26

697 34 0
                                    



My Jealous Little Bossings

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 26

[Sunshines Pov]

"Kumain kana hindi kapa daw kumakain". .kanina pa niya ako inaalok ng pagkain pero wala talaga akong ganang kumain lalo na dahil nakikita ko ang pagmumukha niya.
Hanggang ngayon sariwa pa rin ang sugat na idinulot niya sa puso ko.ang sakit e.kapag ipikit ko ang mga mata ko ay ang pag aalala niyang mukha ang nakikita ko.pag aalala pero hindi sa akin kundi para sa ibang tao.
"Sige naman love kumain kana please!para naman magkaroon ka ng lakas". kinuha niya ang kutsara tapos umaaktong isubo sa akin ang kanin na may sabaw ng native tinolang manok.
Ganon kasi ang paniniwala nila na kapag bagong panganak ay mainit na sabaw agad ng manok ang hihigupin para magkaroon daw ng maraming gatas.taga bicol kasi ang mama niya kaya yon ang paniniwala nila.
"S-sorry.". mahina niyang sabi ng hindi ako gumagalaw at ibinalik ang kutsara sa bowl at ipinatong uli sa table..nakaupo at tulala lang ako.
"Love,alam ko---"
"TAMA na ian.at wag mo na akong tawaging love dahil hindi dapat.ang salitang love ay para sa taong MAHAL mo hindi para sa taong niloloko mo lang. ." mahina pero mariin kong sabi.ang kapal ng mukha para manatili pa dito.
"Utang na loob bumalik kana sa bianca mo.MAS kailangan ka niya..MAS importante sya at MAS mahal mo siya.lahat ng bagay ay MAS lamang sya kesa sa akin!" .galit na sabi ko sakanya.
"Kahit ilang beses mo man akong ipagtabuyan.kahit ilang beses mo man akong sigawan ay hinding hindi kita iiwan kasi mahal kita..". seryosong sabi niya.sa ngayon ay hindi ko na masasabing totoo nga ang mga sinasabi niya dahil noon paniwalang paniwala ako pero niloko niya lang ako.
"Nagawa mo na nga ian diba???INIWAN mo na ako.ngayon wag kang umarte sa harap ko na parang mahal na mahal mo talaga ako dahil kahit lumuhod kapa o lumuha kaman ng dugo sa harap ko ay hindi mo na ako mapapaniwala sa mga kasinungalingan mo". tama na ang minsang tiwala.sobra ko naman atang tanga kapag mapatawad ko pa siya.
"Hindi mo kasi naiintindihan e". .nahihirapang sabi niya..naupo na rin ito sa may couch at napahilamos sa mukha.makikita mo sa mukha ang pag hihirap sa sitwasyon.
bagay lang yon sakanya kung tutuusin ay kulang pa nga yan sa malaking kasalanang nagawa niya sa amin ng mga kapatid niya.
"Ano ang hindi ko maintindihan?ang paasahin at paniwalain mong mahal mo ako? habang nagpapakatanga ako ay nagpapakasaya kayo?ang buntisin sya????ang sabay kaming ikinakama mo???well kung yon ang ibig mong sabihin na hindi ko naintindihan TAMA KA!!!!HINDI KO NGA NAIINTINDIHAN IAN!!!!" .gusto kong umiyak para kahit papano ay mabawasan naman ang sakit na nararamdaman ko pero wala na.ubos na ang mga luha ko.
Hindi na sya nagsalita at tahimik na napatakip sa mukha.hindi ko na siya tiningnan. mas tinuon ko ang paningin ko sa bintana.
ayokong makita siyang umiiyak dahil baka sa isang sorry niya lang ay bibigay na agad ako.kahit papano gusto kong magtira ng para sa sarili ko.gusto kong mahalin ko naman ang sarili ko.
yan kasi ang nawala sa akin mula ng makilala ko ang lalaking to.hindi ko na binigyan ng kahalagahan ang sarili at dangal ko.mas pinili ko pang mahalin sya kahit nagmumukha na akong tanga.
"M-mahal mo pa ba ako?". mahina niyang sabi sapat lang para marinig ko siya..napapikit ako.mahal ko ba sya?hindi naman ganon kadali na kalimutan ang isang taong minahal mo ng sobra.
"Mahal mo pa ba ako s-sunshine???.". ulit niya habang mataman na nakatingin sa akin.
"Matapos ng ginawa mong panloloko tingin mo mahal pa kita?ang lakas ng loob mo para itanong sa akin ang bagay na yan..I'm sorry pero HINDI NA!". .pilit na pinapatatag ko ang sarili ko lalo na ang boses ko.ayoko nang ipakitang mahina ako.ayokong isipin niyang mahal ko parin siya.
"Mahal mo pa ako!". sigurado at kampanteng sabi niya.napataas naman ang kilay ko.
"Mahal mo pa ako at kahit ano pa ang sabihin mo ay mahal mo pa ako at kahit kailan ay hindi mawawala ang pagmamahal mo sa akin". ayan na naman siya sa pagkahambog niya.
"Nagtanong kapa!!!!". naiinis na sagot ko..wala din naman palang kwenta e hindi din naman pala niya ako paniniwalaan.
"Mahal kita!" ..natawa ako sa sinabi niya.dati gustong gusto kong marinig yan mula sakanya pero minsan lang niyang sabihin.ngayong ayoko na ay nagiging madalas na niya itong sambitin...
