CHAPTER 13

206 18 6
                                    

Araw ng lingo kaya walang pasok sa iskuwelahan naisip ni Hanamichi Sakuragi, na pumunta sa bahay ni Mito, para tanungin ito tungkol sa kung pano manliligaw kay Yogani.

"Kailan kaba nagpatulong sakin pagdating sa panliligaw? Alam mo naman na wala akong alam diyan." Sabi ni Mito.

"Hay nako." Buntong hiningang sabi ni Sakuragi.

"Kami pwede ka naming tulungan pagdating sa panliligaw.." Sabi nila Ohkuso, Noma, at Takamiya.

"Mabuti pang sa kanila ka nalang magpatulong sa bagay naman marami namang alam ang tatlong iyan." Sabi ni Mito.

"Mabuting wag na baka ano pang magyare kung silang tatlo ang tutulong sakin mas gusto kupang ako nalang ang gumawa ng parahan kesa sila pa." Sabi ni Sakuragi, at nainis sa kanya sina Noma, Takamiya, at Ohkuso.

"Ang yabang nito kala mo naman kung sino eh wala rin naman siyang alam pagdating sa panliligaw si Yoko, nga di ka sinagot siya pa kaya.." Sabi ng tatlo na kinagalit ni Sakuragi.

"Anong sinabi nyong tatlo?." Galit na sabi ni Sakuragi.

"Tumigil na nga kayong apat diyan para kayong bata kung mag-away." Awat ni Mito, at tumingil na nga sina Sakuragi.

"Alis nako." Pagpapahalam ni Sakuragi.

"Saan ka pupunta kakarating molang ah wag mong sabihing pupunta ka sa bahay ni Yogani, na hindi alam kung anong sasabihin." Sabi ng mga kaibigan ni Sakuragi.

"Hindi pupunta ako sa bahay ni Fujima, baka makakatulog siya sakin." Sabi ni Sakuragi at umalis para pumunta sa bahay ni Fujima.

Pagkarating ni Hanamichi Sakuragi, sa bahay ni Fujima, ay nakita niya sina Nicole, at Hanagata, na nag-uusap.

"Hoy babae di pa nga kayo kasal ni Fujima, niloloko mona." Sabi ni Sakuragi.

"Anong sinabi mo?." Nainis na sabi ni Nicole.

"Di moba ako narinig." Patanong na sabi ni Sakuragi, na mukhang naghahanap ng away.

"Kung pumunta kalang dito para awayin ako umalis kana." Sabi ni Nicole.

"Ang taray nito kala mo naman sa kanya ang bahay eh di naman kanya." Pabulong na sabi ni Sakuragi.

"May sinasabi kaba?." Patanong ni Nicole.

"Wala naman akong sinasabe." Sagot ni Sakuragi, at nagpakita na si Fujima, nagulat siya dahil nasa bahay nya si Sakuragi.

"Anong ginagawa mo rito Sakuragi?." Tanong ni Fujima.

"Pasensya kana Sakuragi, may iba kaseng gagawin si Fujima, ngayong araw hindi ka niya matutulungan." Sabi ni Hanagata, na para bang alam kung ano ang pinunta ni Sakuragi.

"Pano niya nalaman na magpapatulong ako kay Fujima?." Tanong ni Sakuragi, sa kanyang sarili.

"Kung kailangan mo ng tulong tutulungan kita pagdating diyan." Sabi naman ni Nicole, na para ding alam kung anong pinunta ni Sakuragi.

"Sa totoo lang kailangan ko talaga ng tulong mo kahit hindi kita gustong tulungan ako pero kung gusto mo kong tulungan payag nako na tulungan mo ko yun naman ang gusto mo." Sabi ni Sakuragi, na para bang walang ibang maisip na paraan.

"Ano bang tulong ang gusto mong ipagawa Sakuragi?." Tanong ni Fujima.

May naiisip si Sakuragi, para hindi malaman nila Hanagata, Fujima, at Nicole, ang pagkagusto niya kay Yogani, kahit na ganon alam na ng tatlo ang pagkagusto ni Sakuragi, kay Yogani.

"Gusto mobang tulungan ka namin na manligaw sa isang babaeng si..." Hindi tinuloy ni Nicole, ang pananalita.

"Manligaw? Sinong liligawan ko?." Tanong ni Sakuragi, na para bang hindi alam kung ano ang sagot sa kung sino nga ba ang liligawan nya.

"Siguro yung nagbigay sayo ng pagkain ng nagpapractice tayo noh." Nakangiting sabi ni Fujima.

"Hindi ba si Haruko, ang gusto mo? Ipagpapalit mona siya?." Tanong ni Nicole, natahimik na lamang si Sakuragi.

"Aalis nako." Pagpapahalam ni Nicole, at umalis na.

Alam ni Sakuragi, na matutulungan siya ni Fujima, kung pano ligawan ang isang babae ayaw na kase ni Sakuragi, na mabigo ulit tulad noong nasa Jr high school palang siya.

Umalis narin si Sakuragi, at abang nag-iisip siya kung ano ang tapad niyang gawin para mapasagot niya si Yogani, ay pumasok sa utak nya si Sendoh, at pinuntahan niya si Sendoh, ngunit wala siya sa bahay.

"Baka nag-date sila ni Yurie, kaya wala siya ngayon." Sabi ni Sakuragi, abang naglalakad.

"Aba Sakuragi.. Anong ginagawa mo rito?." Tanong ni Haruko, kasama niya si Rukawa.

Inisip ni Sakuragi, na nag-de-date ang dalawa kaya sila magkasama.

"Ikaw pala Haruko.. Wala lang naglakad-lakad lang." Sabi ni Sakuragi, sabay napatingin kay Rukawa.

"Anong problema mo?." Tanong ni Rukawa.

"May pinagawa kase samin si coach Anzai, kaya kami magkasama." Sabi ni Haruko.

"Di ko naman tinatanong kung bakit kayo magkasama eh." Sabi ni Sakuragi, kay Haruko.

"Sakuragi." Bulong ni Haruko.

"Cge mauna nako may pupuntahan pa kase ako." Pagpapahalam ni Sakuragi, at iniwan ang dalawa.

PERFECT LOVERWhere stories live. Discover now