2

7 1 4
                                    

Ng makaalis na ang apat na bahay ay    nagsimula na itong maglakad patungo sa sakayan ng jeep, nang makasakay na ang mga ito ay biglang nagsalita si Vannesa

"Bayad po, 4 po yang estudyante" sabay pagabot ng bayad

"Grabe noh nagtaas na ang bayad sa jeep, 11 pesos na!" Ang mahinhin ngunit pasigaw na sinabi ni Jaime

Agad naman siyang siniko ng nakatatandang kapatid, natatakot na baka ito ay narinig ng nagmamaneho ng sasakyan

"Kahit kelan talaga ang ingay ingay nito ni miggy, kelan ka ba tatahimik?" Ang pagalit na pasabi ni Vannesa sa kanyang kapatid

Tinititigan nalang ito ni Arthur at napaisip bigla

Ano kayang pakiramdam ng magkaroon ng kapatid? Feeling ko di masayang magkaroon ng kapatid, based on what I am seeing right now, di talaga sila magkakasundo. ARGH!

"Arthur! Huy! Malapit na tayo sa eskwelahan!" Ang sabi ni Emman habang tinatapik si Arthur

"Ay sorry! Napaisip lang ako saglit"

"Akala ko nga inaantok ka pa eh" Sabi ni Jaime

"Medyo inaantok nga ako HEHEHE" Sabi ni Arthur

"Para po! Tara na mga tukmol andito na tayo" Ang sabi ni Vannesa

Nang makababa sila sa jeep ay namangha sila sa kanilang nakita

"Dati ang pangit tignan ng school ngayon, buhay na ulit siya" Ang sabi ni Jaime

"True, muka siyang sementeryo dati" Ang pasabay ni Arthur

Andito ako para makapag-aral, di para gumawa ng gulo, sana di ko makita yung pandakis na yun! Kung hindi, maguiguidance nanaman ako kagaya nang dati!

"Tara na malalate pa ako sa inyo!" Ang mabilis na paglalakad ni Emman

"Kuya hintay!" Ang sabi ng dalawang kapatid

Pagpasok nila sa loob ay naghiwahiwalay na ang apat upang magtungo sa kanilang mga silid- aralan

"Sige na mauuna na ako sa inyong tatlo ha enjoy the first day of school! Wag muna kayo makikipag-away or else sasabihin ko yan kay tita!" Sabi ni Arthur

Tumalikod na si Arthur sa tatlo at nagsimula ng maglakad papunta sa kanyang silid- aralan, ngunit sa pagpasok niya sa loob ay nagulat siya sa kanyang nakita

"So, classmate pala kita, mukang may pagtritripan nako ulit ah!" Ang matawa tawang sinabi ni Renz

Kaklase ko nanaman siya?! Paktay! Kaya mo to lest! Kalmahan mo lang

"Sus kung kaya mo akong pagtripan, try to reach my head first, ang pandak pandak mo tas ang taas taas pa ng pride mo. Kalokohan" ang mainis inis na sabi ni Arthur habang naglalakad papunta sa kanyang upuan

"Ikaw! Tumangkad kalang ganyan kana! Kahit anong liit ko ay walang makakapigil sa akin para pagtripan ka lang! I have Ezekiel beside me so I don't have any problems with that" ang payabang na sinabi ni Renz

"May kaklase pala tayong grade 6 boi baka naliligaw ka" Ang sabi ni Joshua habang papunta sa kanyang upuan

Nagtawanan naman bigla ang buong klase dahil sa sinabi ni Joshua

"Stop it! Di pa tayo tapos Arthur, nagsisimula palang tayo!"

"Papunta palang tayo sa exciting part" Sabi ni Arthur habang kinukutya niya si renz

(Sino ba talaga ang bully sa inyo? HAHAHAHA)

Sasapakin na sana ni Renz si Arthur ng biglang may pumasok sa kanilang silid

Dear Miss President Where stories live. Discover now