NANK?! [34]

2K 135 66
                                    

Asher's POV
Nagising ako dahil sa ingay ng pagilid ko. Minulat ko yung mata ko medyo blurry pa yung paningin ko.

Nasan ako? Anong nangyari?

Nung malinaw na yung paningin ko sinubukan kong bumangon pero sumakit yung ibang parte ng katawan ko kaya napahiga ulit ako.

"Uhhng" ungol ko dahil masakit nga yung katawan ko.

May lumapit naman na babae sakin. Nurse ata.

"Sir are you awake now?" tanong niya, na paface palm naman ako sa tanong niya.

Ay wala ate, baka multo yung kinakausap mo. Jusko day.

"Are you hurt?" tanong ulit niya, tumango naman ako.

"What happened?" tanong ko sa kanya, syempre english muhkang sa ibang bansa kami bumagsak eh.

"Don't you remember what happened?" tanong niya, napafacepalm ulit ako mentally dahil dun.

Kaya ko nga tinatanong kasi hindi ko naaalala eh.

Wala akong nagawa kung hindi umiling nalang.

"You are one of the passengers of Bogart Airlines Flight 269 to America. Unfortunately, the airplane you're riding had a turbulence which crashed in here" sabi niya kaya naman nataranta ako.

Shit si Astrid.

Nilibot ko agad yung mata ko sa mga pasyenteng nasa paligid ko. Pero hindi ko nakita si Astrid.

Kinapa ko yung bulsa ko at nakapa ko yung cellphone ko.

Agad ko naman dinial yung number ni Astrid pero cannot be reached.

Shit, Astrid nasaan ka?

Jin's POV
"Sa ngayon antayin niyo na lang ulit siya magkaron ng malay. At please lang inuulit ko kung ayaw niyong maulit ito muli kay Jungkook ay wag niyo siyang pipiliting makaalala. Okay?" sabi samin ng doctor ni Jungkook

Lahat naman kami tumango. Andito kami sa room ni Jungkook at sa awa ng Diyos ayos parin si Jungkook.

"Okay thank you. Babalik na lang ako mamaya" sabi ng doctor.

"Salamat din doc" tumango siya at umalis na.

"Si Yoeun?" tanong ni Jimin na nakaupo habang pinapalipat lipat niya yung mga channel ng tv.

"Lumabas lang saglit may bibilin daw" sabi ni Namjoon sa kanya, tumango na lang si Jimin.

"Tigil mo nga yan Jimin. Palipat lipat ka ng channel eh. Makuntento ka sa isa!" sabi ni Yoongi sa kanya

"Gago ka Yoongums ano pinalalabas mo? Na playboy ako? Na pati yung tv pinaglalaruan ko?" sabi ni Jimin

"Wala akong sinabi gago. Masyado ka lang affected. Lipat mo na nga lang sa balita yan" sabi naman ni Yoongi

Binato naman ni Jimin yung remote kay Yoongi. At buti na lang nasalo ni Yoongi.

"Oy mga tarantado wala kayo sa bahay at lalong lalo na wala kayong pang bayad sa mga gamit na yan kaya ingatan niyo" sabi ko sa kanila

Bigla naman may kumatok sa pintuan. Wala naman akong nagawa kung hindi tumayo dahil sino pa bang magbubukas nun kung hindi ako.

"Jin" sabi niya sakin nung pagkabukas ko ng pinto.

"Pasok ka" sabi ko kay Yoeun, may dala siyang dalawang plastic bags.

"Seokjin! Tignan mo 'to!" sigaw ni Yoongi sa loob.

"Tara muna sa loob" sabi ko kay Yoeun pumasok kami sa loob.

"Ano?" tinuro naman niya yung tv

Tinignan ko naman kung ano yung nasa tv.

Bogart Airlines Flight 269 bumagsak! 5 ang patay, 32 sugatan.

Ngayon yung alis nila Astrid diba? Shit.