"Mahal mo ko?kung mahal moko bakit hindi ko ramdam????bakit ipinapakita mo sa akin na wala akong halaga at puwang dyan sa buhay mo?yan ba ang tamang kahulugan ng salitang pagmamahal para sayo?ang maramdaman kong napaka worthless ko????" sumbat ko sakanya..bakit ganon ang mga lalaki?napaka galing umarte sa harap ng dalawang babae.ganon na nga siguro kapag sanay na maging two timer.nagiging natural nalang ang pagdadrama nila.sa sobrang normal ay hindi mo na mahahalatang niloloko kana nila.heto naman ako na si tanga ay naniniwala sakanya.
"Youre my everything but please love naman understand naman sa situation ni bianca she's pregnant.and-----".
"Oh YES!!!!She's pregnant.how can i forget if ang pinakamamahal kong boyfriend ang AMA ng dinadala niya?". natahimik siya at malungkot na tiningnan lang ako...mas pinili nalang niya na manahimik kesa makipagbangayan pa sa akin.mabuti naman dahil nauubusan na din ako ng lakas para makipag sagutan sakanya.
"Ma,kamusta na po ang mga bata???" tanong niya ng pumasok si tita.galing kasi ito sa nicu tapos si tito ryan ay umuwi muna para asikasuhin ang naiwang negosyo.nasa ibang bansa kasi ang lolo't lola ni ian kaya si tito ang nagmamanage ngayon.
"Yong si kyla ian..medyo humihina na daw ang puso sabi ni doc". malungkot na sabi ni tita.bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
"T-tita gusto ko pong makita ang triplets". naiiyak na sabi ko.hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa nakikita ang mga anak ko.
"Mamaya na hija sabi ng doctor pwede mo na daw siyang makita magpahinga ka muna ha.samahan kita after linisin ng nurse yang sugat mo". -tita.
"Ako na ang sasama sakanya ma!".. pagbobolontaryo ni ian.hindi ba pwedeng mawala nalang to sa harap ko?hanggat nandyan sya ay hindi ako gagaling.pakiramdam ko mas lalong nadadagdagan ang sakit sa katawan ko.lalo na ng puso ko.
"Wag na samahan mo nalang si bianca MAS kailangan ka niya". alam kong paulit ulit lang naman ang sinasabi ko pero tama naman.
"Stereotype..i insist! Sa ayaw at gusto mo ay sasamahan kita.baka mapano kapa!". wow naisip niya yon pero nong nasa harap si bianca ay halos wala siyang pakialam sa akin.
Alam kong nababasa niya ang nasa utak ko ng mapatingin sa akin kaya tumahimik nalang siya.
"Kamusta si bianca ian?" .pag iiba ni tita sa usapan.huli na ng ma realize niya na nandito ako sa harap nila.
"Okey lang po siya ma nakalabas na ang sabi niya ay wag na daw akong mag alala dahil magaling na daw po sya.. "makikita ko ang relieve sa pagmumukha niya.napaka swerte naman ni bianca.
"Good.sige hijo dito ka muna ha alis lang ako.bibili lang ako ng antibiotic ni kyla.". lumabas na si tita at naiwan na naman kaming dalawa.mabuti nalang dahil dumating na ang nurse na maglilinis ng sugat ko.
"Miss tulungan mo ako gusto kong lumipat sa wheelchair pupunta lang ako sa nicu gusto ko ng makita ang triplets". pakiusap ko sa nurse ng matapos ng palitan ang dressing ko.
"Sige po maam". -nurse.
"Ako na po miss kaya ko na syang buhatin". .pagpresenta ni ian.
"Di na kailangan ian kaya ko na". pero binuhat parin niya ako habang maingat na hinahawakan ng nurse ang ivf ko.tapos isinakay ako sa wheelchair.kinikilig pa tong nurse kay ian.sarap ipagsigawan na manloloko ang lalaking hinahangaan niya.
"Wait lang!". sabi niya ng tumunog ang cp niya tapos dinukot sa bulsa.
"O ano na naman ba ang kailangan nyo?". naiinis na sabi niya sa tumatawag.nakasalubong na nga ang kilay e.
"Whaaaat????shit saan sya?". nataranta niyang sabi.makikita mo sa mukha niya ang sobrang pag aalala at syempre sobra din akong nasasaktan sa nakikita ko.
"Sige papunta na ako dyan!". .tinapos na nya ang usapan ng kung sino man ang kausap sa kabilang linya.
"Miss pwede bang ikaw nalang ang sumama sakanya sa nicu please..emergency lang!". ..nagmamadali niyang pakiusap sa nurse.tumango tango lang ang nurse na nasa likuran ng wheel chair ko.
"Si bianca ba?sya na naman ba ian?". .tumigil sya sa pagbukas ng pinto at naguguluhang napatingin sa akin.
"SYA NA NAMAN BA???IIWAN MO NA NAMAN AKO DAHIL SAKANYA?" .galit na sigaw.nangako sya e.okey lang sa akin na hindi sya sasama pero nagpresenta sya.di ko naman sya pinilit o pinakiusapan pero nangako siya na sasamahan ako sa mga kapatid niya.
"ANSWER ME PLEASE!!!". -ako
"YES si bianca!!!I'm sorry sunshine!". nalulungkot na sabi niya at mabilis na lumabas papunta kay bianca niya. sorry!!!.i'm sorry... lagi namang sorry e....
Kasunod ng mahal kita ay ang salitang ..i'm sorry.... paboritong sabihin ng mga lalaking manloloko.

My Jealous Little BossingsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora