Kabanata 01

641 19 0
                                    

"Dito ka pa pumasyal," pabiro na medyo nanghihinayang na sinabi ni Kim. Alam niyang dadating ako pero kanina lang nalaman kay Papa na maraming nilatag na pagpipilian sa akin. "Miss mo ba ako? Gusto mo ng quality time?"

Twenty-two na ako at ngayon lang humiling sa parents ko na hayaan akong magbakasiyon nang mag-isa. Hinatid nila ako kanina, bini-baby pa rin kasi ako.

Nag-iisa akong anak, fortunately and unfortunately.

"Gusto ko lang makita in flesh ang souvenir shop mo. Lapit sa beach at halos katapat lang, oh." Lumibot ako nang dahan-dahan. "Hindi ka na rin bumibisita sa 'min kaya pinuntahan na kita, rekta sa 'yo, ayaw mo?"

"Akala ko, hindi ka mahilig sa beach? Pero sa-"

Umiwas ako ng tingin at nagkunwaring tumitingin sa mga pastel keychain sa shelves na nasa harapan ko. "Hindi na siya parte ng buhay ko kaya 'wag mo nang ipaalala, ayaw ko nang pag-usapan." Inipit ko ang mga takas na buhok sa likod ng aking tenga, tensionado. "Magkabukod-"

"-na kayo ng buhay?" sinabayan niya ako, kabisado na. "Alam ko't wala akong pake."

Ilang beses ko nang sinabi kay Kim, makulit lang talaga siya. Malamang, sinisigurado kung move on na ako.

Isang taon na kaya 'yon! Siya kamo ang hindi makausad. Sa tuwing maiisip niya ang mga ginawa ng ex-girlfriend ko mas nagagalit pa siya kaysa sa akin.

"Lahat naman ng hinala mo noon, tama. Nakita mo na? Olats ka," ani Kim.

Wala akong nagawa kundi mariin na kumagat sa sariling labi dahil hindi siya makontra.

"Nauna ka pa niyang iwan. Sinabi ko na sa 'yo noon na ikaw na ang mang-iwan kasi halatang-halata nang ayaw na mapilit ka lang talaga."

Mariin akong pumikit. Mali nga yatang dito ako nagpunta. Baka buong bakasiyon sermunan lang ako ni Kim.

"Tama na nga," pumigil na ako.

Kahit tapos na kasi... masakit pa rin kapag naaalala ko. Isa-isa na kasing binubuklat ng panahon lahat ng katotohanan, habang wala akong ginawa kundi sisihin ang sarili ko noong sariwa pa ang mga nangyari.

"Suwerte nilang nanahimik ka!" Nagsimula nang lumakas ang boses niya. "Kung ibang ex 'yon, baka ngumawa na sa social media."

"Bagay naman sila at mas magkakaintindihan sa buhay-"

"Anghel!" tutol ni Kim.

Natawa ako. Ang bitter kasi.

"Mukhang mabait at maalaga 'yong babae. Ang mahalaga nakikita ko na ang potensiyal ng mundo. Hindi gaya noon na siya ang mundo ko, 'di ba?" kumbinsi ko.

Isa 'yon sa gusto kong ipagpasalamat kung sakaling magkikita kaming muli. Walang halong pait at totoong salamat.

"Sabagay!" Tipid na ngumiti sa akin si Kim. Grabe ang shifting ng emotions. "At least, ikaw na ulit 'yong dating ikaw." Tumaas ang magkakrus niyang mga balikat dahil naiilang, hindi kasi gustong nagda-drama. "Exit muna ako, kausapin ko lang mga employee. Dito ka muna!" si Kim matapos sabihin iyon at dumiretso sa staff's room.

Bumuntong-hininga ako at nag-ikot sa shelves hanggang sa mapunta malapit sa pintuan. Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil walang narinig na pumasok at hindi tumunog ang bell sa pintuan ng store... pero may babaeng sumulpot sa harapan ko.

Pinanood ko siya na halos dalawang metro ang layo mula sa akin.

Nilitratuhan niya ang maliliit na paso sa isang hilera ng shelf na isang inch ang layo mula sa kaniya kaya nagkaroon ako ng tsansa na tingnan ang kabuuan niya.

Mayroon siyang maiksing buhok, morena. May suot siyang nylon jacket na kulay mustard yellow, itim na cargo shorts, tsinelas, manipis na relo, at hair tie sa kabilang pulso. Lahat kulay itim, maliban sa jacket.

TakasWhere stories live. Discover now