kabanata-40

4K 234 203
                                    


JANE POV:

Tulalang pinag mamasdan ko si sofia dito sa sasakyan ko nasa labas sya at ako kaka park ko lang para sunduin sya dito sa park

Tenext ko kasi ito kahapon kung pwede kaming mag usap at sabi nya sunduin ko sya dito.
1 week na simula nung nag usap kami ni jea sa condo ko and hindi na naulit pa yun. Ayaw kong makipag kita ulit sakanya hanggat hindi ko pa natatapos ang problema ko kay sofia. Pero sunod sunod ang ginawa nitong pag text saakin hindi ko nga lang nirereplyan

At sa nakikita ko ngayon sobra sobra akong nahihirapan gusto ko ng tapusin yung saaming dalawa ngayon.
Ang ganda ganda ng ngiti nya habang nag tuturo sa mga bata na nandito sa lansangan. Napaka buti nyang tao
Napaka buti ng puso nya

Napatingin ito saakin at kumaway kaya ngumiti ako sakanya pabalik. maya maya kinausap nya ang kasamahan nya mukhang kinausap nya na ipamigay na ang mga burger sa mga bata dahil namimigay na ang isang lalake. Lumapit ito saakin

"Kanina ka pa ba? Sorry ah. Hindi ko napansin nag eenjoy kasi ako sa mga bata. Sandali lang naman na to and matatapos na rin."
Ngumiti ito saakin

"Okey lang. Tutulungan nalang kita" sabi ko tinanggal ko ang seatbelt ko saka bumaba sabay na kaming pumunta sa mga bata at namigay narin ako ng water

Muli kong nilingon si sofia na nasa upuan inaayos nito ang mga gamit nya. Tumingin ito saakin at nginitian ako

Muli akong nag iwas ng tingin para ipag patuloy ang pag abot ko ng water
Sa mga bata

Ngayon ko lang naramdaman ang bigat ng loob ko. Iniling ko ang ulo ko saka ako nag patuloy sa ginagawa ko

Napaunat ako ng mga braso after kong mamigay.
Muli kong nilingon si sofia naka upo ito sa upuan at parang wala sa sarili.
Maya maya huminga ito ng malalim bago tumayo at kinuha ang mga gamit nya

Mabilis akong lumapit dito para tulungan sana sya pero tumanggi ito at nag lakad, sumunod nalang ako sakanya pinag buksan ko nalang sya ng pinto

Habang nasa byahe parehas kaming walang imik. Ang bigat sa loob muli ko itong binalingan ng tingin. Naka pikit ang mga mata nya

Im sorry sofia. How i wish kaya kong turuan ang puso ko dahil ayaw naman talaga kitang saktan. Pero alam ko na mas magiging unfair lang ako sayo kung ipag papatuloy pa natin to.

Dinala ko sya sa restaurant nag pa reserved pa ako ng VIP room for us para mas maging comportable kaming dalawa sa pag uusap namin.

"This way po"
Dinala kami ng crew sa VIP pag pasok namin naka handa na ang food na pinahanda ko sakanila kanina habang nasa sasakyan pa kami

"Thank you" sabay naming sabi ni sofia

"Enjoy your food maam"
Sabi nya bago lumabas, pinag hila ko ng upuan si sofia.

Tahimik lang kami pareho habang. Tanging kalansing lang ng kubyertos ang nag sisilbing ingay naming dalawa. Walang nag tatangkang mag salita saaming dalawa para bumasag ng katahimikan hanggang sa natapos na kami wala man lang talagang nag salita

"Anong pag uusapan natin?" Tanong nya after nyang mag punas ng bibig
Gamit ang tissue

Pinag siklop ko ang dalawang kamay ko sa ilalim ng mesa ramdam na ramdam ko kasi ang panginginig nito
Napakabigat sa loob.
Uminom ako ng tubig bago nag simulang mag salita

"Ah, sofia. Dinala kita dito dahil gusto kitang makausap" panimula ko tumango ito habang nakapatong ang mga kamay sa mesa

"About what? Speak."

