Chapter 1

30 6 12
                                    

A Few Inches Behind
Chapter 1
She Who Lies In The Middle

Greetings!

This is to inform you that your application in terms of eligibility for Bachelor of Science in Business Administration is INELIGIBLE and does not meet our school's standards.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang tawang gustong kumawala. Well, another one in the bin.

From the get-go I already knew this was hard to hold. Ilan na bang university ang nag-reject sa akin? Ten? Twelve? Hindi ko na maalala.

Inalis ko ang laptop sa hita at binaba sa bedside table. I guess Plan A ang gagawin ko ngayon. Kukuha lang ako ng pagkain sa baba at uubusin ang araw sa pag-bi-binge watch.

Hmph. Sana pala hindi na ako naghintay sa email. Akala ko talaga pasado na ako do'n. That's why I had a Plan B, a.k.a going out and partying with my friends. I furrowed my brows and pouted as I went down the stairs. Natatandaan ko pa na confident akong lumabas no'n sa exam hall. Confident palang bumagsak.

Halfway through, my eyes wandered around the first floor. I took a double look at the sofa, where a man was sitting timidly. Tumigil ako at pumangalumbaba sa riles ng hagdan. Kaibigan siguro ni Kuya Evon? Palingon-lingon lang siya sa bahay hanggang sa dumantay ang mga mata niya malapit sa kung nasaan ako.

"Hi!" Tinungkod ko ang isang kamay at kumaway naman sa isa. Agad siyang tumayo at munting yumuko. I snickered before continuing heading down. Cute.

Dumiretso na ako sa ref at kumuha ng yogurt. I took five and hugged them in my arms. I also went and got a spoon from the drawer. Oh! I should toast waffles! That's a sad food, I think? Binaba ko ang mga yogurt sa island top at binuksan ulit ang ref. I should ask him if he wants one... should I?

I glanced back at him and he was still standing. "Waffles?"

Isang iling ang iginawad niya. Okay suit himself. Pinasok ko 'yong waffle sa toaster at inusog ang island chair para umupo, my legs suspended in the air.

Binuksan ko ang isang yogurt at sumubo, pasimpleng tumitingin sa lalaking nakatayo. I swallowed. Nahihiya na ba siyang umupo? Baka ako pa pagalitan ni kuya na hindi ko pinapa upo kaibigan niya.

Tinuro ko ang sofa gamit ang kutsara. "Upo ka lang, kawawa naman 'yung sofa kung walang silbi," I joked.

Dahan-dahan siyang umupo at nasa harapan ko na ang likod niya. Sayang, 'di ko na siya matitingnan. May mabait pala na kaibigan si Kuya Evon, eh. Akala ko na-transform na niya lahat para maging katulad niya.

Halfway through my first yogurt, the toaster beeped. Patalon akong bumaba at kinuha ang waffle. I then tiptoed to open the top cupboard to get the maple syrup.

Malalakas na hakbang pababa ang narinig ko habang ginagawa 'yon. Hindi ko na kailangan tumingin para malaman na si Eiryn yung bumababa sa hagdan. Sa bilis pa lang, hindi ko na iisiping si kuya 'yon.

"Sorry sir for making you wait," hinihingal niyang sambit. I paused and side glanced at that man. That's Ei's new music tutor? My mouth stayed gape as I continued spreading the butter.

Sabi ko na nga ba imposibleng kaibigan 'to ni kuya. I sighed. Aakyat na sana ako pero walang kasambahay na kasama si Ei. I'm not a bad sister! Kahit mukhang mabait naman 'yong lalaki at gusto kong mag-emote, hindi ko pa rin iiwan silang dalawa mag-isa.

"Ayos lang..." his voice was low but it was covered with his silly kid impression. I snickered and lifted the plate. Sanay na 'yan si Ei sa professionalism ni kuya. But still, I liked his effort.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Few Inches Behind: Glow Up Series #8Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon