Chapter 10

1.3K 48 10
                                    

Honey

“...Just make sure you can handle it. Because if not, I'll kill you.”

Napaharap na naman si Honey sa kabilang side ng kanyang higaan. Ala una na ng madaling araw pero hindi pa rin siya makatulog. Paulit-ulit na nag-pi-play sa utak niya 'yong pagbabanta ni Ali.

Sino ba naman kasing hindi matatakot sa sinabi nito?! Manong sinabi na lang na sesesantihin siya kapag pumalpak sa trabaho! Bakit kailangan patayin agad! Wala man lang warning, gano'n? Tegi as soon as possible? Napahilamos siya ng kamay sa kanyang mukha saka sumubsob sa unan.

Bahala na si Batman. Magmumulto na lang siguro siya rito sa buong Makaslag kapag nagkataon. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at sa wakas ay nakatulog na.

“Magandang umaga sa 'yo, Honey!” bati ni Chairman Tomas nang madaanan niya itong nagwawalis sa tapat ng bahay. She smiled and greet everyone back.

“Good morning, everyone!”

Magiliw na ang mga tao sa kanya rito. Kaya kahit nahihirapan pa rin siyang mag-adjust sa lifestyle na nakasanayan niya, nagiging madali ito dahil sa mga taong tumutulong sa kanya.

“Osige po mauna na 'ko sa inyo! First day ko sa trabaho ngayon at baka ma-sesante agad ako.”

“Mabait 'yong si Ali, 'wag kang mag-alala,” natatawang wika ni Luisa na sunod-sunod na sinang-ayunan naman ng iba pa. Awkward na napatawa na lang si Honey. Mabait my ass!

Mainit na ang panahon ng Marso kaya kahit maaga pa ay tagaktak na ang pawis niya mula sa paglalakad. It's officially summer! Every year ay lagi niyang ni-lu-look forward ang summer dahil hilig ni Honey ang mag-beach at mag-flaunt ng kanyang sexy'ng katawan. She loves wearing swimsuit dahil alam niyang bagay na bagay sa kanya. Yun nga lang, mukhang malabo niya ng magawa ulit ito ngayon.

“Good...morning.”

“Oh anyare sa 'yo?” Pinagtawanan agad siya ni Leo pagkakita. Paano ba naman ay daig niya pa ang nag-jogging ng ilang oras sa itsura niya.

“Can't you see I'm sweating?” pagsusungit na tugon niya. Pinagpagan niya ang suot na white T-shirt. “But don't worry kahit mag-igib ka pa sa pawis ko, I'm sure mas mabango pa rin ako than you.”

“Ay wow. Confidence nga naman!”

Bumukas ang pinto ng bahay ni Ali at inabutan silang nagtatalo na naman ni Leo. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa dahil siguro ay first time niyang mag-Tshirt at maong na shorts.

“Do you regret now that you threatened me you'd kill me?”

“Binantaan ka ni Boss??”

Umikot ang mga mata ni Honey. “Yes, but no worries I didn't even get scared.”

“Ayos 'yung ginawa mo Boss!” Malapad ang ngisi ni Leo na lumapit kay Ali. “Pucha akala ko nadala ka na sa pagpapaawa ng babaeng 'to.”

“HOY!”

“Follow me.” Gagantihan niya pa sana si Leo pero mas nakakatakot ang aura ni Ali kaya sumunod na lang siya rito. Pumasok sila sa loob ng bahay at sinabi nito ang mga kailangan niyang gawin.

Habang nagpapaliwanag si Ali, hindi mapigilan ni Honey ang sarili na mamangha sa paraan ng pagsasalita nito. Hindi niya nga namalayan na nakatagilid na ang kanyang ulo at nakangangang tumatango-tango sa mga sinasabi nito. Kung nagkataon siguro na member si Ali ng isang pyramiding scheme ay baka siya na ang kauna-unahang na-scam nito.

“Are you listening?”

“Yes! Noted ang lahat! I'll just have to clean your whole house except your room. It's off limits. Then I'll help you na rin sa pag-tuturo sa mga bata, right? Yun lang? Anything else?”

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Where stories live. Discover now