Chapter 4

1.4K 29 1
                                    

Gan's pov

Marami kaming napag kwentuhan ni mommy tungkol sa business bago nya maalala na malalate na ako sa flight kaya wala akong magawa kundi umalis na

Someone's son pov

Habang nandito sa airport ng pilipinas kakalapag lang ng eroplano

Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang isang familiar na babae nag lalakad ito habang palinga linga na parang may hinahanap

"Sxylera Gan Lough Chui" nakangisi kong bulong nang maalala ko ang kanyang mukha

Sinundan ko ito nang tingin at lalong napangisi ng makita kong papunta ito sa kapatid na si keishanyea

Hinayaan ko na silang umalis at nag hintay sa mga tauhan ni daddy na susundo sakin

Keishanyea ngumiti ka lang hanggat kaya mo dahil sisiguraduhin ko na papahirapan kita hanggang sa ikaw na mismo ang mag makaawa na patayin ka

Gan's pov

Pag baba ko sa eroplano ay kinuha ko na ang aking luggage habang nag lalakad ay ramdam ko ang isang tingin na nang gagaling sa isang lalaki

Sigurado akong nakangisi ito at may binabalak pasimple naman akong kumuha ng tracking device mini gps

Pasimple ko itong pinitik nang makalapit ako kay keisha ngunit nakatingin parin ito sinundan pa nito ang pag pasok namin sa kotse

"Anong ginagawa mo? Working agad? Mag pa hinga ka naman girl" tanong ni keisha sakin

Nag kakalikot ako sa aking laptop at bwela im not a shooter for nothing ha kita ko sa tracker na nasa airport parin sya kaya pinatay ko muna ito

Sigurado akong may binabalak sya hindi ko sigurado kung saakin nga yun

"Gutom ka ba?" Tanong nya ulit

"Nah im good bukas ng umaga mag kita tayo sa ***** para maampon muna ang dapat ampunin" walang gana kong sabi

"Hindi ka sa bahay tutulog?" Tanong nya

"No sa hotel na lang" nakapikit kong sagot

"Aww sayang hindi mo makikita yung anak ko you know what muka syang may lahi girl ang pogi" kwento nya

"Are you sure na mag aampon ka? I mean shan 17 ka pa lang kaya muna ba? Kung hindi tayo mayaman hindi mo yan maaampon" tanong ko

"Sure naman ako girl nakakaawa din kasi sya saka ayos na yun kasi malay mo pag tumanda ako wala akong maging asawa edi may mag aalaga parin sakin pag lola nako haha at saka kaya nga kita pinauwi dito kasi tumawag ako sa mga opisyal ang dswd at sa bahay ampunan na pinanggalingan nya lahat sila ay hindi pumayag na amponin ko si ethan kaya kailangan ko talaga ng tulong mo" mahabang paliwanag nito

"Alam mong delikado na basta basta mag pasok ng isang tao sa pamilya natin" paalala ko sa kanya

"Gan next year mag ta-trabaho na ako mag ta-take ako ng exam para maging abogado sagot ko na si ethan at pag isa sya sa naging dahilan ng mga gulo sa pamilya ako na ang bahalang mag desiplina sa kanya" sagot nya

"Shan hindi ganon kadali yan nag ampon ka tapos bigla kang mag ta-trabaho para san? Magiging busy ka pag nag abogado ka hindi mo matututukan ang anak mo" naiinis kong sabi

"Eh wala na akong choice hindi naman pwedeng pasarap buhay lang ako at tulad nito na kailangan ko ng kapangyarihan para mag ampon pano pa sa ibang bagay? Hindi sa lahat ng oras tatakbo ako sayo para humingi ng tulong" kalmado nitong sabi

"May ipapatayo kaming business dito you should atleast apply as a head manager" sabi ko

"Really here in philippines?" Gulat nyang tanong

"Yeah may business partner ako si cally soon ipapakilala kita sa kanya" sagot ko dito

"Ah yes marami akong ike-kwento sayo kaso mukang wala na tayong time ayun na yung hotel oh pag balik mo dito sa pilipinas bisita ka sa bahay ah para naman makilala mo ethan" mahaba nitong sabi na kinairap ko

"Oh sya mag kita tayo bukas ahh kumain ka ng food and wag puro trabaho bye" nag beso kami bago sya kumaway at pumasok sa kotse

Sinundan ko muna ang pag alis ng kotse nya bago pumasok sa loob ng hotel

Someone's son pov

Sa hindi malamang dahilan ay napatingin ako sa bungad ng hotel kung saan nakita kong pumasok ang isang babae na kilalang kilala ko sxylera

Tingnan mo nga naman mukang pinag tatagpo talaga kami ng tadhana. Napaayos ang aking upo ng makita ko syang nag lalakad papunta dito sa couch na inuupuan ko

Umupo sya sa tapat ng couch na inuupuan ko titig na titig ako sa kanya gumalaw galaw ang mapupula nitong labi ang maganda nitong mata ang perpekto nitong kilay ay bumaluktot sa pag kaka-kunot ng noo at ang ilong nitong matangos

Napaigtad ako ng bigla itong tumingin sakin na naka kunot ang noo kaya napaiwas ako ng tingin naramdaman kong sobrang init ng pisngi ko. Napalunok akong sinilip kung nakatingin pa sya

Naka hingang maluwag ng busy na ito sa pag kakalikot ng kanyang bag ngayon ko lang narealize na napaka amo at ganda pala ng kanyang mukha perpekto ang kanyang katawan pero sorry na lang dahil mamamatay din naman sya

Hindi ko namalayan na napatitig na ako dito at nabalik lamang ng may tumapik sa balikat ko

"Ah sir sorry po pero ready na po yung room nyo" paliwanag nito

Dali dali naman akong tumayo at kinuha ang napakalagi kong maleta at isang bag

Sandali ko pa syang sinulyapan at umaasang titingin sya sa pwesto ko ngunit bigo ako

Gan's pov

Inis akong tumingin sa likod ko ng mag lakad na sya paakyat sa room nya. Nakakunot ang noo kong sinundan sya na nag lalakad

"Who are you?" Bulong ko habang nakatingin sa likod nya

"Ma'am ito na po yung room nyo key nyo" abot sakin ng babae sa susi ng kwarto

Sali dali akong tumayo at mabilis na nag lakad papunta sa elevator para maabutan sya

Iba talaga ang pakiramdam ko sa kanya para syang may binabalak na masama

Pag pasok nito sa elevator ay mas binilisan ko ang pag lalakad mag sasarado na ito pero hinawakan nya para hindi tuluyang masaraduhan habang nakatingin sakin

MADAMSER

Mine (mommy series #2)Where stories live. Discover now