Bakit Ako?

6 0 0
                                    

Bakit nga ba ako?
Bakit hindi nalang siya, ikaw, sila, kayo!
Alam ko, na hindi lang ako ang nakaranas at nakaramdam ng ganito
Pero Bro, ang unfair mo!
Bakit ako pa yong napili mong pahirapan ng ganito?
Sa dinami-dami ng tao sa mundo,
Bakit ako?
Ang gulo, ang gulo, sobrang gulo!
Tanong na gumugulo sa aking puso at isipan,
Tanong na hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan,
Tanong na kung saan naghahanap parin ng kasagutan,
Kasagutan na alam kong alam mo na malabong malaman
Seryoso ba to?
May galit ba sakin ang mundo?
O talagang sinusubukan lang ako ng tadhanang mapaglaro
Ang hirap, sobrang hirap ng ganito!
Kung bakit ako lagi ang apektado?
Sa bawat laro, hamon at pagsubok satin ng mundo
Sabi nila hayaan kong problema ang mamroblema sa problema at hindi ako
Nakakalito no?
Parang ako?
Ako na simpleng tao, hindi man perpekto
Hindi mayaman pero kuntento
Hindi naman ako robot, tao lang ako
Nasasaktan, napapagod, nagsasawa, naguguluhan, nahihirapan
Hindi katalinuhan kasi bobo rin ako minsan
Naghahangad ng simpleng buhay
Naghahangad ng tahimik na mundo
Naghahangad ng masayang pamilya at kumpleto
Naghahangad ng katotohanan, hindi kasinungalingan
Gustong makamit ang kalayaan at karapatan
Pero nasaan na?
Ayy! Hanggang imahinasyon ko lang pala!
Dahil sa mga nagyayari ngayon sa mundo,
Hindi ko na alam kung sino yong totoo,
Kung yong nasa malapit ba o nasa malayo?
Hindi ko na din alam, kung ano yong tama at mali sa mga ginagawa ko?
Mahirap nadin paniwalaan ang seryoso sa biro,
Makatwiran pa ba ang lahat ng ito?
May halaga paba lahat ng sasabihin ko?
Alam kong meron pero limitado
Dahil tingin sakin ng ibang tao matalino na kapag nagkascore ng mababa, huhusgahan agad ako!
Kapag nagkamali, idadown ako!
Kapag nakangiti, sasabihin ang swerte ko!
Kapag umiiyak, sasabihin ang drama ko!
San ba ako tutungo? San ako liliko?
May lugar paba ako sa sarili kong mundo?
Akala kasi ng ibang tao masaya pa ako, na okay lang ako?
Wait, okay pa ba ako?
Normal ba na makitang unti-unting lumalayo yong mga taong nakasanayan ko?
Normal ba na ginawa ko na yong best ko pero naiwan parin akong magisa?
Normal ba na ngumiti kahit masakit na?
Normal bang lumaban kahit hindi kona kaya?
Pero salamat parin Mama, Papa, Kapatid at Kuya,
Na nakasama ko kayo sa panandaliang saya
Tanggap ko na kung ano ang nangyari sa ating pamilya
Hindi ko lang matanggap, bakit niyo sakin sinisi ang lahat?
Kailangan ko na bang sumuko o magpahinga lang muna?
Magpahinga at hayaan muna sila...
Pero patuloy na hahanapin ang sagot sa katanungang Bakit ako pa?


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 19, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bakit Ako?Where stories live. Discover now