42

28 2 0
                                    

Cedrick's Pov.

After namin kumain ng lunch, alam kong kabang-kaba na si Kathleen.

"May problema ba?" tanong ni Tatay kasi kapansin-pansin talaga si Kathleen lalo na kanina bago kami kumain, ang tahimik niya

Nakita ko pa na nagbuntong hininga si Kathleen.

"May..may gusto kasi akong aminin sayo Tay." panimula ni Kathleen at hinintay lang siyang magsalita ni Tatay. "M-may nagawa akong malaking kasalanan sa inyo...ang-ang totoo po kasi--" nang makita kong nahihirapan si Kathleen magsalita ay hinawakan ko ng kamay niya kaya tumingin ito sa akin. "Ang totoo po kasi Tay, hindi ko po talaga amo si Cedrick." sabi ni Kathleen habang nakatingin sakin.

"May mas malalim kayong relasyon, ganun?" tanong ni Tatay at nagulat naman na lumingon sa kaniya si Kathleen.

"Alam nyo po?" tanong ni Kathleen.

"Kung hindi ko alam, magtataka na siguro ako kung bakit kayo magkatabing natulog kagabi. Nahuli ko din kayo madaling araw na ay kaing-kain pa sa kusina. Hindi ba nagsisisakit ang mga tiyan ninyo?"

"Tay--"

"Sandali, may kukunin lang ako." sabi ni Tatay at pumuntang kuwarto.

Hinintay naman namin si Tatay. Batid kong kinakabahan pa rin si Kathleen dahil sa higpit ng kapit niya sa kamay ko.

Nang bumalik si Tatay, may nilapag ito sa mesa na kapiraso ng tela nakatiklop at nang buksan niya ito, nakita ko dun ang wedding ring ni Kathleen.

"Napansin ko na yan, nung dumating ka dito. Kaso napansin kong di mo na suot. Hindi mo dapat tinatanggal yan sa daliri mo, Kathleen." sabi ni Tatay.

"T-Tay, alam nyo na? Bakit? Bakit hindi nyo ako kinausap tungkol dito?" tanong ni Kathleen.

"Ling?" tawag ko at lumingon ito sa akin.

"The truth is, kami ni Tatay yung may kailangan aminin sayo." sabi ko at nagkatinginan kami ni Tatay.

"Ano yun?"

"Nagsinungaling din kami sayo. Actually, it's my plan. Matagal ng alam ni Tatay yung tungkol sa kasal natin. Hindi pa man kita inaakit magpakasal, alam na ng tatay mo. Matagal na niyang alam na aakitin kita lalo na dahil nagpunta ka ng Manila."

"Ano? Wala akong maintindihan. Ano bang nangyayari?"

"Ling? Remember yung kinuwento mo sakin na batang lalaki kagabi? Ako yun. Ako yung lalaking nangako sayo na papakasalanan ka kapag nagkita ulit tayo."

"Ikaw yun? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Atsaka bakit hindi mo agad pinaalam sa akin na alam na din ni Tatay yung tungkol sa atin? Pinagmukha mo lang akong tanga ganun?"

"Huwag mong sisihin si Ceddy, Kathleen. Kung sakali na hindi si Ceddy yung batang pinatuloy natin sa bahay natin sa probinsya, at hindi siya ang pinakasalanan mo, talagang ku-questionin kita sa pagpapakasal mo sa hindi mo lubusang kilala. At least yang si Ceddy, kilala ko na. Nung magkahiwalay kayo nung mga bata pa kayo, alam ko na sa sarili ko na dadating ang araw na talagang tutuparin ni Ceddy yung pangako niya sayo. Tsaka matagal na akong may contact kay Ceddy. Tinawagan niya ako noon, at sinabi niya sakin na nagkita nga daw kayo. Nabanggit na din niya yung sinabi ng lola niya. Nung una parang gusto kong tumutol sa binabalak ni Ceddy na pakasalan ka, kaso mas matigas ang ulo nito kesa sayo. Itinakbo ka na agad sa malayo."

Nang tignan ko si Kathleen, masama na ang tingin nito sa akin. Pero ngumiti lang ako sa kaniya.

"Pero Tay, tumawag kayo sa akin, kung tutol kayo sana sinabi nyo. Susundin ko naman kayo."

