Chapter 6

5.6K 88 4
                                    


"Gael, can you please pass the rice?"

Simula nung araw na nag kasakit ako ay hindi na niya ako sinisigawan pa, kaya naging komportable ako sa kaniya at nakakausap ko na siya ng matino. Nauutosan ko pa nga minsan.

Binigay niya sa akin ang kanin, inubos ko yun na ipinag taka ni Gael.

Napansin ko naman ang pagtataka sa mukha niya kaya ngumiti nalang ako, "I have dalaw right now that's why I'm eating too much."

Nag salubong ang kilay niya, "Dalaw? Who?"

Awkward akong ngumiti, "Ahm, something that only girls can understand."

"Menstruation?" Casual na tanong niya habang sumusubo pa ng pagkain.

Nahihiya akong tumango, "Paano mo alam?"

"Common sense. Para namang di ako dumaan sa lesson na reproductive system noong nag aaral ako."

Napa-ahh nalang ako. Sabagay, tinuturo nga naman yun.

Inubos ni Gael ang pagkain niya at nag punas ng bibig, "Pang ilang araw mo na?"

"Isang araw palang. Kanina ko lang nalaman."

Tumango ito ng isang beses, "Do you need something? Like heat pad? Wala ata akong heat pad sa mansyon ko since ikaw palang naman ang babaeng inuwi ko dito."

Sumubo ako ng pagkain, "Ayos lang, bibili nalang ako."

Umiling si Gael at tumayo sa kaniyang upoan, "No, I'll buy. May malapit namang mall sa labas ng village."

Tumango nalang ako at nag patuloy sa pagkain. Lumapit sa akin si Gael na pinagtataka ko.

"What's your phone number? I need it incase hindi ko alam ang bibilhin ko."

Binigay ko sakaniya ang cellphone ko at nag titipa siya doon, inilapag ni Gael ang phone ko sa katabing upoan bago lumabas ng bahay para bumili.

Maya maya lang ay natapos na akong kumain, mag liligpit na sana ako nang agawin yun ng katulong sa bahay, kaya wala akong magawa kundi umakyat nalang sa kwarto namin.

Pagkapasok ko ay dumeretso ako sa cr. Binuksan ko yung drawer sa baba at nag hanap ng napkin, but sadly I can't find one.

Bumuntong hininga akong napatayo at kinuha ang phone ko.

To Gael
Ahm pwede pasama na din ng sanitary napkin?

Lumabas ako ng banyo, maya maya lang ay tumunog na ang phone, kaagad ko yung kinuha at binasa ang message ni Gael.

From Gael
What size? Brand?

To Gael
Size? There's no size, Gael. Tsaka kahit anong brand ang bilhin mo, basta with wings.

From Gael
Ok

Inilapag ko ang phone ko sa bed side table at umupo sa sofa. Ang hirap umupo sa kama, baka matagusan ko pa, puti pa naman yung sapin.

Ilang minuto pa akong nag antay hanggang sa bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Gael na may dalawang malalaking cellophane na dala.

"Ang dami naman niyan?" Gulat na tanong ko.

Nag kibit balikat si Gael, "Binili ko na lahat ng dapat bilhin." Umalis siya at pumasok ng banyo.

Salubong ang kilay kong chineck ang laman ng isang cellophane, isang heat pad, ice creams, chips at iba't ibang chocolate ang laman non. Ang isa naman ay iba't ibang brand ng napkin.

Lumabas si Gael mula sa banyo at lumapit ulit sa akin, yumuko siya at may kung anong hinanap sa cellophane na nag lalaman ng pagkain.

"Ang dami mo namang biniling napkin?"

"You said, buy whatever brand basta with wings. Kaya ayan, binili ko lahat ng brand na may wings." Inosenteng sagot ni Gael na ikinabuntong hininga ko.

Kinuha ni Gael ang isang cellophane, "Ibababa ko na 'to, wala kabang gustong kainin?" he's pertaining to the foods that he bought.

Umiling ako, "Bukas na, gabi na din eh."

Tumango ito at binuhat yun saka lumabas, binuhat ko naman ang cellophane na nag lalaman ng napkin at pinasok yun sa banyo.

Inilagay ko yun sa tamang lagayan pagkatapos ay kumuha ng isa para ipalit.

Nag linis muna ako ng katawan bago nag palit at pagkatapos ay lumabas ako ng banyo, nasa kama na si Gael at may kung anong tinitipa sa cellphone niya.

Hindi ko nalang siya pinansin pa at nag patuyo nalang ng buhok.

I was busy drying my hair when someone grabbed the towel. Napatingin ako sa likod ko at nagulat na tiningnan si Gael.

"You.. You don't have to.." mahinang sambit ko.

Hindi sumagot si Gael at tinutuyo lang ang buhok ko, tahimik kami pareho at ayun na naman ang kakaibang naramdaman ko sa aking tiyan.

Napalunok ako at napatingin sa salamin, nakatutok lang si Gael sa kaniyang ginagawa hanggang sa mag tama ang paningin namin sa salamin.

Una akong nag iwas ng tingin, napatayo ako at inagaw sakaniya yung towel.

"O-okay na 'to. Mag papahinga na ako." Binigyan ko siya ng isang ngiti bago tumalikod at humiga sa kama.

Nasa pinakagilid ako, lumalayo, kahit napakalaki ng kama doon talaga ako pumwesto sa pinakagilid.

Nilapitan ako ni Gael at binuhat, "Uyy! ibaba mo ako!" Gulat na sigaw ko sakaniya.

Binaba niya ako sa ginta ng higaan, "Mahuhulog ka, ang laki laki ng higaan sa pinakagilid kapa talaga humiga."

Napanguso ako, kinuha ko ang unan ko at nilagay sa gitna naming dalawa ang isa pagkatapos ay tumalikod at nag talukbong ng kumot.

"I'm not going to do something bad to you again, Alyssa."

Nag tataka akong napatingin sakaniya, "Again?" Takang tanong ko.

"Yes. I know something happened to us that night that's why hindi ka makalakad at nilagnat ka. Manang was awake and I asked her if she saw you fall down the stairs and she said no. Hindi ka nga daw lumabas ng kwarto buong gabi eh." Pagkukwento ni Gael habang humihiga sa kama.

Pinamulahan ako ng pisngi at ibinaon ang mukha sa unan ko.

"Did I forced you?"

Umiling ako.

"Did you said no and forced you?"

"I don't know, I tried to stop you but you keep on touching me..." But i like it. I just can't say it.

"So I did forced you. I'm sorry if I did that. I'm sorry if I forced myself to you that night."

Hindi nalang ako sumagot at mas lalong ibinaon ang mukha sa unan ko, dumistansya ako ng kunti 'kay Gael dahil nararamdaman ko ang paa niya sa paa ko.

Then I tried to fall asleep. Unfortunately. I didn't succeed.

Forced Marriage Where stories live. Discover now