Chapter five "Ang babae sa fitting room."

7 1 0
                                    

Chapter five

"Totoo nga ang balita don sa ladies department , ang mga nabibiktima bago bawian ng buhay ang sinasabi may nakikita silang babaeng naka-itim ."

"Black lady ? Pero may multo bang pumapatay para di naman kapani-paniwala?"

"Hoy, Di ba pinagbawal ang usapin na yan!" sita ng HR sa dalawang sales man nagkukwentuhan sa loob ng locker room.

"ay, Sorry po ma'am...." sabi ng dalawa .

- - -

"Pre, saan mo gustong kumain ? " Tanong ni Gian kay Yohan

"Kahit saan ?pero Miss ko na rin kasi lutong Pinoy ."

"Ganun ba ? Sige hanap tayo dito pero mag CR muna ako .

Paalam ni Gian sa kaibigan dahil kakatapos lang nila makipag meeting sa investor at tinignan nila ang pwesto na ibubuksan nilang boatique .

Ngunit parang may tumutulak kay Yohan umakyat sa taas , nag escalator siya at para bang may naririnig siya sa kanyang tenga na may tumatawag sa kanya ,
Nararamdaman niya ang malamig na hangin . Tila may sariling buhay ang mga paa niya na humahakbang patungo sa loob ng department store .

- - -

Nagsimula na magdasal ang pari at binasbasan ang loob ng fitting room kahit di naniniwala ang may-ari ni Mrs . Chua napagdesisyunan niya gawin ito dahil marami na ang namamatay sa loob ng fitting room .

Di akalain ni Yohan na siya'y papasok na sa loob ng fitting room ngunit may umawat sa kanya para di siya tuluyang pumasok .

"Mr. Romano Aquilles ? " tawag ni Mrs Chua .

"Pa? Anong ginagawa mo dito ? " Gulat ni Yohan sa Ama

Nang magulat siya kung saan siya naroroon at nang nahimasmasan na , siya'y nagtaka bakit nandon na siya sa labas ng fitting room

"Aaahhhh!!!!" Sigaw ng isang babae

Nagulat ang lahat dahilan para muli pumasok ang mga tao sa loob ng fitting room . Kita nila ang itim na usok na bumubuo ng isang imahe sa loob ng salamin . Nasaksihan nang mga tao , ang pari pati ang may-ari ng Mall na si Mrs. Chua na totoo nga ang kwento ng babae sa fitting room .

"Akin na ang anak ko..."

"Hindi ka totoo....at manahimik ka na!" - sigaw ni Romano

- - -

"Ate Dayanara , ibenta mo na ang pabrika ,luging-lugi ka na. "

"Pamana ito nang ating mga magulang di ko ibebenta ang pabrika at lupain na ito!"

Ang kanilang negosyo ay panahian ng mga damit na pinamana nang kanilang mga magulang ngunit napipinto na itong bumagsak .
Tumalikod ang babae sa kapatid ngunit pagtalikod nito pinalo niya ito sa ulo ng isang kahoy dahilan para tumumba ito .

"Walang hiya ka! Anong klase kang kapatid, Romano?!" Nagulat si Dayanara sa ginawa ng kapatid at pinagmasdan ang dugo sa sariling kamay .

"Patawad , kailangan kong gawin ito."

"Mapapatay mo ako ngunit babalik ako mula sa kabilang buhay upang gumanti at isinusumpa ko yan! "

Tinulak niya ito sa hagdan at dahilan para mamatay ang kanyang ate .
Sinunog niya ang pabrika upang di makita ng mga pulis ang kanyang ginawang krimen para ipalabas na isa lang itong aksidente at namatay lang ang kapatid sa sunog .

Dahilan para ang lupain ay ibenta kay Mrs . Chua para gawin Mall at sa ibang bansa ito nanirahan na kasama ang anak ni Dayanara.

-wakas-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 18, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Book #1 "Ang Babae sa fitting room."Where stories live. Discover now