Ang Simula

3 0 0
                                    

Simula.

Blair Madelle Fabroa

Everybody loves my sister.

She’s sweet, soft and warm hearted. Pag kasama mo siya ay hindi mo maiiwasang mapangiti ng kusa at matuwa. Around her, it’s always spring. She always brings joy to people, kahit na siya ay sakitin.

Whereas I, her twin sister, is different from her. With me, it’s always fall. People repeatedly told me that being with me is depressing and sad. So, they all preferred and liked her.

“Blair, hindi ka ba sasama sa pagpunta sa police station?”

Inaayos ko ang mga gamit ng anak kong si Kahn sa loob ng aming kwarto habang ang aking nanay ay nasa labas at nakatayo sa harap ng nakabukas naming pinto.

“Ma, I can’t skip Kahn’s family day sa school. Magtatampo ‘yon sa akin.” I answered her question earlier.

Narinig kong bumuntonghininga si mama, “Mas importante ba talaga yang family day na yan kesa kay Barbara?” mababakas sa boses niya ang dismaya dahil sa sinagot ko kanina.

Tumigil ako sa pag-aayos ng mga gamit ni Kahn na dadalhin ko sa school niya at humarap kay mama. Nakasandal pala siya sa doorway at naka-cross arms pa.

“Both are important but don’t make me choose. Dahil mas pipiliin ko talaga ang anak ko.” I firmly said.

Nakita ko ang pagpasada ng gulat sa mukha niya. Malamang ay hindi niya inasahan na ganon ang magiging sagot ko sa kaniya.

She must have thought na yung mga banta na ginagamit niya sa akin noong bata ako ay gagana pa rin hanggang ngayon. Sa paningin niya, I’m still the same 14 year old Blair na handang magsakripisyo ng kahit ano para sa kapatid niya.

But too bad for her, I’m not that Blair anymore. Simula nung nagkaanak ako ay ipinangako ko sa sarili ko na wala nang mas hihigit pa sa anak ko. Kahit sino pa yan. Kahit yung mismong tatay niya.
“Fine. Suit yourself.” she said at ang narinig ko nalang ay ang yabag ng paa niya na pababa ng hagdan.

Nakahinga naman ako nang maluwag ng umalis na siya. Akala ko ay mas kukulitin pa nila akong sumama. Buti nalang at hindi na siya sumubok pa dahil magsasayang lang sila ng pagod at ng laway at kahit ano namang gawin o sabihin nila, mas pipiliin ko pa rin si Kahn.

Hindi na nga pupunta yung tatay niya, wala pa siyang nanay sa family day? How sad that would be.

I smiled bitterly as I remembered a certain memory.

Naranasan ko na rin yan, yung walang parents sa family day? I felt so lonely, so alone, and so sad but I couldn’t complain. Hindi pwede. I was never allowed to complain dahil tulad nga ng sinasabi nila noon, “You’re doing this for your sister.”

Natapos akong mag-ayos ng mga gamit ni Kahn. Nagdala lang ako ng kaaunting pamalit niya, towel at panyo, alcohol, wipes at sanitizer at nagdala ng food for him. Magpapawi kasi ang batang ‘yon buong maghapon kaya malamang ay kailangan may mga extra na dala.

Binibit ko na yung backpack na pinaglalagyan ng mga damit ni Kahn at sinukbit ito sa aking braso. Medyo mabigat pero kaya naman. Hindi naman mahina ang katawan ko. Inayos ko ng maigi ang pagkakasukbit nito sa aking braso bago lumabas ng kwarto.

Habang naglalakad sa mahabang hallway ng second floor namin ay nadaanan ko ang kwarto ni Barbara. Nakita ko ang mga kasambahay na naglilinis sa loob. Pinapalitan nila yung mga bed sheets at yung mga damit na nasa loob ng cabinet ni Barbara.

For years and years, palagi nilang pinapalitan ang mga damit ni Barbara. Para kasi sa mga magulang ko, gusto nila na bago at maayos ang mga damit na masusuot niya pag nahanap na ulit siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Pain I BearWhere stories live. Discover now