto lang 'yon galing sa school kapag lalakarin. Syempre, sa takbo ba namang 100, ano ba ang hindi bibilis? Kanina no'ng nasa elevator kami, pinindot niya ang rurok.

Umiling lang siya sa 'kin. "It's not a problem you should be sorry for."

Sa huli ah pumayag akong pumunta na lang sa kanila dahil hindi ko masisikmura ang kati ng tubig doon at paninibago sa lugar.

Sa katunayan, malinis ang kanyang bahay—gaya ng kuwarto ni Kuya Zen sa tuwing bibisita ako dahil sapilitan ko siyang pinapalabas sa kanyang silid.

His house was gilded. The walls were painted black and white. You'd see the cityscape and the highlands at the farthest point when you look beyond the window. He had several photos of basketball players. My eyes widened when I caught a familiar persona.

My fingers traced the glass where the portrait was encapsulated. I traced the signature of that person. The man is Kosher Ymar of . . . Golden Heron.

"Nabanggit mong dumadayo ka kanina."

Hinugot ko ang daliring nakaturo do'n saka bumaling sa kanya. Natatandaan niya kung ano'ng pinagsasabi ko kanina! "Oo. Haha! Athlete ako noong high school."

It looks like he was from his bathroom as he was holding a towel and a pair of black slippers. Ibinagsak niya iyon sa harap ko saka hinilig ang kamay sa upuan. Humalakhak ako sa gayong hindi ko maintindihan ang mukha niya ngayon.

"Gulat ka, 'no?" Sumilay ang ngiti ko sa labi.

"Sports mo?"

"Volleyball."

Tumango siya. " It was a surprise you're athletic too."

"Pagtuntong ko ng 12th grade, masyado na 'kong matanda kaya nagpahinga na."

"Did universities scout you?"

"Oo."

"Then why haven't you become their varsity?"

Nagkibit-balikat ako. Sa pagtuntong ko ng 11th grade, iyon na ang huling taon ko para maglaro at dumayo. Iyon din ang pagkakataong nalaman kong naloko ako. Pasalamat na nga lang ako dahil nagtapos na ang nationals nang nalaman ko iyon.

"Hindi ko tinanggap offer nila kasi wala talaga akong planong mag-aral. . ."

"What?" he replied in disbelief.

The Wonder of the World (Aces of A Series 1)Where stories live. Discover now