Chapter Three

1.4K 133 2.5K
                                    

Kumurap si Noryn. Nakatunghay si Renz sa kanya habang hindi niya mapigil ang sarili na tumitig dito pabalik. Pigil pigil niya ang hininga habang tahimik na pinapakiramdaman kung may kakaibang nararamdaman si Renz dahil sa pagkakadikit nila. Pero bukod sa malakas na tibok ng puso nito, Renz looked calm and unaffected. Hindi kagaya sa kanya, nagbabanta pa yatang kumawala ang puso mula sa dibdib niya.

Hindi niya alam kung bakit sa dinami-dami ng pwedeng hawakan doon pa sa puwit ni Renz awtomatikong kumapit ang kamay niyang makasalanan.

Renz's buttocks were nice and firm na natutukso siyang pisilin iyon. Tatlong lalaki pa lang ang kilala niyang biniyayaan ng magandang puwitan at pangangatawan, si Renz, si Travis at si Hans. These men were all magnetic home fatale. Nakakatunaw ng dibdib matitigan ka lang.

Bagaman sa tatlo, mas malakas ang dating para sa kanya ni Renz. There was seduction in everything that he does. Ang pag iigting ng mga panga nito kapag naiirita, ang pagkibot ng mga labi tuwing naaaliw, lalo na kapag sa kanya ito mismo nakangiti - parang lagi itong mag aalok ng mainit na halik.

But the latter was just perhaps a part of her illusion. Dahil alam niyang kahit sa panaginip, Renz would not dare kiss her because he didnt see her as a woman, but rather a sister na kailangang protektahan. Siguro dahil sa pinagdaanan niya kay Jerry dati, overprotective pagdating sa kanya ang lalaki.

Kumurap ulit si Noryn nang maisip si Valerie at ang eksena kanina sa tapat ng guestroom. That should have been her, the woman who got to kiss Renz. If she could, she would - anywhere, anytime, yon nga lang, hindi naman siya ang girlfriend kaya wala siyang karapatan.

Inalalayan siya ni Renz, siniguradong maayos siyang nakatayo bago pinakawalan ang kamay niyang hawak nito.

Lumunok naman si Noryn. Humawak sa pasamano ng hagdan para i-steady ang sarili sa pagkakatayo. Hayun na naman, kapag napapadikit siya sa lalaki, para siyang biglang malulumpo.

"Akala ko natutulog ka na..." Nasambit niya. 'Katabi ang girlfriend mong mukbangers sa kama...' gusto niyang idagdag pero pinigil niya ang sarili.

"I'll walk you to your room, papunta na rin ako sa library para magtrabaho."

"Kape?"

"I already had a cup," tugon nito na bahagya niyang ikinadismaya.

Hindi naman siguro malaking kasalanan kung mamahalin niya pa rin ito nang palihim at pagsisilbihan...  hanggang dumating lang siya sa puntong kaya niya nang sabihin sa sarili na hindi niya na ito mahal.

Although she feared for that time to come. Masarap sa pakiramdam ang magmahal. Masarap mahalin si Renz kahit palihim lang.

Sumunod siya kay Renz nang magpatiuna na ito sa pagtalima papunta sa kuwarto niya. Nasa dulong bahagi ng pangalawang palapag ang kanyang silid. Katabi niyon ay ang silid na kasalukuyang ukopado ni Valerie, habang ang tapat ay ang library na siyang ginagamit na opisina noon ni Don Julio at ngayon nga ay nina Renz at Travis.

Sa kabila ng hallway ay ang kuwarto nina Renz at Travis at ang master's bedroom at isang guest room.

Pinagmasdan niya ang likod ni Renz habang mabagal silang naglalakad. Nauuna ang binata ng ilang hakbang sa kanya habang nakasunod siya dito. Noryn realized she would recognize him even in the crowd of people. His scent, his height, his built, nakatatak sa kanyang isip.

Dahil okupado ni Renz ang kanyang isip, hindi napansin ni Noryn na nakarating na sila sa tapat ng kanyang silid. Kung hindi pa tumalima si Renz paharap sa kanya matapos huminto sa harap ng pinto ng kuwarto niya hindi pa matatauhan si Noryn.

Renz shoved his hands in his pockets.  Seryoso ang ekspresyon ng mukha nito nang yukuin siya.

"Huwag mong isipin ang sinabi ni Valerie kanina," anito na nagpakunot nang bahagya sa noo niya. Huminga ito nang malalim. "She didn't mean to be mean. Gusto niya lang mag ingat ka dahil babae ka katulad niya at sa panahon ngayon, maraming lalaki ang mapagsamantala." dagdag nito.

Renz De Marco (preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon