00 : Prologue

139 14 4
                                    

JULIAN PEREZ

. . .

"Madrigal, James?"

"Present po."

"Pelaez, Cristoffer?"

"Present po, ma'am."



"Perez, Julian?" saglit akong napahinto sa pagsusulat matapos madinig ang aking pangalan bago tumingala sa harapan.

"Present po," mahina kong ani. Tumango naman sa akin ang guro at pagtapos ay muling nagpatuloy sa pag-attendance ng mga estudyante.

Tumingin ako sa aking mesa at muling nagpatuloy sa pagsusulat. Kasalukuyan kong sinasagutan ang aming assignment para bukas upang wala na akong sasagutan pa pag-uwi nang bigla na naman akong matulala sa kawalan.

Nang mapansin kong natutulala na naman ako ay mabilis kong ipinilig ang aking ulo at napatungo.



This is because of him.

Just... why did he look at me like that?

Napabuntong-hininga na lamang ako at nagsimula nang magligpit ng aking mga gamit. Ilang oras na lamang din ang natitira at pag natapos ang aming guro mag-attendance ay uwian na ng paaralan kaya mas mabuting ayusin ko na agad ang mga gamit ko. Nalimutan kasi iyong gawin ng aming guro kaninang umaga at ngayon lamang niya ito naisipang gawin bago mag-uwian.

Nang mailigpit ang lahat ng aking mga kagamitan ay isinukbit ko na sa aking balikat ang backpack ko at hinintay na matapos ang guro sa pag-aattendance. Hindi kalaunan ay natapos din ito at pinatayo na kaming lahat sa klase.

"Class dismissed. Yung mga cleaners ngayong araw, please stay inside the classroom. Subukan niyo lang na tumakas ulit at paglilinisin ko na naman kayong lahat bukas," striktong babala ni ma'am na siyang ikinaungot naman ng ilan kong mga kaklase.

Hindi naman ako tumauli sa pahayag ng guro at nanatiling tahimik lamang sa bandang likuran ng pila.

Nang makalabas sa loob ng silid ay kaagad akong nagtungo sa library upang maibalik ang mga librong hiniram ko kanina sa kanila. Habang naglalakad sa gitna ng hallway ay hindi ko na naman maiwasang mapaisip ng malalim marahil sa aking nasaksihan kanina.



It's because I saw him during our lunch break.

Tahimik lang naman akong nakaupo sa pang-isahang lamesa at mapayapang kumakain sa isang sulok nang aksidenteng mapadungay ang aking paningin sa pwesto ng isang barkadang puro mga kalalakihan.

Pasimpleng umiwas na lamang ako ng tingin sa kanila dahil mahirap na kung mahuli pa akong nakatingin sa kanila at baka masabihan o gawan pa ako ng masama. Kahit hindi ko naman na kasi aminin pa sa lahat ay alam naman na nila ang pagiging kakaiba sa kasarian ko.



That I am gay.

Nasa aktong ibabaling ko na sana ang aking paningin sa ibang gawi nang bigla na lamang akong natigilan sa aking nakita.

Dahil nang saktong pagdako pa lamang ng mga mata ko sa huling taong nakaupo sa kanilang pwesto ay aksidenteng nagtama ang aming mga tingin sa isa't isa. Bahagya akong natuod sa aking kinauupuan.

Marahil hindi rin nito inaasahan ang pagtingin ko sa kanya ay bumakas sa mukha nito ang saglit na pagkagulat ngunit makalipas ang ilang segundo ay muli ring bumalik sa pagiging blanko ang ekspresyon nito.

Wala sa sariling napalunok ako ng laway dahil sa paraan ng pagtitig nito sa akin. Tila sobrang bigat ng intensidad nitong ipinapahatid na para bang tumatagos hanggang sa kaluluwa ko ang mga tingin nito.

Saka lamang ako tuluyang napakalas ng tingin sa kanya nang bigla itong tawagin ng kanyang mga kabarkada. Napatungo ako sa lamesang pinaglalagyan ng mga pagkain ko at mariing napapikit.

Did he just... look at me with so much intensity?

Mabilis kong ipinilig ang aking ulo. No, it can't be. I must be daydreaming.



Especially to someone like him. To someone who's obviously not into guys like me. He's literally straight as a ruler.



But why did he look at me in that way? Like he wants to do something or has to tell me something but just can't say it directly.

Or am I just getting delusional?

Napahinto ako sa paglalakad matapos iyong pumasok sa aking isipan. Napayuko ako.

That's right. Why would he even talk to someone like me? It's not that we are really close to each other.





And why would Damien King even do that? It doesn't make any sense.

. . .

Copyright © 2024 jseeyou

His Ephemeral SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon