CHAPTER 12

2.1M 42.5K 2.6K
                                    

CHAPTER 12

PAGKATAPOS lumapag ng eroplano ni Dark sa Singapore—sa pilot niya naalaman na pribadong eroplano ni Dark ang sinasakyan nila— dinala siya ng binata sa isang restaurant. May nakahanda nang sasakyan doon sa labas ng eroplano na maghahatid sa kanila sa restaurant na para bang planado ang lahat.

Halatang sikat ang restaurant na pinasukan nila dahil maraming tao ang kumakain. Pinapalibot niya ang tingin sa kabuonan ng restaurant ng may lumapit sa kanila na lalaki na mukhang isang staff.

"Hello, Mr. Wong," bati ni Dark sa lalaki at nakipagkamay dito saka bumaling sa kanya. "He is the maître 'de."

"Hello to you, too, Mr. Montero. It's nice to see you again here in our restaurant," Ani ng maître 'de at bumaling sa kanya. "What a very lovely lady." Puno ng paghanga ang mga mata nito na estrangehero sa kanya.

Dark lost his smile. "Keep looking at her like that and I will punch you to death." His voice was menacing.

"Possessive. Of course," Mr. Wong said with an amused expression. "This way, Mr. Montero." Iginiya sila papasok sa isang private room. "I will send the waiter right away."

"Thank you," aniya ng hindi manlang umimik si Dark. At nang makalabas ang maître 'de, nakataas ang kilay na tumingin siya kay Dark. "Really? Kakain lang pala tayo, sa Singapore pa talaga?"

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ng binata. "Sorry if I dragged you out here. I just want you to taste their delicious cuisine. At saka ayoko lang naman na iniisip mo palagi ang mga tao habang magkasama tayo. Here in Singapore, walang nakakakilala satin, so wala kang dapat ipag-alala."

Parag may humaplos sa puso niya. Talagang ginawa nito ito para sa kanya? Para hindi siya mag-alala sa iisipin ng mga tao? Sinabi niya sa sarili na pipilitin niyang hindi magkagusto sa binata, pero kakayanin ba niyang pigilan ang umuusbong na damdamin para rito? Dark was sweet, caring, and downright amazing. Could she resist him? Alam niyang ang mga katulad nito na gwapong lalaki ay hindi bagay sa isang kagaya niya na plus size. Pero kahit ganoon, hindi sa kanya pinaramdam ni Dark na ikinakahiya nito ang katawan niya. He was even boosting her confidence and was trying to build up her self-esteem.

She really was in big trouble if Dark continued to be like this.

Pinalibot niya ang paningin sa silid na kinaruronan nila. The floor was marble, and the walls are color deep red. It was pleasing in the eyes. The room has a terrace that overlooked the magnificent sight of Marina Bay.

Wow. It's breathtakingly beautiful.

Umupo siya sa mahabang sofa katabi ni Dark at humarap sa binata. "Alam mo, hindi ko alam kung anong itatawag ko sayo. Either sweet or weird."

The corner of Dark's lips tugged up. "Ahm, sweet?" He offered. "Or the sweetest?"

She chuckled. "The sweetest? Really? Weirdest, puwede?"

Sumimangot ito na parang bata. "Dinala na nga kita rito sa Singapore tapos weirdo pa ako? Come on. Where's the justice in that?"

Pinisil niya ang tungki ng ilong nito. "Justice ka riyan. Sapakin kaya kita."

Ihinarap nito sa kanya ang pisngi. "Go on. Sapakin mo ako para may dahilan na naman ako para halikan ka."

Inungusan niya ito para itago ang munting ngiti sa mga labi niya. "Ayoko nga. Natuto na ako. At saka, mana-nantsing ka lang naman, e. Ikaw pa, e manyak ka diba?"

"Ako? Manyak? Hindi kaya." He grinned, mischievously. "Gwapo ako kaya hindi ako papasa sa salitang manyak. I could pass up as naughty though."

She matched his grin. "Naughty Dark? Hmm... puwede."

POSSESSIVE 6: Dark MonteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon