CHAPTER 4

497 5 0
                                    

CELESTINE POINT OF VIEW

Pag kagaling kanina sa office ng ina aplayan kong trabaho eh nagpunta ako sa malapit na mall para mag palipas ng oras, pano e hindi ako natanggap. Diko tuloy alam saan ako kukuha ng perang pag kakakitaan para pambayad ng renta at lahat lahat ng gastusin sa bahay. Ako nalang mag isa ang nakatira sa bahay dahil pumanaw na sina nanay at tatay which is yung nag adopt saakin.

Habang naglalakad ako kanina may nakabangga akong isang magandang babae na halatang mayaman dahil sa pustura at may pa body guard pa sila. e hindi ko naman sila nakita dahil busy ako sa paglagay ng envelop sa bag ko para hindi kona sila hawak hawak tutal medyo malaki naman nag bag na dala ko. 

Unag kita palang nila saaken halatang nag aalala sila, wala silang tigil mag tanong kung okay lang ba ako at may masakit ba. inalok din nila ako ng trabaho as personal assistant ni ma'am irene. oo kilala ko sila noh, sino ba naman hindi makaka kilala sa kanila. anak ng dating pangulong ferdinand marcos at kapatid ng senator. yung asawa naman si sir greg eh isang mayaman na businessman galing sa angkan ng mga araneta. 

Maaga akong nagising ngayon dahil ayaw kong ma late sa trabaho baka pagalitan ako ni maam irene. naka tanggap din ako ng text sa kaniya, sinabihan niya ako na daretcho ako sa bahay nila ni sir greg dahil wala daw siyang pasok ngayon sa office, pupunta lang siya sa kung saan siya nag tuturo ng music class and instrument. 

Nagulat nga din ako dahil may mga pinadala siyang mga damit na alam kong ke mamahal pati mga sapatos. may naka sulat pa nga doon na 

'' those are the clothes, shoes and bags that you will use when going to work. I want you to be pleasant to look at, be it formal, casual or whatever. don't worry you won't pay that, think that it was a gift from me and my husband''

naku ang babait pala talaga ng mga marcos lalo na nitong mag asawang ito. hindi ko ma explain ang gaan gaan din ng loob ko sa kanila. parang may part saakin na tila kilala ko sila dati pa, na parang may koneksyon ganon pero binabali wala ko nalang dahil ganon naman talaga ang pamilya ng mga marcos mababait kahit kanino. 

Bago lumabas ng bahay tinignan ko muna ang picture ko na kasama sina nanay at tatay sabay sabing.

NAY TAY MAY TRABAHO NA AKO. BANTAYAN NIYO PO AKO HA sabay punas ng luha.

Nanay lita and tatay dante are not my biological parents. They told me that nung minsan na bully ako sa high school na bakit ang tanda tanda nadaw ng magulang ko. Kaya ayun inamin saakin nina nanay at tatay ang katotohanan. Iniisip ko kung hinahanap ba ako ng totoo kong magulang oh ano kase 18 years na akong nasa poder nina nanay. Masaya ako sa kanila at mahal na mahal ko sila kahit na lumaki ako na mangangalakal lang ang magulang.

Minsan dumadako sa isip ko kung sino ba ang totoo kong magulang, kung ano ang buhay nila. Sabi kasi saakin ni nanay hinabol lang daw nila ako sa kidnappers dahil nakita nila ako kung paano tangayin ng mga yon. Tumawag sila ng tulong at sinugod nila ang dalawang lalaki kaya nakuha nila ako sa kanila. Hinanap nila ang magulang ko sa park kung saan nila ako niligtas sa kamay ng mga walang pusong lalaki na yon kaso dahil sa kaguluhan daw at nagtatakbuhang mga tao eh hindi nila nahanap ang magulang ko.

---------BAHAY NG MGA ARANETA--------

Nandito ako ngayon sa harap ng napa kalaking gate. Halatang halata na mayaman ang mga nakatira dahil may securities pa sila .

MAGANDANG ARAW PO MANONG bati ko sa kanila matapos nilang buksan ang gate.

IKAW BA YUNG BAGONG ASSISTANT NI MADAM? tanong ng isang guard.

OPO AKO PO. SI CELESTINE pakilala ko.

SIGE PASOK KANA. NASA GARDEN SI MADAM sabi pa niya kaya nagpasalamat ako at ngumiti sa kaniya.

Our Long Lost CelestineWhere stories live. Discover now