Chapter 10

5 1 0
                                    


Nagmamadali akong pumasok sa Publishing house para lang maipasa ang ipinapapasa ni Alastair na bagong manuskrito. Sobrang bilis nitong magsulat, kasisimula niya lang noong katatapos ng double date kasama si Hanna at Zachary.

I was panting heavily when I made it to an editor I was acquainted with.

"Do you really need to run all the way here? Miss Jasryl? Kumusta ka na?! At nakalulugod namang makita ka ritong may dalang manuskrito," pagbati ng editor na tumanggap ng dala kong envelope.

Pagod akong napangiti. "Th-Thank you po. Ayos naman po ako. Nagmamadali lang po kasi ako, eh. Kailangan ko nang umalis."

"I'm glad to know it! Sabihin ko na lang kung pasado ito, ha?"

"Yes po."

Tingin ako nang tingin sa wristwatch ko, makauwi lang ako bago ang curfew na sinabi ni Alastair bago pa man ako makaalis. He's too tight, I needed to go back home in the said time he wanted. Otherwise, worst consequences might happen.

Bakit ganoon siya kabilis magsulat ng nobela? Nakakuha lang siya ng mga ideya kay Hanna at Zachary, nakatapos na agad siya ng isa. At tungkol kay Hanna, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nababasa ang nais niyang malaman ko.

Hindi ko pa nahahawakan ang cellphone ko. Mg-iisang buwan na pa simula noong binanggit ni Hanna 'yon. Kumusta na kaya siya? Sila Tita Rosalie, Tito Ernest? Kumusta na sila?

"M-Miss Jasryl!" I halted from walking after I exited the building. It was Detective Yance Serrano who called my name by the sideroad. Patakbo siyang lumapit.

"Good morning, Sir," I greeted and he greeted back.

"Kumusta ka? Are you here for another manuscript to submit?" tanong niya nang nakapamulsa. Tumango ako bilang sagot. "Y-Yes. Actually, kapapasa ko nga lang po."

"Nagmamadali ka ba? I saw you glancing at your watch like you're in a hurry earlier."

Umiwas ako ng tingin at dapat nga ay pauwi na ako ngayon kasi natatakot akong lumagpas sa curfew ko. "Ah, yes. M-May gusto ka bang sabihin, Sir?"

"Mayroon sana, Ma'am. How's writing?" he questioned, he's not planning to stall me here, right?

Besides, should I be really interacting with someone who's close to the police?

"Ayos naman, kinakaya ko pa rin!" masigla kong sagot. But Sir Yance's brows creased.

"Bakit, Sir? Something wrong?" I asked, bugged by his sudden look in the eyes.

"I just can't believe that you're this chill to ignore the suspicions of the people."

Suspicions? Pinagsuspetyahan ako ng mga tao?

"Ako? Bakit naman?"

Wala na akong kaalam-alam sa mga pinagsasabi ng tao sa akin dahil sa pagkukulong ko.

"Hindi ka talaga impormado tungkol sa pagsususpetya ng karamihan sa huling nobela mong sumikat? Matagal na simula noong naging isyu ang huli mong nobela," paliwanag ni Sir Yance at gusto tuloy ibahan ang usapan. "It's about a depressed Professor in a University. Sinasabi nilang binasa kasi niya 'yong gawa mo kaya siya naapektuhan."

Lumunok muna ako bago tumawa nang peke.

Nanginginig na naman ako. Sinong hindi kakabahan? Isang Detective ang nagtatanong sa akin. Kahit reader ko pa siya, maghihinala rin siya.

"Ah, hindi nga ako impormado. Siguro hahayaan ko na lang ang hinala nila sa akin, alam ko naman kung ano ang totoo," paliwanag ko kay Detective Yance.

Tama, alam ko ang totoo. Alam pala ni Alastair ang totoo sa likod ng mga nobelang 'yon.

The Pen Behind The Popular WriterWhere stories live. Discover now