Chapter 1

12 3 0
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. In this story, there are curses, bad thoughts, and others that are not to be influenced by others and there are grammatical errors ahead, I apologize for it. Please do read responsibly.


- start -


"Arranged marriage is a type of marital union where the bride and groom are primarily selected by individuals other than the couple themselves, particularly by family members such as the parents". Yan nga yung ibig sabihin ng arranged marriage, thank you po mareng Wikipedia.

Common ngayon ito na makikita sa ibang bansa katulad na may pamilyang mataas ang status sa bansa at possible rin dito sa pilipinas but in my situation, this marriage is through business partners.

Ang hindi ko lang magets eh bakit ako yung pinamigay ng mga magulang ko?

In a family of 7, with 3 daughters and 2 sons, I, as the youngest, am the one chosen by my parents sa arranged marriage na ito.

Sitting on the sofa in the living room of our house, nandito kami lahat ng mga ate at kuya ko nakikinig sa parents ko na nasa harapan namin. Lahat sila nagcancel ng kung ano mang appointments ngayong araw kasi nga may importante raw sabihin sina mama at papa at ang seryoso pa ng mga mukha nila nung nag video call kami kaninang umaga kaya kaming lahat present dito.

May meeting pa sana ako sa photography club ko sa university, sinabihan ko nalang mga kasama ko na aabsent ako sa meeting dahil may important matters ako dito sa bahay. Hindi ko naman inakala na ang importanteng sasabihin nila ay ipamimigay na nila ako sa ibang tao.

"Ma, nagbibiro ka po ba?" I asked my mother who showed me her serious face.

"Mukha ba akong nagbibiro, anak?" seryoso namang sagot ni mama sa tanong ko. Sana mukha ka nalang nagjojoke ma para mahinahon ako ng konti, ang seryoso mo masyado eh.

"Aba ang swerte mo na nga dyan bunso, finally makaboyfriend ka na" I glared at kuya John na tumatawa ngayon, kanina pa sila ni kuya Jez nagpupumigil ng tawa ang sarap batuhin ng unan mga gagong 'to.

"Your kuya is right, sweetheart and didn't you say back then na gusto ma nang magkajowa? This is a great opportunity for you, nak" Ito pa si papa, wag mo ngang tulungan sila pa, ako kaya ang kawawa dito.

Atsaka 'back then' yun pa, past tense, sa nakaraan ko lang sinabi iyon hindi na ngayon.

"Why me, dad?"

"Bakit hindi si ate April?" napalingon si ate April nang banggitin ko pangalan niya, napataas naman siya nang kaliwa niyang kilay.

Sungit.

"Sweetheart nakalimutan mo na bang engaged na yong Ate mo?" Sagot ni dad at agad na pinapakita ni ate ang kamay niya na may suot na engagement ring.

"I'm not available, you see" she said bragging about her engagement ring

Edi ikaw nang may ring, pasalamat ka matagal mo nang boyfriend ang papakasalan mo.

"Then, ate Kate? Mas maganda si ate kaysa sakin, sexy at matalino pa and I know for a fact that ate does not have a boyfriend" nagpalit na ako nang target, ngumiti naman sakin si ate Kate.

"I'm happy that you think of me that way, bunso but sadly, I am not available too" napasimangot ako sa sinabi ni ate.

"What? Why naman ate?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Planned FairytaleWhere stories live. Discover now