xv. tattoo

13K 553 130
                                    

xv. tattoo

Hindi na hinintay pa ni Cato ang sagot ni Yda sa mensaheng ipinadala niya kay Neon. Sinabihan siya ni Neon na maghintay pero hindi 'yun pinansin ni Cato at umalis na. Gusto lang naman niyang iparating kay Yda na hindi pa huli ang lahat, na may pag-asa pang magkasama ulit sila. Hindi sinabi ni Cato ang nabuo nilang plano ng ama niya. Basta sinabihan niya lang si Yda na maghintay, maghintay para sa kanya. Sinigurado rin niya kay Neon na hindi niya balak magpakamatay para masundan si Yda nang tanungin ito sa kanya ng panganay na anak ni Lord Hades.

Dumaan muna saglit si Cato sa Haima para kunin ang espadang ibinigay sa kanya ng ama. Hinawakan niya ito at sinuri. Tandang-tanda pa niya nung una iyong iniabot sa kanya. Sa unang hawak pa lang niya sa handle ng espada na 'yun alam na niyang ginawa 'yun para sa kanya. Saktong-sakto sa kamay niya ang handle at kahit iyon ang unang beses niyang nakahawak ng ganung armas, hindi niya 'yun naramdaman. Para sa kanya, para bang matagal na 'yun sa kanya. Para bang ang espadang 'yun  ay nawawala niyang anak at ngayon ay nagbalik na sa kanya.

Hindi niya sana tatanggapin ang espada. Mas sanay siyang gamitin ang mga kamao niya. Magpapabagal lamang sa kanya ang kahit anong armas at ano namang magagawa niya sa espadang 'yun ngayong hindi naman siya marunong gumamit? 'Yun ang mga naisip ni Cato habang nakatingin sa talim ng aserong hawak niya noong mga panahong iyon. Tinawanan siya ng ama niya nang sabihin niyang hindi niya alam gumamit ng espada. "You're a son of a War God. Every weapon they give to you, you know how to use it by heart." And the War God wasn't lying. Sinubukang i-swing ni Cato ang espada. Sinubukan niyang makipag-dwelo sa hangin. Bawat footing, bawat porma ng mga kamay—parang natural na natural lang na lumalabas sa kanya. Natuwa si Cato, tuwang-tuwa. Ganon pa man, hindi niya pa rin 'yun ipinakita sa ama. Alam niyang may utang na loob na siya kay Lord Ares, ayaw niyang ipamukha pa 'yun sa kanya ng ama.

Ngayon, nakatitig siya sa repleksyon niya sa espada. Naalala niya ang dating Cato. 'Yung batang walang gustong gawin kundi makipag-basag ulo. 'Yung batang walang alam kundi kalabanin lahat ng taong hindi niya magustuhan. Mainitin ang ulo, sakim sa kapangyarihan at makasarili. Kung ano man ang nangyari sa batang 'yun, hindi na 'yun concern pa ni Cato. Mas gusto niya ang nakikita niya ngayon sa repleksyon. Mas gusto niya ang bagong Cato na handang gawin lahat-lahat para sa babaeng pinakamamahal niya.

Inalala ni Cato kung saang banda ba ng sementeryo sumusuot si Yda noon para makapunta sa lugar ng ama niya. Nilibot niya ang buong lugar habang inaalala 'yun. Halos isa-isahin niya ang mga puntod para lang mahanap ang lagusan. Hanggang sa makarating siya sa pinakagitnang parte ng sementeryo. Doon ay nakita niya ang hugis parisukat na lapida na may pangalan ng God of the Underworld. Simpleng lapida lamang iyon. Parang libingan na laan para sa isang baby na kamamatay lamang. Bumalik sa alaala ni Cato ang mga ngiti ni Yda sa tuwing babalik siya mula sa lagusan na 'to papunta sa kanya. Labis-labis ang pagsisisi ni Cato na hindi niya binigyan ng kaukulang pansin ang mga ngiting 'yun noon dahil ngayon, wala na si Yda kasama ng mga ngiti niya.

Hindi. Sigaw mula sa isip ni Cato. Alam niyang sa pagbalik niya mula sa libingan na 'to, kasama na niya si Yda. Kapag natapos lahat ng ito, kahit pa pagkurap ay pipigilan niya, masilayan niya lang ng buo ang ngiti ni Yda.

Itinabi na ni Cato ang lapida. Sumilip ito sa butas pero wala siyang makita kundi ang kulay itim. Hindi niya napigilang mapatanong sa isip niya kung may night vision ba si Yda. Dinalaw ulit siya ng pagsisisi. Bakit ba hindi siya nagkaroon ng interes sa mga ginagawa ni Yda noon?

Demigoddess - Daughter of HadesWhere stories live. Discover now