☰ Chapter V: Kokkuri-san

84 14 12
                                    

CHIYOKO'S POV

"Ano ba ang bumabagabag sa'yo, Chiyoko?" Biglang tanong sa akin ni Christian. "Hindi mo na dapat iyon malaman." Seryoso kong sabi at saka ako umalis sa lamesa namin na may nakaka-lokong ngiti na naka-ukit sa aking mga labi.


***


"Section 4, pumasok na kayo." Ang sabi sa amin ni Addyson at umupo siya sa teachers table habang abala siya sa isang notebook.

"Alam niyo naman ang gagawin natin ngayon, diba?" Naka-kunot ang kanyang noo at ibang-iba siya kumpara kanina. Mas naging strikto ang mukha nito ngayon. Tinignan ko ang paligid at halos lahat sa klase kay ay tumango. Ang iba sa kanila ay ang itim ng awra, at ang iba naman ay halata kong walang ideya sa mga mangyayari.

"Huwag mong ipahalata sa kanila na wala kang alam dito."

Nalala ko ang mga sinabi niya sa akin na hinding hindi ko makakalimutan sa mga oras na ito.

"Oo naman, Addyson! Sige— buksan niyo na ang mga bintana at ang pintuan—siguraduhin niyong walang makaka-alam nito—maliban siguro sa gag*ng principal na iyon. Ihanda niyo na ang papel, ballpen, at ang gagamitin natin na coin! Sige na, gawin niyo na ang trabaho niyo!" Pasigaw na utos ni Reiji na may isang ngisi na bumuo sa labi niya at naka-akbay kay Kuro. Nagsisimula akong mag-duda kung ano ang meron sa kanila, at kung bakit isang maamong pusa si Reiji kapag kasama niya si Kuro.

Naging kabado ako dahil doon.

REIJI'S POV


Isang maliit na tawa ang ibinigay ko sa katabi kong si Kuro, kasabay noon ay ang pag-akbay ko sa kanya. As usual, ay walang imik niya akong binigyan ng isang matulis na tingin at nagpatuloy sa kanyang ginagawang pag-hahanda sa gagawin naming ritual.

Nagtataka siguro kayo kung bakit isa akong maamong pusa sa harapan ni Kuro. Ang sagot doon ay... dahil bestfriend ko siya at siya lang ang nakakaintindi sa akin. Masyadong cliché, pero mahal ko yan! Leche kayo."Oh? Ang sweet niyo naman ata jan. Tss." Mapang-asar na sabi sa akin ni Justine at binatukan ako. "Gaga, bestfriend ko to!" Sigaw ko sa kanya at saka inalis ang pagkaka-akbay ko kay Kuro. Hinanap ko ang ekpresyong gulat, takot, o' kahit ano kay Justine, pero hindi siya natinag. Inirapan lang ako nito at saka umalis.

"Handa na ang lahat, Reiji." Mahin-hin ngunit cold na tugon sa akin ni Kuro at saka tinuro si Addyson at si Crevo. Isang tapik ang ibinigay ko kay Kuro at sinabing, "Hindi mauulit ang mga nangyari noon." Saka ako nag-lakad palayo sa kanya.

*** 

"Crevo, hindi ito papalya." Narinig kong sabi ni Addyson sa kanyang katabi at minasdan ang buong klase. Naka-sandal ako sa teachers table habang inip na inip na tinignan ang ginagawa nila.

Maliban sa mga bagong transferee ditto sa klase, siya ang naka-kuha ng buo kong atensyion. Tila ba ay may alam siya na hindi ko alam. Tch, ayaw kong may sikreto sila na hindi ko alam. Puta, naka-inis yun.

Ilang saglit lang ay sinimulan na ni Addyson at Crevo ang ritual. Katabi ko ang Campus Goddess na si Krystal. Lumingon siya sa akin at isang ngiti ang ibinahagi niya. Eww, nakaka-diri.

Sinimulan na naming ilagay ang sarili naming hintuturo sa coin. Ang iba ay nanood lamang, dahil hindi pa nila alam ang dapat na gawin. Besides, kahit na maging may mangyayaring mali, kasama pa rin sila dito. Dahil kasali sila sa Section Four. "Kkouri-san, Kkouri-san, if you are here, Please move this coin." Walang umimik.

Bigla-bigla lamang ay umihip ang malakas na hangin nangaling sa bintana. Nagulat ako ng gumalaw ang barya papunta sa kung saan mang banda ng papel. Wala akong pake kung gumalaw yung barya, sumali lang ako dito dahil trip ko lang.

"K-Kkoukori-san, what will happen to our faith? What will happen to section four in the future?" Panimulang tanong ni Addyson. Naramdaman ko ang panginginig sa boses niya. Nagulat ako. Bawal ang mag-tanong tungkol sa hinaharap!

Wala akong nagawa kundi ang hintayin na lamang ang sagot ng spirito. Ilang Segundo lamang ay gumalaw ito at nakarinig ako ng isang napaka-demonyong tawa na nagmula sa barya. Hindi koi to ininda at hinintay ang sagot nito.

"D-E-A-T-H." Ito ang mga letrang hinintuan ng barya. Isang salita na may limang titik, sapat para maintindihan namin ito. Biglang may pumiglas sa barya, si Kristina. Sumigaw siya habang umiiyak at hinawakan ang kanyang ulo gamit ang kanyang dalawang kamay na tila ba ay sinasabunutan niya ang kanyang sarili.

"Gaga! Hindi ka dapat pumiglas sa barya!" Pagalit na sigaw ko sa kanya at inalis nalang din ang hintuturo ko sa barya saka ako tumayo upang sampalin ng pagka-lakas lakas si Kristina. Hinawakan niya ang kanyang pisngi at iniinda niya ang sakit ng sampal ko.

"P-pasensiya na.. Rei-ji, Ayaw ko lang na ganun ang kinalabasan natin dito... pero wala akong magagawa.. mamamatay lang din naman tayo, diba?Katulad lang ng dati." Pina-alala niya sa akin ang mga ala-ala na dapat ang naka-baon na noon pa. Tinignan ko ang paligid at nakita kong napa-alis na ni Addyson ang Kkouri-san na yun. Hindi ko ito pinansin at hinanap siya.

Tama nga ako ng hinala. Lecheng buhay nga naman oh.


● ● ● ● ●

Author's Note:

Sorry na po kung hindi ako nag update. Ang tagal kong pinag-isipan ang mga scenes na dapat kong ilagay dito, AT hindi ko pa talaga kayang ilagay lahat ng cast dito. Probably sa mga susunod nalang na scene :D Sorry po kung late, pero sana nagustuhan niyo to :)

Ang Ugnayan kay KamatayanWhere stories live. Discover now