"Alam ko. Pero ang saya-saya kasi ng boses mo habang kausap kita. Yung boses na inlababo, biglang sumagi sa isip ko yung saya mo nung mga bata pa kayo. Alam kong mapapasaya ka ni Ceddy, kaya sinuportahan na lang kita. Tsaka naghihintay lang din ako sa pag-amin mo. Sabi ni Ceddy, natatakot ka daw sa akin?"

"Tay? Sorry, gusto ko naman sabihin sayo kaagad kaso alam kong masasaktan kita. Ang hirap kasing magsabi, like 'Tay? magpapakasal ako'..syempre nasa isip ko na agad na, baka isipin mo na kaya nagpamaynila ako para mag-asawa. Alam kong magagalit kayo, Tay. Alam ko naman tay na mahal nyo ako, at alam kong susuportahan nyo ako sa lahat ng magiging desisyon ko lalo na nung naggraduate ako ng college, pero syempre alam kong strict kayo pagdating sa mga lalaking umaaligid sa akin. Paano pa kaya si Cedrick na akala ko ay hindi nyo pa kilala? Eh hindi nga marunong manligaw yan. Unang propose niya sakin, sablay pa."

"Okay naman yung second propose ko ah." sabi ko.

"Napilitan nga lang akong sagutin ka dahil narinig kong papuntang London si Nanay. Pero syempre, may crush na ako sayo nun kaya napa-oo na din talaga ako. May sense akong mabait ka at mukhang mapagkakatiwalaan. Kasi kung hindi, hindi ako papayag kahit hindi ko na talaga makita si Nanay. Nag-iisip pa rin naman ako ng tama nun, iisipin ko pa rin yung kaligtasan ko bago ang lahat. Tsaka Tay, alam po ni Joyce yung tungkol dito. Basta kapag di nyo na ako natagpuan, si Joyce ang magsasabi kung sino ang kasama ko."

"Ling, para namang sinasabi mo na may masama akong balak sayo." sabi ko.

"Hindi naman. Just in case lang. Tsaka nung nasa london naman tayo, madali ka naman pakisamahan, pinapaliwanag mo naman sakin noon kung bakit bigla-bigla kang hindi namamansin." sabi nito sa akin.

"Oh paano? Nasabi na ba natin lahat ng gusto nating sabihin?" naagaw naman ng atensyon namin ni Kathleen nang magsalita si Tatay.

"Ah, Ling?" tawag ko.

"Oh?"

"Gusto ko lang sabihin sayo, sa harap ng tatay mo na hinding-hindi kita papabayaan. Pangakong poprotektahan kita, aalagaan, pangakong magiging tapat akong asawa sayo, at mamahalin kita walang hanggan." sabi ko habang nakatingin sa mga mata ni Kathleen, nakita ko naman na may tumutulong luha sa pisngi niya. Agad naman niya itong pinunasan.

Niyakap niya ng mahigpit.

"Ako din. Mahal na mahal din kita." sabi ni Kathleen at humalik sa pisngi ko pagkatapos ay kumalas at tumayo upang lapitan niya yung tatay niya at niyakap.

"Tay, sorry. Alam mo naman na mahal na mahal din kita diba? Kung ano-ano lang talaga pumapasok sa isip ko at nagpakasal na agad ako."

"Okay lang sakin. Hindi ka na naman bata. Bente sais ka na. Malaki ka na, nasa tamang edad ka na din para mag-asawa at hindi na din ikaw yung kailangan ko pang alagaan. Sa edad kong ito, hangga't malakas pa, syempre naghahanap din ako ng pwede kong alagaan--"

Napangiti naman ako sa sinabi ni Tatay. Alam ko ang tinutukoy niya. Pero mukhang iba ang naisip ni Kathleen at kumalas ito sa Tatay niya.

"Tay may gusto ba kayong ipakilala sa akin? Sino siya? Sigurado ka bang mahal ka din niya? Taga saan siya? Kilala ko ba siya?" tanong ni Kathleen. Napakunot naman ang noo ng Tatay niya.

"Ano ba yang sinasabi mo? Wala akong ipapakilala sayo. Maupo ka nga." sabi ni Tatay.

Naupo naman si Kathleen.

"Eh ano yung sinasabi mo na naghahanap ka ng aalagaan?" tanong ni Kathleen.

"Apo, ling ang sinasabi ni Tatay. Gusto na nyang magkaapo."

"Ano?"





I'm Married A Stranger Onde as histórias ganham vida. Descobre agora