Chapter 9 (Part 2 of 2)

5.3K 104 0
                                    

Nasisiyahan si James na makita si Lex na magaan ang pakiramdam. Dinala siya nito sa gallery nito sa kaunaunahang pagkakataon, nakikita niya ngayon ang mga ipinagmamalaki ng pinsan nitong si Rex. Katulad ng kaninang rebulto ay para ring may mga buhay ang mga ito. She has a talent that could make an art seems real. Naninindig ang mga balahibo niya sa mga nakikita.

“Your art brings me goosebumps.” Sabi niya rito.

“I think that’s a compliment. Nasabi na rin ‘yan sakin ng mga nagpapatronize ng exhibit ko.” Paglalahad nito.

“Ako naman ngayon ang pagbigyan mo, Lex.”

“Pagbigyan saan?” nagtatakang naitanong nito.

“Swim with me.” Gusto niyang malaman kung kakayanin nito na sumuong sa dagat. “Don’t you think it’s time to get over of your past?”

Natahimik ito.

“Please, I’ll make you safe. Trust me. Walang magyayaring masama.”

“I don’t know.”

“Let me help you, Lex.” Pagpipilit niya sa kasama.

“Okay.”

“Thank you.”

Inalis niya ang botas at itiniklop ang pantalon hanggang baba ng tuhod. Inalis niya rin ang pangtaas na damit.

Nakita niyang tinatanggal din ni Lex ang sariling boots.

“Hindi mo ba tatangalin ang polo shirt mo?” tanong niya rito.

“Of course not. Do you expect me to be naked, James?”

“No!” mariin niyang pagtanggi. “Are you sure you’re comfy with that?”

“Yeah.”

Sabagay ay nakafitted leather pants naman ito kaya ayos lang.

Inilahad niya ang kamay niya para alalayan ito sapaghakbang sa dagat. Malamig ang mga kamay nito, halatang kinkabahan.

“Easy. Huwag kang kabahan. Just trust me.” Pagpapakalma niya rito.

Papalalim ng papalalim na ang tubig. Kalmado pa naman ang inaalalayan niyang babae.

“Close your eyes. If you feel that you can just open them.” Paalala niya rito.”Wait, do you know how to swim?”

“Yes. Para kay lolo napilitan akong magaral.”

“Good. Breathe!” sabi niya bago sila pumailalaim sa tubig.

Nasa tapat siya nito habang pinagmamasdan ang nakapikit na si Lex. Idinilat nito ang mga mata nakita niyang natigil ito sa pagkakampay ng paa at kamay. Hinintay niya ang susunod na magiging reaksyon nito. ikinaway niya ang mga kamay sa mukha nito. nakita niyang para na itong rebulto kagaya ng mga gawa nito.

Nagalala siya ng hindi ito kumikibo. Iniangat niya ito mula sa ilalim ng tubig.

“Lex! Lex!” niyogyog niya ito.

“James..” usal nito.

Nayakap niya ito ng makapagsalita ito. “You scared me!”

“I’m sorry.” Sabi nito ng pakawalan niya itong muli.

“What happened?”

“You actually lost conscious. Are you alright?”

“Oo.”

“Kaya mo pa?”

“Please..”

“Okay. Hindi na kita pipi---” natigil siya ng magsalita ito.

Marry Me MoneyOnde histórias criam vida. Descubra agora