13

157 11 0
                                    

My Pervert Ghost Girlfriend

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 13

Pagdating sa bahay ay naligo agad
ako.Malaki talaga ang pasasalamat ko dahil
walang Khira na pasaway ngayon.Paglabas
ko ng kwarto ay galit lang na nakatingin siya
sa akin.
Sina sister at ang dalawang bata ay
nakaluhod at nagdadasal habang hawak-
hawak ang rosarito.Bakit ba hindi sumama
ang babaeng 'to sa kanila?paano
makakaakyat to sa langit e ang tamad
magdasal.
"Magsuot ka nga ng damit.Hindi ka na
nahiya may mga bata nakahubad
ka!" . nakasimangot na sabi nito.Topless kasi
ako.Sanay nga akong maghubad dahil sanay
naman akong mag- isa sa buhay bago sila
dumating.
"Waaaahhh.magbihis kana.Sister, wag kang
tumingin.Masama ang mamboso.Hoy,lalaki
magbihis ka!sister bawal ang ganyan
tumalikod ka."hinarang niya ang katawan
niya sa akin para hindi ako makita ni sister.
"Sus, ikaw nga d'yan naninilip ka
e.Nahawakan mo pa nga at nakita".nakangiti
kong sabi.
"Madamot ako,i hate sharing".hahaha
nakakatawa 'tong si Khira.Kung buhay lang
'to, kanina ko pa hinalikan. Ang cute kasi
niyang magselos naka pout pa.Bakit ba
patay na ang babaeng to?pwede ba 'yon?
magpakamatay kaya ako para pareho na
kaming multo?
Damn!ano ba 'tong iniisip ko.Mukhang na
impluwensyahan na ata ako ng mga multong
'to ah.
"Magbibihis ka o hindi?".mataas na ang
boses niya.
"Hahaha khira naman,okey lang na naka
ganito ako.Sa ilang beses mo na akong
nabusuhan magreklamo kapa?"natatawa
kong sagot.
"Hala,nahawakan at nakita mo?ano ba ang
nangyayari sa mga kabataan ngayon,juice ko
po"sabi ni sister at nag sign of the cross pa
siya.
"Waaah ang sama mo!ang sama sama mo
Jam!"galit na sabi niya at pinaghahampas
ako.
"Khira ano ba!hey,awwww!tama na ang
lamig".hindi naman niya ako
mahawakan,malamig na hangin lang ang
dumadampi sa katawan ko tapos nakahubad
pa ako.
Tumakbo na ako sa banyo para magbihis ng
damit.
"Ke madre madre namboboso, sabing wag
humarap e".nakasunod pala 'to sa akin dito.
"Oh,ba't nandito ka?akala ko ba bawal ang
mamboso, e bakit nakasunod ka
dito?"nakataas ang kilay ko na tumingin sa
kanya.
"Baka gusto mo ang madre na 'yon ang
sumunod sayo dito?gurang na malantod
pa!".panlalait niya kay sister.
"Khira,sumusobra kana ha!wala kang galang
sa matatanda.Isa pa, madre yon.".parang
bata na pinapagalitan ko siya.
'Huhuhu bakit ba kinakampihan mo ang
madreng 'yon?huhuhu bakit ba mas gusto
mo sila kesa sa akin?huhuhu".todo iyak
niya,tapos naupo pa dito sa sink.Haist,
selosa na,napaka sensitive pa.
"Khira tama na nga iyan.Umayos ka
nga.Hindi ko naman siya kinakampihan e,ang
akin lang, yong pagiging selosa mo, ilagay
mo naman sa tamang lugar at sitwasyon
okey?".ano ba ang gagawin ko sa babaeng
to? bakit sobrang hirap kausapin.Lahat
nalang pinagseselosan.Juice ko naman,pati si
sister na matanda na.
"Hmmmp!"padabog na lumabas siya.Hay,
nahihirapan na ako.Ano ba kasi ang gagawin
ko para maglaho na ang mga ito sa buhay
ko?

