Kabanata 37

41 4 0
                                    

Hindi ako lumabas no'n at pinaabot ko na lamang ng umaga ang sama ng loob ko. Bumaba ako, narinig ko palang ang ingay sa baba naiirita na ako.

“Good morning, My...” I ignored her greeting. I'm still angry, She's not following our agreement.

Inutusan ko ang isang katulong na magdala ng pagkain sa Library dahil doon ako kakain. Napansin kong tumahimik ang paligid nang bumaba ako kanina.

“Abigail, Baby!!”

Eto na nga ba ang sinasabi ko, dagdag problema na naman dahil dumating siya.

Hinarap ko siya nang nakita niya akong nakasimangot ay humalakhak lang siya.

“Happy ka ata ngayon.” I said sarcastically. Binati niya muna ang nasa loob ng bahay ko saka ako inakbayan.

“You are not telling me that you have seen your husband...” Bulong niya Napabuntong hininga nalang ako.

PINAPASOK ko siya sa library para doon pag usapan.

“Si Zyn ang nakakita sa kan'ya kahapon.” Sumandal ako sa upuan ko.

“Baka peke na naman yan ha, doon nalang kasi kayo sa mundo ng immortal kesa dito! Dito muna ako, kung gusto mo!” May pumasok at hindi naman iyon pinansin dahil nagbabasa kami ng papeles ni Ina.

“Ako nalang muna ang aalis. Babantayan mo si Zyn dito, Ma.”

“Isama mo nalang ang pamilya mo papunta doon, malulungkot si baby Zyn kapag hindi siya kasama. Pangarap ng anak mong makita ang mundo niya.” I rolled my eyes.

Napatigil kami nang may marinig na hikbi mula sa kung saan.

“My...”

Agad na kinarga ni Ina si Zyn saka inaalu ito.

“My don't love me anymore, Lala!” Pagsumbong niya saka sumubsob sa dibdib ni Ina.

“Baby—” Sinubukan ko siyang kargahin ngunit inaayawan niya ang karga ko.

“No!”

“No pala ha, papalayasin ko 'yang tatay mong nasa baba.” Pagbabanta ko.

Agad siyang tumakbo sa'kin, ang dalawang maliit niyang kamay ay pinapalo ang tyan ko.

“Bad, My! Bad!”

Napatigil siya nang may pumasok. Doon siya tumakbo saka nagpakarga.

“Why my baby's crying, hmm?”

“Oppss... Aalis muna ako, Abi yung pinag usapan natin ha!” Saka umalis

“My is bad!” I looked at him badly. Kung nakakamatay ang tingin kanina pa nakahandusay si Christoffer.

“Abigail,” I rolled my eyes.

“Why are you here, Mr. Lavigne?” I asked coldly. Sumilay ang mumuting ngiti sa kanyang labi.

“I am here because my family and my wife are here.”

Pinaharap ni Zyn ang mukha ng kanyang Ama sa gawi niya na parang ayaw akong pakausap sa kanyang Ama.

“Don't talk to her, Dy. Mommy is bad na!”

“So nandito ka naman na, ako ang aalis.”

“What?!” Gulat nilang sigaw, umiyak na naman si Zyn.

When the Cruel Wolf Fell Inlove (QUEEN SERIES#1)Where stories live. Discover now