"Naalala mo ba yun kinuwento ko sayo dati? Yung first biggest heartbreak ko?" Tanong ko sakanya

"Yeah i remember that. her to be exact, she comeback right?"
Nagulat ako sa sinabi nito.
Pano nya nalaman? Kilala nya ba si jea? Ngumiti ito saakin ngiti na hindi umabot sa mga mata nya
"Im sorry kung alam ko. Nakita ko kasi sa phone mo yung picture nya before nung 1 year palang tayong mag kakilala florence. I know her at sya yung babae sa parking lot last week"
Sabi pa nya. Napalunok ako

"I know na nag usap na kayo last week" ngumiti ito saakin " bago ka pa umuwi nung gabi na yun e nauna na ako sayo pinuntahan kita that night sa condo mo only to see her na tulog na tulog sa sofa mo" hinawakan nito ang kamay ko sa ibabaw ng mesa
"You still love her florence and i know it. Alam mo na hindi kita ipipilit saakin. alam mo na ang gusto ko lang sayo ay ang maging masaya ka dahil sa sobrang dami mong pinag daanan noon. " tumulo na ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
Tumayo ako para yakapin ito, hinaplos nya ang likod ko
"Get her florence." Sabi nito kumalas ako sa pag kakayakap sakanya hinalikan ko ito sa noo matagal iyon pag layo ko sakanya nakita ko na naka pikit ito.

"Thank you sofia."
Umiiyak na sabi ko dito ngumiti ito saakin

"For you florence" pinunasan nito ang luha ko saka ako muling niyakap
"Hinintay lang kitang kausapin ako pero ready na ako para sa tagpong ito" sabi nya saakin
Hinigpitan ko ang pag kakayakap ko sakanya

"Thank you"

"Go, puntahan mo na sya kung nasaan man sya" sabi nito

"Paano ka? Ihahatid na muna kita." Sabi ko sakanya pagka kalas ko ng yakap sakanya

"Okey lang ako, nag pasundo na ako kay margo" tukoy nya sa friend nya yung friend nya na hindi ko makasundo.
Hinalikan ko ito ulit sa noo bago ko kinuha ang mga gamit ko sa upuan ko
Bago ako lumabas muli ko itong nilingon nakatalikod sya saakin hindi na sya lumingon pa kaya tuluyan na akong lumabas

"Hey." Napahinto ako pagka kita ko kay margo na papasok rin sa restaurant. Ang bilis naman nya.
Napahawak ako sa mukha ko ng malakas ako nitong sampalin sa mukha
"Para yan sa pag papaiyak sa kaibigan ko. Alam mo sana hindi mo nalang sya sinagot kung may nararamdaman ka parin sa ex mong wala ng ibang ginawa kundi saktan ka." Galet na galet na sabi nito
"Minahal mo ba talaga ang kaibigan ko ah florence? Or ginawa mo lang syang panakip butas sa ex mo?"
Nagagalit na tanong nya tumayo ako ng tuwid para harapin ito
"Wala syang ibang ginawa kundi intindihin at mahalin ko pero sa huli nasaktan mo parin sya"
Dugtong pa nya
"Bakit ba kasi ikaw pa ang minahal nya" isang sampal pa ang binigay nito sakin bago nya ako nilampasan
"Unggoy ka"
Tinignan ko ito ng hindi makapaniwala

"Unggoy ka rin, pwe"

"Che. Umalis ka dito sa harapan ko dahil baka sipain kita papunta sa ex mong unggoy din"

"Panget mo kaya hindi ka nya nagustuhan."
Dahil sa sinabi ko humarap ito saakin kaya ngumiti ako sakanya
"Akala mo ba hindi ko alam na may hidden feelings ka kay sofia?" Pambubuyo ko sakanya

"Fuck you" sabi nya nakataas pa ang middle finger nya

Inagat ko rin ang middle finger ko sa harapan nya

"Fuck you ka rin. panget"

Pag kasabi ko nun mabilis na akong tumakbo papuntang sasakyan ko

"Mas panget ka"

Rinig ko pang pahabol nito, hindi ko na sya pinansin sumakay nalang ako sa sasakyan ko at mabilis itong pinatakbo papuntang opisina ni jea
Pero pag dating ko dun si axel agad ang bumungad saakin.


•••

"SHE'S TOO FAR AWAY"Where stories live. Discover now