- -----Fastforward.----

Gabi na.Nandito kami ngayon sa SM MOA,
dahil gusto ng mga batang pumunta dito.Isa
pa, ay pangarap daw nilang makapunta dito
sa sikat na MOA..
Gusto daw nilang makita ang bilog na
parang globe at magpa picture kaya
pinicturan ko nalang kahit na nagmumukha
akong tanga.Si khira, ay naka distansya lang
sa amin.
Tuwang-tuwa ang mga bata sa mga nakikita
lalo na don sa ice skating area.Mag aalas
otso na nang lumabas kami dito sa seaside.
"Wow!ang ganda,sobrang ganda." Sabi ng
batang babae habang hawak kamay pa sila
ng multong lalaki.
"Oo nga,WOW ang daming fireworks" .
tuwang- tuwa din na sabi ng batang lalaki
habang nakatingin sa taas.
Aniversary kasi ngayon ng MOA,Kaya
maraming fireworks.
Ewan ko, pero kahit ako ay nag- eenjoy din
na mapanood ang mga fireworks.
Hindi ko ma explain pero parang gusto kong
maiyak, lalo na ngayong nakikita ko ang saya
sa mukha ng mga bata.Parang ang saya ko
na malungkot?Ewan,kung buhay lang ang
mga ito ay kukupkupin ko pero hindi e.
"Oh hijo, saan na ang girlfriend mo?"
Tanong ni sister.Luminga- linga ako sa
paligid pero hindi ko nakikita si Khira.
"Ewan ko sister,and'yan lang yan
kanina.Hayaan mo, babalik din yon.".sabi ko
kay sister at tumingala sa langit at naupo
dito sa may bench na malapit sa PADI'S
katabi ni sister.Mas lalo pa kasing dumami
ang mga fireworks sa itaas.Nagkikislapan
ang iba't-ibang kulay at design.
"Hijo?alam mo bang lahat ng bagay ay may
rason?lahat ng pangyayari sa paligid natin
ay konektado sa buhay natin?".nakatingin
lang ako kay sister na nakatingala din sa
langit.
"Ano po ang ibig mong sabihin
sister?".nagtatakang tanong ko sakanya.
"May mga bagay at pangyayari na pilit
nating tinatakasan, pero mas makakagaan sa
loob na harapin at tanggapin natin
ito."nagtataka ko siyang tiningnan.Parang
iba kasi ang ibig niyang sabihin.Parang may
laman?
"Malalaman mo din yon Jam.Darating din
ang araw na maintindihan mo ako.Darating
din ang panahon na mauunawaan mo ang
mga sinasabi ko.Kapag handa mo nang
tanggapin ang katotohanan.Napaka
matapang mong bata.".
Pareho na kaming nakatingala sa langit.Ano
kaya ang ibig sabihin ni sister?ilang sandali
pa ay namayani na ang katahimikan sa amin.
"Naniniwala kaba sa soulmate?".maya-maya
ay tanong niya sa akin.Napatingin ako sa
kanya.nakangiti lang siya sa akin.
"Ano po ba ang ibig mong sabihin
sister?".hindi ko siya maintindihan.
"Si khira,naniniwala kabang siya ang
soulmate mo?naniniwala kaba na kusa kang
hinanap ng kaluluwa niya kahit hindi kapa
niya nakita at nakilala?"seryosong tanong ni
sister.
"Pero sister,iba ang sitwasyon namin.Buhay
na buhay ako at patay na siya".paliwanag ko
sakanya.
"Bakit hijo?sa pagmamahal ba kailangan
dapat pareho kayong buhay?paano kung
nung nabubuhay pa si khira at nagkaroon
kayo ng relasyon tapos namatay siya,
kakalimutan mo na ba siya?"makahulugan
niyang sabi.
"Kung minahal ko si khira noong nabubuhay
pa siya?No,hinding- hindi ko siya pwedeng
makalimutan."hindi ko pwedeng kalimutan
ang taong mahal ko.
"Good,so ibig sabihin,kahit tao ka at multo
siya ay pwede kayong magmahalan dahil ang
totoong pagmamahal o true love,ay walang
pinipiling panahon, pagkakataon o
sitwasyon.Pwede kang magmahal kahit
kanino, dahil wala namang batas na kapag
patay na ang isang tao ay hindi na pwedeng
mahalin".tama si sister.Pwede kang
magmahal kahit wala siya sa tabi mo.Kahit
hindi mo siya kasama.Kahit wala na siya sa
mundong ginagalawan mo.
"Tama po kayo sister"aaminin ko, mahal ko
na nga siguro si Khira.Sa unang araw ko
palang siya na nakilala ay minahal ko na ang
manyak na multong yun.Kaya siguro galit
ako sakanya ay dahil multo siya.
Galit ako,kasi sa lahat ng oras na pwede ko
siyang makilala at makita ay ngayon pang
patay na siya.Kung saan,hindi ko na siya
pwedeng mayakap o mahawakan.
"E sa destiny?naniniwala kaba do'n?"tanong
ulit niya sa akin.Napakunot ang noo ko,bakit
ba parang napaka romantic ng madre na 'to
ngayon?
"True love,soulmate,tapos ngayon destiny
naman sister ah.Nainlove ka na
ba?".nakangiti kong tanong sakanya.
"Hahaha ikaw talagang bata ka.Oo
naman,ang buhay at puso ko ay nakalaan na
kay bro.Siya ang true love, destiny at
soulmate ko.Ito ang calling ko,ang taos
pusong magsilbi sakanya.".nakangiti niyang
sagot sa akin.
"Gano'n ba sister?bakit naman po napasok si
destiny dito?".tanong ko sakanya.Busy ang
dalawang bata sa pagsakay sa ferris
wheel.Nang tumigil kasi ito ay agad silang
umakyat sa bakanteng sasakyan.
Mabuti nalang pala dahil multo sila.Walang
gastos,libre lahat.
"Wala naman,may mga bagay lang kasi na
hindi natin ma control at maiwasan na
mangyayari sa future natin.Kahit
paghiwalayin pa kayo ng panahon at
pagkakataon,ay magkikita at magkikita parin
kayo.Dahil kung kayo, ay kayo talaga.Yun ay
ang destiny o tadhana natin".napangiti ako
kay sister.Tama siya,darating ang araw na
kung kami ni Khira, ay kami talaga.Well,hindi
man dito sa lupa,kundi sa kabilang
buhay.Putiks!Ang corny ko na.hahaha

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon