20 : Goodbye Irie

77 3 0
                                    

| Agatha Kim Kotoko|
( Point of View)

We are all here now in the living room , having a welcome home party for uncle Iri-chan.   Naka uwi na kasi sya galing hospital and the good news is he's feeling very well now .    Nag hintay kami dito hanggang sa matapos si papa sa pagluluto .   " Pasensya na kung natagalan " hinging paumanhin ni papa .

" Ano ka ba Ai-chan, nagpapasalamat nga ako kasi makakatikim na ako ulit ng mga luto mo " maligayang sabi ni uncle Iri-chan .   Habang nagkakasiyahan kami ay biglang nag doorbell.

" May bisita ata tayo ", naunang saad ni uncle Iri-chan.   " Huh? wala naman akong natatandaan na nag invite ako " sabi naman ni tita naomi.   " Ako ang nag invite sa kanila " sagot ni Irie tapos pinag buksan niya ng pinto . Niluwa naman yung babaeng papakasalan niya kasama ang lolo nito . 

" Irie invite us here , and I'm so glad that you're ok now " bati nong chairman Domingo.  Bigla namang lumapit ang apo niya at may binigay na regalo .    " Congratulations po dahil naka labas na kayo ng hospital heto po may regalo ako sana magustuhan ninyo" saad nong babae , I bet ito yung davikah.

Nang buksan naman ni uncle Iri-chan ang gift ay mga masasarap na pagkain ang laman . Grabe natatakam tuloy ako .  Nakikinig lang ako sa pinag uusapan nila , nasarapan kasi sila sa luto ni davikah .  Gusto ko na nga sana umalis pero para sa respect ay nanatili ako.
" Agatha , can we go outside and talked for a little bit " biglang sabi niya na ikinagulat ko , gusto ko sanang humindi pero nakakahiya nasa amin lahat ng attention nila .




***

" So ano ang pag uusapan natin ?" I asked politely , mahirap na magkamali . 
" Gusto ko lang humingi ng sorry sa pagigig rude ng lolo ko sayo " masaya naman ako sa narinig hindi namn talaga ipag kakaila na mabait itong si davikah. 

" Ano kaba wala yun " .... Sagot ko naman .
" Alam mo ba na nagseselos ako sayo , kasi two years mong nakasama si Naoki sa iisang bahay tsaka gusto karin ng mama ni Naoki" muntik ko namang maibuga ang juice na iniinom ko .
" Wala ka namang dahilan para ipagkaselos sakin isapa gusto karin naman ng mommy ni naoki trust me " pagpapagaan ko sa kalooban niya .  

" So anong nagustuhan mo kay Irie ? ako naman ang nagtanong.   " Na love at first sight ako sa kanya , I didn't know na sya pala yung baka bangga ko sa elevator , na shock nga ako nung muli ko syang nakita sa marriage meeting namin , eh , tsaka simula nong nakabanggamo sya hindi ko na malimutan ang mukha niya , pinag darasal ko nga na sana magkita kami ulit kaya ayon binigay naman nagkita kami ulit tapos nagtakda pa kaming ikasal " mahabang pag kwekwento niya . 

" Alam mo ba na hindi sana ako papayag na mag pa arrange marriage kasi sa tingin ko sobrang aga pa lalong lalo na nasa college palang ako , pero nong sinabi ng lolo ko na magkikita kami , tapos yung taong gusto ko pa ang papakasalan ko , hindi na ako tumangi " dagdag niya pa sa kwento niya ako naman itong nakikinig lang habang kumakain.

" Sa tingin mo mamahalin kaya ako ni Naoki? biglang tanong niya , napatingin naman ako sa kanya.   " Alam mo mahirap mahalin si Naoki pero hindi sya mahirap mag mahal kaya alam kong magugustuhan ka niya " ...

Naging masaya naman sya sa sinabi ko .
Matapos ang celebrasyon hanggang sa gumabi narin ay naisipan ng umalis ng mga bisita ako namam nag lilinis ng lahat ng mga pinagkainan namin .   Habang nag huhugas ako kay biglang lumapit si tita naomi at yumuko .

" I'm really really sorry agatha kasi lagi kong sinabi na ikaw ang babaeng magiging parte ng pamilya namin pero hindi pala sorry talaga dahil nasaktan kita " hingi niya ng paumanhin sakin. Nilapitan ko naman sya at hinawakan ang dalawa niyang mga kamay .

" Tita wala ka namang dapat ipag hingi ng sorry sakin eh , desisyon ni Irie yun, tsaka may sarili rin akong desisyon sana po tita kung sino man ang mapapalasalan namin ay matatanggap po ninyo " saad ko pero bigla syang umiyak at umalis. Siguro hanggang ngayon hindi niya parin matanggap sa sarili niya.  Hindi ko rin naman pipilitin ang sarili ko sa taong ayaw sakin eh .






***

Kakapasok ko lang s restaurant ay si papa agad ang nakita ko .  " Andito ka na pala mag bihis kana para masimulan muna ang trabaho mo " utos niya kaya sinunud ko naman , aalis na sana ako ng bigla niya ulit akong tinawag. 

" Dahil ikakasal na si Irie at buo na ang desisyon niya kailangan na nating bumukod , nakakahiya narin kasi ", panimula ni papa .
" Mabuti ngayang desisyon mo pa eh " mahinang sabi ko .  

" Anak alam ko yang nararamdaman mo , alam mong mahirap tanggapin pero wala kang magagawa , alam mo yang sakit na nararamdaman alam kong mag hihilom yan " naiyak naman ako sa mga sinabi ni papa , alam ko kasi na nararamdaman niya ang bawat sakit na nararamdaman ko rin . 

" Tahan na "  hinagod hagod naman ni papa ang likuran ko .  

Sana nga pa madali lang mawala tong sakit na nararamdaman ko eh pero ang tagal eh . Kahit sabihin kong kalimutan ko pero hindi rin.

Siguro walang shooting star , kung meron man at kung nagkakatotoo man yan siguro sa ibang tao lang , kasi sakin hindi naman nagkakatoo eh . 





***

Today is the day na magaganap ang engagement ceremony nila Irie at Davikah , hindi ako lumabas ng kwarto nasa bintana lang ako nakasilip sa kanila hanggang nakaalids na ang sasakyan niya .   " Sana maging masaya kayo ', mahinang sambit ko sa hangin. 

Ngayon araw rin ay lalabas kami ulit ni kin-chan ,  hindi sana ako papayag kaso naisip ko wala naman akong magagawa kung andito lang ako da bahay kaya pumayag narin ako .
Marami kaming napuntahan , mga lugar na bago samin , naging masaya naman ako kahit papaano .

Bigla naman akong tinawag ni kin-chan kaya napatingin ako sa kanya pag tingin ko ay nakalunod na sya at may hawak hawak na teddy bear. 

" Agatha will you marry me " nagulat naman ako sa taong niya , hindi ko kasi inakala to eh , akala ko lalabas lang kami magsasaya . 
" Pa-paano mo nalaman na favorite ko to ? tanong ko sa kanya  ... " Sabi ko naman sayo diba , alam ko ang mga iniisip mo " ...

Lumuhod naman sya ulit ...   " Agatha Kim Kotoko will you marry me ?

This time hindi ko na alam ang isasagot ko , no hindi ko nga maigalaw ang mga katawan ko sa sobrang gulat eh , kasi akala ko biro lang yun , seryuso pala sya .



                                   END

Mischievous Kiss : Love In Tokyo Where stories live. Discover now