1 | Panibagong Buhay

77 6 0
                                    

"Yunxiao Li!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Yunxiao Li!"

Sinong tumatawag sa akin? tanong niya nang marinig ang boses na iyon. Wala siyang nakuhang sagot. Pinakiramdaman niya ang sarili. Ang gaan ng kanyang pakiramdam na pakiwari niya lumulutang siya sa alapaap. Hindi ba patay na ako? 'Eto na ba ang kalangitan?

Tila ba isang hudyat, unti-unting pumapasok ang mga pira-pirasong larawan sa kanyang isipan. Kung gaano karami ang mga piraso na ito, ganoon din kabilis na nabubuo ang mga ito. Ano ang mga ito? Kaninong alaala ang mga ito?

"Yunxiao Li!"

Muli na naman niyang narinig ang boses na iyon. Ramdam niya ang malamig na tono ng kung sinuman na iyon. Napamulat siya ng mata nang maramdaman niya ang isang bagay na papalapit sa kanya. Isang piraso ng yeso ang lumilipad papunta sa kanya. Bago pa man ito tumama sa kanyang mukha, kaswal na hinuli niya iyon gamit ang dalawang daliri.

Napamulagat siya nang bigla niyang napagtanto ang mga nangyayari. Base sa mga alaalang pumasok sa kanyang isipan, nasa ika-1033 na taon na siya sa kalendaryo ng Tianwu sa kasalukuyan. Labing limang taon na ang nakakaraan matapos siyang bawian ng buhay sa hindi inaasahang pangyayari sa bulubundukin ng Tiandang.

"Hindi ako makapaniwala na muli akong mabubuhay pagkaraan ng labing limang taon," napangiti siya at mahinang bumuntong-hininga.

Wala sa sarili na hinati niya ang hawak na yeso sa dalawa at napalingon sa bintana sa kanyang kanan. Doon niya napansin ang isang matayog na rebulto— ang kanyang rebulto; siya, si Feiyang Gu, na isa sa sampung Dakilang Pinakamakapangyarihan ng Pakikidigma!

"Yunxiao Li, ang lakas din ng loob mo, ano?"

Napabalik ang kanyang tingin sa harapan. Saka lang niya namalayan kung nasaan siya. Nasa isa siyang silid-aralan kung saan pa-hagdan ang disenyo ng hilera ng mga upuan. Dahil nasa pinakadulong hilera siya nakaupo, iyon ang pinakamataas na parte ng silid. Kaya naman, nakatingala sa kanya ang kanyang animnapung kamag-aral at guro na tila ba may hinintay.

"Sagutin mo ang tanong!"

Naguguluhan naman na napatingin si Yunxiao sa guro. Hindi pa rin siya lubusan na nakakabagay sa kanyang kasalukuyang sitwasyon. Pinipilit niyang hanapin sa memorya ng katawang ito ang mga nangyari ilang sandali lang ang nakalipas.

Samantala, naghihintay naman ang guro na si Yunshang Luo sa tugon ni Yunxiao. Hindi naman ito ang unang beses kung saan lumilipad ang utak ni Yunxiao sa klase. Mas magugulat siya kung hindi ito magugulumihanan. Ngunit sa kasamaang palad, hindi maganda ang kanyang gising; kailangan niya ng mapagbubuntunan ng kanyang pighati.

At si Yunxiao, kilala bilang isang talunan, ang pinakamagandang bagay para rito. Sa mahabang panahon, tila ba ugali na ng mga guro na hindi maganda ang timpla na ibunton ang anumang nararamdaman nila kay Yunxiao. Kapag may guro na sira ang araw, alam ng lahat na aabutan ng gulo si Yunxiao.

ANCIENT ONEWhere stories live. Discover now