Tapos tingnan ko yung list ng mga pasahero.

Gaylord Atienza
Asher Santos
Gabriella Napatid
Pinky Depooki
Imelda Ngumuso
Antonio Deputa
Astrid Huang

Wow ang gaganda ng mga pangalan Gaylord tas Napatid. May kapangalan pa si Pinky tapos Depooki. Kaya pala Bogart Airlines.

Pero si Astrid at si Asher! Kamusta na kaya sila? Okay lang kaya sila?

"May sasabihin ako sa inyo" sabi samin ni Yoeun nanginginig din yung boses niya para bang paiyak na siya kaya naman napatahimik kami.

"Sorry" sabi niya sabay ng pagbagsak ng luha niya.

"Anong... ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.

"I-i'm sorry" sabi niya

"Yoeun ano bang ibig mong sabihin?!" sigaw ni Namjoon sa kanya

"Hyung wag mo naman sigawan si Yoeun!" sabi ni Jimin kay Namjoon

"Yoeun Woo. Sino ka ba talaga?"

"Hindi ako si Yoeun Woo"

Pinky's POV
"Asher?! Nakita ko yung balita! Ayos ka lang ba? Si Astrid? Nasan siya?" sabi ko kay Asher nagfefacetime kami wala kasi akong load pangcall mga bhe lahat ng pera ko pinangbibili ko ng ingredients ng cheesecake ko tapos nakikabit lang ako ng wifi sa kapitbahay hehe.

"Ugh.. Yun nga yung problema ko Pinky. Anlaki nitong Korea tapos nosebleed pa ko sa mga tao dito. Ganito sila ng ganito!" sabi ni Asher tapos minimick yung actions ng mga Koreanong nilapitan niya.

Bigla ko namang naalala na may kaibigan akong nakatira sa Korea.

"Si Alessa!" pasigaw ko namang sabi

"Anong Kalesa may ganun ba dito sa Korea?" tanong naman ni Asher. Ba't ang bobo nitong taong 'to.

"Gago Alessa! Anong Kalesa pinagsasabi mo" sabi ko sa kanya

"Sino yun?" tanong niya sakin

"Hindi ba nakwento ni Astrid sayo? Kapatid niya yun, half sister sa tatay. Diyan nakatira yung nanay ni Alessa at si Alessa" sabi ko naman kay Asher

"Ha? May kapatid si Astrid? Hindi ko alam!" sagot niya sakin

Pinagbawalan kasi siya ng tatay niyang sabihin sa iba na may kapatid siya sa labas. Malaking gulo kapag nakalat yun dahil isang kilalang gobernador ang tatay ni Astrid dito.

At hindi naman masyadong nakasama ni Astrid si Alessa. 7 years old si Astrid ng makilala niya si Alessa at 5 naman si Alessa nun. Pagkatapos nung pagkikita nila, hindi na nauliy yun dahil pumunta na si Alessa at yung nanay niya sa Korea.

"Basta basta. Pumunta ka sa Daegu. Last time I checked dun sila nakatira"

"Puta bakit pati si Dagul nadamay?" sabi ni Asher kaya naman napa facepalm ako

"Tanga mo magpapaload lang ako, isesend ko yung directions sayo leche ka" sabi ko kay Asher at iend na yung facetime.

Sana nga lang nasa Daegu padin sila.

Astrid. Sana ayos ka lang.

---x
a/n: HINDI BUMASA NITO MABABAOG!1!1!1 dEh joke lang. RANGERS~ UR BREAKING MY HARTEU ~~~ HAPPY 29K READS AND 1K VOTES!1!1!1 thank you so so much and mahar ko kayo mga rangers!1!1!1 comment niyo nga kung gusto niyo gawan ko ng ask.fm ang NANK Famileh!1!!1 okae? ehehe gusto kasi ni Jungkook op eh. yun lang. maraming salamat uli!!!

nililigawan ako ni kookie?! | j.jkWhere stories live. Discover now