Kabanata 12

118 58 26
                                    

Chapter 12

Girlfriend


Muli ko siyang hinarap. Tungkol do'n ay hindi pa ako nakakapagdesisyon. Sa martes na pala 'yon.


"Susubukan ko..."


"Sige... i-text mo na lang ako para masabi ko kay Yasu." Tumango ako sa kaniya.


Bago ako tuluyang makasakay sa loob ay narinig ko pa ang kantyaw sa kaniya ni Kuya Esteban.


"Para-paraan ka rin, ano. Bakit hindi mo na lang kasi sa–"


"Tumigil ka nga." Pagpuputol sa kaniya ni Isagani.


Tuluyan kong sinaraduhan ang pintuan ng sasakyan. I didn't hear anything they said after that.


Maya-maya ay sumakay na rin si Kuya Esteban habang umiiling at may nakakalokong ngiti sa labi. Wala akong ideya sa kung ano ang pinag-usapan nila ni Isagani. Hindi ko na 'yon pinag-isipan pa, sigurado'y labas naman ako do'n.


Habang lumalabas ang aming sasakyan ay nakita ko sa side mirror ang kumakaway sa aming si  Isagani.


My furrowed brows stroked. Why is he acting differently is still a wonder to me. This is not how I know him!


Perhaps he is just acting in front of everyone who knows him well. Yeah, that's it!


However, I'm wrong with that! Bigla na lamang talaga siyang bumait.


"Susunduin mo kami, Isagani? Wow, tipid pamasahe!"


Ngayon ay nagpresenta siyang sunduin kami bukas para sa birthday ni Yasu. Hindi naman na kailangan sapagkat sinabihan ko na si Kuya Esteban tungkol dito. He didn't have to do it anymore!


"Dorothea..." Mahina kong siniko ang kaniyang tagiliran.


Hindi niya ako pinansin bagkus nagpatuloy siyang kausapin si Isagani. Standing in front of us is the man who was wearing his engineering red polo shirt uniform and denim faded jeans which prolonged his legs even more.


"Anong oras ba 'yan? Sakto wala kaming last class."


"Kung anong oras niyo gustong pumunta," I gulped as he spoke with Dorothea but he was looking in my way. May dumi ba sa mukha ko?


Palihim kong sinilip ang mukha ko sa aking cellphone, ngunit maayos naman at walang dumi. Nang ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya ay nakatingin na siya kay Dorothea pero may mga ngiti na sa labi niya.


Tapos 'yan pa, dumadalas na rin ang pagngiti niya. Before, he was always serious and calm!


"Mga alas kwatro ng hapon. Okay lang ba 'yon, Zara?" Baling naman sa akin ni Dorothea. Tumango lamang ako sapagkat naguguluhan pa rin ako sa inaasta ni Isagani ngayon.

Fall Into His Waves (Morfia Series #2)Where stories live. Discover now