Chapter 13

12 1 0
                                    

CHAPTER 13

Concern

ELOSIE POV

Kasalukuyan akong nasa room ngayon at dahil wala naman kaming teacher ay nasa mood akong magsulat ng lecture. Maya maya ay nagchat si Sir sa GC namin na pumunta raw ang lahat ng leaders sa Faculty Room dahil ichecheck niya yung mga gawa namin for our defense.

Pagkarating namin sa Faculty Room ay naabutan namin siyang kumakain. At dahil bida bida ako ay ako na ang naunang lumapit kay Sir KO!

yieee!

Pagkakita niya sa akin ay bigla siyang sumubo nung kinakain niya na parang iniinggit niya pa ako.

Akala mo ba naiinggit ako? Hindi noh! Baka ikaw pa kainin ko jan eh!
laabot ko na sana yung papel ng bigla siyang magsalita.

"Eloise, halata bang sinisipon ako?"
At dahil lutang ako ngayon ay sinabi kong hindi naman po Sirkahit na ang totoo ay halatang halata na sinisipon siya dahil sa boses niya.

Maya maya ay tinanong niya din yung isa kong kasama.

"Ikaw Luiza, halata bang sinisipon ako?"

At dahil hindi naman siya lutang ay sumagot siya ng maayos at sinabing Opo Sir sa boses niyo po.

Oh edi wow kayo nalang mag-usap. E-exit nalang ako. Story ko ito diba? Tampo na ako Sir, suyuin mo ako please? Hihi

At ng matapos na ang moment nila ng bebe ko ay ipinasa na namin yung mga papel at nagpasyang umalis na.
Naunang maglakad yung iba kong mga kasama. At ng tuluyan ng makaalis yung mga kasama ko ay biglang nagsalita si Sir.

"Elosie, may tanong ka paba?" nakangiti niyang sabi sa akin.
Nako pagkatapos mo kong pagselosin kanina ngingitian mo ako ng ganyan? Kala mo ba madadala mo ko sa paganyan ganyan mo ha? Akala ko ba ako lang? ha? Ayoko sa lahat yung may kahati ako! Sir, ako lang dapat! Charot hehe!

Kahit nanggigigil ako kay Sir ay ngumiti lang ako at sinabing wala na kong iba pang tanong.

At dahil nga iniwan na ko nung mga kasama kong leader kanina ay mag-isa nalang akong bumalik sa room. Pagdating ko roon ay may teacher na, pero dahil atapang ako ata o ay pumasok ako agad ng hindi pinapansin yung teacher na nasa harap. Boss ako bakit ba?

Dumaan ang ilang araw at eto na, defense na namin! Jusko Lord sana po ma-approve kaming lahat ng grupo pleaseee.....

Maya maya ay dumating na si Sir Carlo sa room dala dala ang kanyang projector at iba pa niyang gamit. Siniset na din ng mga kaklase ko ang laptop na gagamitin. Maya maya ay lumapit si Sir doon at nagtipa sa laptop.

"Goodluck HUMSS 11-1! HAHAHA maghanda na kayo! Makakatikim tayo ng Pancit GUISADO! Yung group ni Ara at Rovie maghanda na! Pati pala yung group ni Angelbert. GOODLUCK ELOISE Bstand plssss....WHAHAHA" (devil laugh)
-SIR CARLO

At dahil nakaconnect na sa projector yung laptop ay kitang kita talaga namin ang nakasulat doon.

Ang sweet talaga ng sweetie pie ko. May pa special mention pa siya sa pangalan ko yieee keleg puso ko... Enebeeee

Natawa nalang kami sa kalokohan ni Sir. Habang busy ang iba kakakuha ng litrato sa ginawa ni Sir ay lumapit si Sir sa may pintuan.

"Goodluck Eloise." mahinang sabi niya kaya naman ngumiti lang ako.
M

ahina lang ang pagkakasabi niya noon, yung tipong kami lang yung nakakarinig. Yieee ang sweet talaga ng sweetie pie ko hihi. Ngumiti lang ako kay Sir dahil may mga kaklase akong katabi dito at paniguradong iba ang iisipin nila pag nagsalita pa ako.
Dalawang oras ang nakonsumo namin bago matapos ang lahat ng grupo,pati kami ay tapos na rin, syempre lahat nga eh diba? Sinabi rin sa amin ni Sir na bukas namin malalaman ang grade namin sa defense na iyon pero thank God dahil lahat naman kami ay approved!

Para mag college agad!

All things are possible when it comes to God. l love you dear Lord muah.

To be continued....

Sir, Mali ba Magmahal? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon