2nd Chapter

15 1 0
                                    

Milk's POV

"Laude naman" hindi ko mawari kong anong nararamdaman ko ngayon, naiinis ako na maiiyak na. Alas sais palang pero sobrang sira na ng umaga ko. Kaka-simula ko pa ngalang naglalambing pero ngayon parang uusok yong ilong ko.

A while ago

Pagbukas ko ng aking mga mata agad bumungad sakin ang likod ni Laude. Naka indian sit, humihigop ng kape at inilagay sa bedside ang mug pagkatapos ng dalawang lunok. Mag iisang linggo ko ng napapansin ganito ang routine neto sa umaga ah. Kadalasan kasi nasa kusina siya nagluluto ng breakfast o di kayay tapos na magbihis at hinihintay nalang akong magising pero ngayon nakapantulog parin ang suot.

Aside kase sa mga freelance job na ginagawa namin ay may stable job talaga kami. Team leader ako sa isang call center while si Laude ay isang Broadway production manager. Yong ginagawa niyang freelance mainly connected talaga sa paints and arts dahil yon yong comfort work niya and at the same time passion niya.

Napangiti pa ako sa isiping yon, malayo-layo narin ang nausad namin. Malayo sa kadramahan noon. Maingat akong bumangon at dahang-dahan ako umusod palapit sa kanya tyaka niyakap ko siya mula sa likod. "Good morning love!" pagbati ko.

"Mm morning love"

'Ay bakit parang ang dry? Nagalit ba siya dahil hindi ko tinutupad yong later pag-uwi?'

Kiniss ko siya sa cheeks at hinigpitan ng konti yong yakap sa kanya, pinagnuknukan ko pa yong mukha ko sa leeg niya tyaka inamoy ulit yong apaka bangong buhok ni Laude kahit wala pang paligo ambango parin ng girlfriend ko. 'Amoy baby ko hehe'

'Teka antahimik parin kulang paba yong isang kiss?' Ki-kiss ko na sana siya sa lips kaso kiniss niya na ako sa cheek at sabing "Love cancel muna yong plan natin, yong travel to Greece, sorr—"

"Bakit?" pinutol ko siya ng tanong.

"Eh kasi I have a 2 day event invitation at nagkataon same sched love, bagong opening na art gallery sa Baguio kase yon, if you want to come again with me I'd love i—"

Present

'Love naman eh' natahimik siya.

"Nag promise ka sakin na by this time matutuloy na 'tong matagal na nating vacation plan" nanlumo ako, sobra. Sobrang tagal na namin tong pinagplanuhan pero di matuloy-tuloy at ngayon sasabihin niyang hindi na naman?

"Look love, I promise this would be the last project event I'll accept tapos itutuloy na natin yong tour to Greece, okayyy?" hinintay niya yong isasagot ko, tinging umaasa.  Tumigil naman ako sa pagkakayakap sa kanya at aastang aalis na ng higaan pero mabilis niyang hinawakan yong kaliwang kamay ko. Muntik pang mahulog yong laptop niya.

"Iinom lang ako ng tubig" sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya pero gusto ko lang talaga umalis, maiiyak yata ako sa pagtatampo.

"Are you mad at me?" At tinanong pa talaga ako kung galit ba ako, kaya—

"Laude naman!" madiin kong sabi. Nilingon ko siya hawak hawak niya parin yong isang kamay ko. "Pang ilang cancel mo na 'to? Tatlong beses? Hindi, hindi apat na talaga dahil lage mong pinipili yang biglaang invitations mo. Naiintindihan ko pa yon pero love,  lalagpas na yata yong isang taon, magiging drawing nalang tong pinagplanuhan natin". inis kong sabi, konti nalang at maiiyak na ako.

Ilang segundo kaming nagtitigan bago ako dahan-dahang hinila ni Laude palapit sa bisig niya at yinakap ng mahigpit. "I'm so sorry love" mahinahong aniya kaya tuluyan na akong napaluha. Lage nalang sorry naririnig ko pag gantong usapan namin pero yong pipilian niya yong event parin.

"Anong pipiliin mo ngayon? yang event o yong sa greece?"

Hindi siya nakasagot kaya nagtanong ako ulit. "Mamili ka, dro-drawing mo naman ba yong plano natin o doon ka sisipot sa event na yon?" 

"Love" tugon niya at sa tono palang ng boses niya alam ko na kung saan to hahantong.



_________________________________________




Dumating na yong araw na pinili ni Laude. Peach cable knit sweater, denim pants, at black ankle boots lang ang pormahan ko habang si Laude naka black blazer, white inner, black trouser sa bottom at loafer sa paa. Hindi rin mawawala yong magka match naming silver watch na magkaiba lang konti yong sizes at syempre yong 4th year anniversary gift namin sa isat-isang Tiffany & Co necklace, pinag iponan talaga naming dalawa 'to sa sobrang kamahalan. Double ring pendant sa akin at heart key pendant naman sa kanya na lage naming suot-suot.

Tahimik lang yong buong biyahe namin. Panay yong tanong niya kung ayos lang ba ako, isang tango at'okay lang' naman yong lage kong sagot. Alam kong bakas yong pag-aalala sa mukha niya pero wala talaga ako sa mood. Hindi narin niya pwedeng irevoke yong event dahil pumirma na pala 'to ng hindi na naman ako sinabihan baka daw magalit na naman ako. 'Alam naman palang magagalit talaga ako, eh ginalit ba naman talaga ako'. Labag sa loob ko ang sumama sa kanya papuntang Baguio ngayon pero kahit papaano sinusuportahan ko yong mga lakad at hilig niya sa pagpipinta. Nag earphone ako ng magdamag sa biyahe at nagtulog-tulogan ng maka isang oras na kami sa daan ngunit nauwi talaga sa mahimbing ang tulog ko.

Nagising nalang ako sa tunog ng pagsara ng driver's door. Umikot si Laude sa harap ng kotse at pinagbuksan ako. Kinusot ko pa yong mga mata ko, Masarap yong tulog ko pero gumising parin akong naiinis sa isang 'to.

"Good morning love" malumanay niyang bati. "Nandito na tayo" tumango lang ako, siya na 'yong nagtanggal ng seatbelt ko at inilayan pa akong bumaba kahit pwede namang ako lang mag-isa, abot ko naman kahit pa sabihin nating mas matangkad siya sakin. 5'2 ako at ang dambuhalang si Laude ay 5'7 na gustong-gusto kong kurutin sa gilid.  Napangiwi nalang akong sinusundan siya ng tingin dahil hindi niya binitawan yong kamay ko hanggang sa pagsara at paglakad palabas ng carpark.

'Ewan ko sayo, pandilatan ko kaya 'to! mabilis pa naman tong mapikon pag ginaganon'

'Hindi moko madadaan sa paholding hands ngayon babae!'

Sinuyo naman ako ni Laude isang araw pa, kahapon at kanina lang pero masakit lang talaga sa damdamin  ang pang ilang ulit na cancelled.

Nasa sa Greece na sana kami ngayon at naghaharutan, I mean nag e-enjoy sa bagong out of the country experience pero heto ako ngayon at hindi na maipinta yong mukha ko sa sobrang hinayang. Namalayan kong nasa harap na pala kami ng building. Sa labas palang ang ganda na ng architectural design. Hugis dome ito at may parte na makikita mo yong loob dahil sa transparent glass material kaya masasabi kong apat ang palapag ng building, panigurado ring sobrang ganda ng interior.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 03, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Paint Me Where stories live. Discover now