1st cut

9 2 0
                                    

crescere
"to grow; to cultivate"

~*~

Darating din ang iyong panahon aking mumunting binhi. Sa ngayon, ikaw muna ay magpatuloy -- mangarap, mag-asam, magsipag, magpursigi. Hindi aayon sa iyong paglaki ang lahat ng panahon. Mayroong mga pagkakataon na ang tubig ay magiging labis; may mga araw na ang init ay hindi mo lubosang matitiis; at ang hangin, kung 'di ka mapapatumba'y papahinain ang iyong tindig. Oo, maaari kang matatakot, manghina, minsan ay malalanta. Ngunit hindi ibig sabihing hindi ka maaaring sumubok ulit dahil darating din ang iyong panahon aking mumunting binhi. Sa ngayon, ikaw muna ay magpatuloy...

---x  (10-02-22)

mga paalala sa mga sugat na 'di pa naghihilomWhere stories live. Discover now