01 : Did we just... talk?

52 4 1
                                    

JULIAN PEREZ

. . .

Umuwi na ako ng bahay pagtapos kong ibalik ang mga libro sa silid-aklatan. Tutal wala naman akong balak o kailangang puntahan mamaya kaya mas mabuti nang umuwi na lamang ng maaga.

Alas-kwatro ng hapon ako nang makauwi sa aming bahay. Pagpasok ko pa lamang sa loob ay sinalubong na agad ako ng isang makalat na sala. Yumuko ako at nakita ang ilang mga boteng nakakalat pa sa lamesa at napabuntong-hininga.

Ibinaba ko muna ang aking bag sa isang tabi at sinimulang linisin ang mga kalat na nakapatong sa hapag. Inuna kong kuhanin ang mga bote at ibinaba iyon sa mesa. Sinunod ko ang mga balot ng chichirya at pagkatapos ay kumuha ng basahan sa kusina upang mapunasan ang mga basang parte ng lamesa.

Nang matapos ay saktong pupulutin ko na sana ang mga bote sa sahig nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng kwarto nila mama at nakita ang aking ama na magulo pa ang mga buhok at walang suot na kahit ano pang-itaas.

Napadako naman ang tingin ni papa sa akin nang makita akong tinitingala siya mula sa sahig at maya-maya'y sinamaan ako ng tingin.



"Tinitingin-tingin mo jan?!" galit nitong anas at lumapit sa akin.

"Tabi!" walang ano-ano nitong tinulak ako sa kanyang gilid kaya naman wala akong nagawa kundi ang mapausog palayo sa kanya. Hinanap nito ang boteng may kaunting laman pa at saka iyon nilagok ng tuloy-tuloy.

Muli itong umayos ng tayo at bumalik sa kanilang kwarto habang dala-dala ang isang bote ng alak at padabog na sinara ang pinto.

Napayuko na lamang ako at muling nagpatuloy sa paglinis ng aming sala. Mukhang wala na naman sa tamang lagay ng loob si papa kaya ganoon ang inakto nito kanina.

Sa tuwing bad mood kasi ito ay malamang tungkol iyon sa kanyang trabaho o kung hindi kaya'y nag-away na naman sila ni mama. Hindi na rin siguro nakakagulat kung bakit ito nag-iinom ngayon kahit maaga pa ang oras para sa isang inuman.

Hindi na lamang ako sumasagot dahil panigurado ay isang mahabang sermon lang naman ang matatanggap ko sa kanilang dalawa. Kesyo huwag na raw akong makisama sa kanilang mga problema at wala naman akong alam sa mga bagay-bagay dahil bata lang ako.

Tingin ko nga ay mukhang pabigat nalang talaga ako sa mga magulang ko kaya hangga't hindi pa ako nakaka-graduate ay talagang nagpupursigi akong makapagtapos ng pag-aaral nang sa gayon ay hindi na ako dumagdag pa sa mga pinopropblema nila papa. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot sa naisip.

Tama. Hindi ako maaaring maging pabaya sa pag-aaral kaya naman mas mabuting itigil ko na ang pinagmumuni ko sa aking nasaksihan kanina.

If I have the time to overthink about him, then better to just use that time to focus on my studies instead. Wala akong oras para maging ilusyonado sa buhay. Ang lakas ng loob kong manghinala sa taong iyon pero hindi ko nga maamin-amin sa mga magulang kong bading ako.

Never in my life that I've come out to someone especially sa mga taong malalapit sa 'kin. Bagama't gayunpaman, I still failed to maintain my cover because of my very obvious actions.

At first, when I heard some rumors about me from other people, I was extremely terrified because I was always scared of what society would think of me once they knew what my real sexuality is.

I was devastated, especially for myself, because I was scared of the thought of what my parents would do or say to me once they knew my secret. Would they torture me? Would they feel very disappointed about me?



Or would they still accept me for who I am?

That time, I was so depressed to the point that my parents almost caught me crying alone if only I hadn't locked the doorknob to my bedroom. Thankfully, they did not ask me after what happened that night because I really don't know what to say and am not at the right moment to confess my secret to them. I'm not fully prepared.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Ephemeral SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon