8

921 28 4
                                    

Alam mo palang may pilay ka bakit kapa naka tihaya dyan? Sabi ko kay Bea na parang sarap na sarap sa sahig.

It hurts sabi ni Bea habang tinuturo ang braso saka likuran.

Agad ko siyang nilapitan saka umupo sa bandang ulo niya. Nagulat ako ng lumaki ang mata niya. Pucha naka skirt pala ako agad kung inunat ang paa ko para straight ang pag kakaupo ko.

Ba't mo sinirado? tanong ni Bea.

Sinirado ang ano? Takang tanong ko pero alam ko na talaga kung ano ang nasa isip niya.

Tinatago mo talaga sa akin ang pulang panty mo. Ilang beses ko na yan Nakita nagpapalit ka ba ng panty?

Nahampas ko siya sa braso at agad naman siyang sumigaw. Ikaw ang dami mong alam...Sabi ko habang kinukurot ang tagiliran niya.

Mapanakit ka talaga Jho alam mo namang may pilay ako.

Ah..may pilay ka pala.... ngiting sabi ko inalalayan ko siyang tumayo. Diyos ko napaka bigat naman ng mokong na to.

Nang makatayo na siya bigla ko nakita ang pasa sa braso niya kahit may mga tattoos si Bea kitang kita ko parin ang pasa niya.

Diyos ko Beatriz lakas ata ng bagsak mo bakit ang laki ng pasa mo sa braso?

Agad napanguso si Bea sa akin.

Ikaw naman kasi bakit ka nakipag date sa Nico na yun.

Oh bakit nagseselos ka? Tanong ko sa kanya.

Ako? Magseselos? Bakit katabi ka ba niya matulog gabi-gabi? Nakikita ka ba niya panu mag shave sa paa? Nakita na ba niya ang pula mong panty? Siya dapat magselos sa akin. Angas na sabi ni Bea.

Hinampas ko na naman siya sa braso. Pero di na siya sumigaw nakangiti nalang siya sa ginawa ko.

Ilang hampas pa baka di mo mapigil yan sige ka.

Ano na naman pinagsasabi mo Beatriz?

Minsan di ko na alam ano ang nangyayari sa amin ni Bea..para kaming mag syota na nag away minsan parang mag asawa.

Isang hampas pa at hahalikan na kita. Biglang sabi ni Bea na nakangiti. Nakatingin lang ako sa kanya habang naka taas ang isang kilay ko.
Malagkit din ang tingin niya sa akin.

Maya-maya lumapit siya sa akin saka hinawakan ako sa braso.

Sa susunod huwag mo kaming ewan ni Ellie dito.

Talagang hindi ko na kayo iiwan sa nangyari ba naman ngayon?

Pano mo alagaan si Ellie kung pati sarili mo di mo nga kaya alagaan?

Galit kana nyan? Tanong ni Bea na ngumingiti parin.

Hindi ako galit naiinis ako sayo. Buti nalang at hindi malala ang nangyari sayo pano kung si Ellie ang nahulog nako di ko na alam. Patay ka talaga sa akin Beatriz ka.

Hinawakan ni Bea ang dalawang pisngi ko.

Shhhh ...relax pagdating kay Ellie expert ako diyan dito lang sa pagbake ng cake medyo kailangan ko pa ng training.

Eh bakit kasi nag bake kapa ng cake? Kung gusto mo kumain ng cake pwede ka mag order.

Haist.. buntong hininga ni Bea...masama ba yun surprise ko sana sayo. Pero next time nalang kailangan ko mag aral ng baking.

Napangiti ako sa sinabi ni Bea ba't niya ako e surprise? Lagi naman kaming nag aaway. Naloko na siguro to.

Naputol nalang ang usapan namin ng marinig ko ang iyak ni Ellie na nasa carrier.

Agad ko siyang kinuha saka sinayaw-sayaw.

Pina iyak ka ba ni Bea baby? Aawayin natin ang kapreng yan bulong ko na narinig naman ni Bea.

Di pa kami nagkasundo kung ano itawag ni Ellie sa amin Jho at Bea lang ang sinasabi ko pero di ko alam mommy ba? Pano kay Bea? Daddy?

Paglingon ko si Bea nakatayo lang sa pinto ng kitchen nakatingin sa amin ni Ellie. Bigla kung naisip na gamutin ko pa pala ang pasa ni Bea.

Kaya dali2x akong umakyat sa taas kasama si Ellie. Para kumuha mg gamot.

Pagbalik ko nakatulog na si Bea sa sofa kaya nilagay ko nalang si Ellie sa carrier dahil natulog na din ito saka sinimulan linisin ang kalat ni Bea.

Walang nabuong cake si Bea lahat puro kalat. Nako panu ko ba to turuan ng leksyon.

PERFECT Where stories live. Discover now